CHAPTER 17

1.3M 30.9K 4.9K
                                    

Hi to Bea Tamba and Queenie Kaye Arce 👋👋

CHAPTER 17

"YOU DON'T LOOK so good," komento ni Nate ng makasakay sila sa limousine na pinadala ng ama niya sa airport para sunduin sila. "You look like hell, bud."

Titus blew a loud breath. "Ace cried." Naalala pa niya ang mahigpit na pagkapit nito sa braso niya para lang hindi siya umalis. "He cried as if i'm not coming back."

Tumingin si Nate sa labas ng binata. "He's a kid. Normal na sa kanila ang umiyak ng ganun. Saka nakikita ka palang niya, siguro mami-miss ka lang niya. Pero babalik naman tayo kaagad pagkatapos ng kung ano man itong kailangan ng ama mo sa'yo."

Malakas na napabuntong-hininga si Titus saka pinikit ang mga mata. Napangiti siya ng makita sa isip niya ang magandang mukha ni Mace. And then his imagination run wild, he saw her slightly leaning forward while he took her from behind. Her sexy curves, her perfect round ass, her delectable breasts, and damn it, when she moaned, it was music to his ears.

He loved hearing his cara mia moan because of him. Just the thought of her was enough to awaken his lenght and make it throbbed.

Fuck!

Umayos siya ng upo ng pakiramdam niya ang sumisikip ang pantalong suot niya. He was having a boner for fuck's sake!

Tumikhim siya saka iminulat ang mga mata at tumingin siya sa labas ng bintana tulad ni Nate. Binura niya sa isip niya si Mace at ang anak nila. Ipinukos niya ang atensiyon sa kapaligiran niya at sa mangyayari mamaya.

Nang tumigil ang sinasakyan sa harap ng isang malaking bahay, walang emosyon ang mukha ni Titus na lumabas ng limousine at naglakad papasok sa malaking mansiyon na pag-aari ng ama niya. Kaagad silang sinalubong ni Mauricio, ang butler at personal na bodyguard ng ama niya.

"It's nice to see you again, Titus," magiliw na sabi ni Mauricio habang may ngiti sa mga labi, saka ito bumaling kay Nate. "Of course, as well as you Nate, but I'm afraid you have to stay in the lounge." Kapagkuwan ay bumaling ulit ito sa kaniya. "I will escort you to your father's office. He's waiting."

Tumango siya saka naglakad. Si Nate naman ay nagpa-iwan.

Habang sabay silang naglalakad ni Mauricio, tinanong niya ito. "Is Emmanuel here?"

"Yes." Mauricio nodded. "He arrived last night, and he seems angry over something. Maybe the lost princess has something to do with his anger."

Lihim na napangiti si Titus. Mukhang hindi lang pala siya ang galit dahil hindi pa niya nahahanap ang prinsesa. That was good to know.

Pasimple siyang huminga ng malalim ng makarating sila sa labas ng opisina ng ama niya. Nang buksan ni Mauricio ang pinto, binura niya lahat ng emosyon niya sa mukha bago pumasok sa loob.

"Alas, my youngest is here," kaagad na sabi ng ama niya ng makita siya.

His father was smiling, but he was gritting his teeth in return. This was the man who violated his mother. Hinding-hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa ina niya dahilan para maghirap ito. He would never forgive this man, even if he was his flesh and blood.

"Dad." Tinanguan niya ang ama at kahit napakahirap para sa sarili niyang tawagin itong 'dad', ginawa pa rin niya para sa mga plano nila. "Good morning."

Ngumiti ang ama niya saka iminuwestra ang kamay nito sa nag-iisang bakanteng upuan sa harap ng mesa nito. Hindi niya pinansin si Emmanuel na nakaupo sa kaharap niyang upuan at ipinukos lang niya ang atensiyon sa ama niya.

"Why did you call us here, father?" Si Emmanuel ang unang nagtanong.

Mahina namang tinawanan ng ama niya ang tanong ni Emmanuel. "Always the impatient one. Why don't you be like your brother here?" Tinuro siya ng ama nila.

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon