CHAPTER 2

1.7M 34.8K 8.3K
                                    

Hi to Richard S. Andon, Thea Grace Villapaz, Irizh Jhudiel Sergio, Jhennesa Pintor. 👋👋👋😄

And Hello to Kriszanth Asher Cimafranca! 👋👋😘

CHAPTER 2

"NINONG RIOS!" Matinis at masayang sigaw ni Ace habang tumatakbo palapit kay Rios na naghihintay sa kanila sa arrival. "Ninong! Ninong!"

Napailing nalang siya ng makitang kaagad itong kinarga ni Rios saka ginulo ang buhok ng anak niya.

"Hey there, Acezequiel," ani Rios habang ginugulo ang buhok ng anak niya. "Kumusta? Ilang buwan din tayong hindi nagkita. I miss you, kiddo."

Yumakap si Ace sa leeg ni Rios. "I miss you, too, ninong," anang anak niya saka kinuha ang headphone na nasa leeg ni Rios at inilagay iyon ng anak niya sa sarili nitong tainga.

Mahina siyang natawa saka hinalikan sa pisngi si Rios. "Hey."

Rios smiled at her. "Hey to you, too. Kumusta?"

"Ayos lang." Ngumiti siya. "Bakit pala ikaw ang sumundo sa'min? Ayos lang naman na mag-commute nalang kami."

Kinuha ni Rios ang isang bagahe na hila-hila niya saka sabay silang naglakad patungo sa exit. "Kararating ko lang din galing Sicily kaya ako na sumundo sa'yo. Sabay na tayong umuwi."

"Sige." Magaan ang pakiramdam na naglakad siya patungong exit hanggang sa makarating sila sa parking lot kung saan naroon ang kotse nito.

Pinasakay muna ni Rios ang anak niya sa backseat bago siya tinulungang ilagay ang mga bagahe sa back compartment ng sasakyan. Kapagkuwan ay sabay silang sumakay sa kotse at pinaharurot nito iyon patungo sa bahay nito.

"Saan ka ba naglalagi nitong mga nakaraang taon?" Tanong ni Rios sa kaniya habang nasa biyahe siya. "Hindi mo man lang ako tinatawagan."

Nanunudyo ang matang bumaling siya kay Rios. "Ah, so you missed me."

Rios rolled his eyes. "Shut up, woman. I don't do 'I miss you'."

Mahina siyang natawa saka napailing. "Come on, Rios, don't be like that."

Pinukol siya ng masamang tingin ni Rios ng magtama ang mga mata nila sa review mirror. "Remind me again why I said yes when my sister asked me to let you stay in my house for the meantime?"

Isinandal niya ang katawan sa likod ng passenger seat saka ihinilig ang ulo sa gilid ng pinto. "Because you care."

Malakas na napabuntong-hininga si Rios. "I wish I don't."

Bahagyan niyang nilingan ang katabi. "I'm sorry. About what happened between us."

Nagkibit-balikat lang ang binata. "Ayos lang 'yon. I think it meant to happen. Anyway, it's already in the past. So."

Malungkot siyang ngumiti. "I'm really sorry, Rios."

"That's okay," he said and let out a sigh. "Long distance relationship is all fucked up, anyway. Hindi na nga ako nagulat ng sabihin mo sakin ang nangyari. And hey." He smiled at her. "You got Ace. I think that's a good blessing."

Napangiti siya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya na nakakausap niya si Rios tungkol sa nakaraan nilang dalawa. "Yeah, you're right."

"I am right," may pagmamalaki nitong sabi.

Inirapan niya ito saka inabot niya ang stereo ng sasakyan nito saka pinindot 'yon para bumukas at naghanap ng magandang kanta sa radyo.

Malapad siyang napangiti ng pumailanlang sa loob ng kotse ang kanta ni Bruno Mars.

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon