Fifteen

153 13 0
                                    

Kunot noong gumising si Johan ng hindi niya makapa ang malambot na katawan na kayakap niya kani-kanina lang.

He opened his eyes and roam it around the room but she was nowhere to be found. Marahil ay bumalik na ito sa sarili nitong kwarto.

Lumabas siya sa kanyang silid at nagtaka ng makita si Joan na naglilinis sa katapat na silid.

"Where's Francias?".

"Ay sir, Johan. Umalis po siya kanina bago sumikat ang araw dala ng bag niya.".

His heart raced rapidly hearing what she said. Agad siyang bumaba sa sala at doon nakita ang kanyang kapatid sa usual routine sa umaga na pagyoyoga.

"Tiffany, nasaan si Francias?".

Nginusuan lamang si Johan ng kapatid at tinalikuran siya.

"Umalis na siya?", nakaismid na sabi nito.

"I'm asking you where is she?".

"She went home, okay. To her family.".

"Sa Manila?".

She shrugged. "Who knows?".

Inismiran pa siya nito bago ito tumalikod bitbit ang kanyang mat. 

Ng mawala sa paningin ang kapatid ay halos sapakin ni Johan ang sarili. He was so stupid. It was crystal clear that he likes her, ngunit nauna na naman ang katangahan niya.

Malinaw na sinabi ng babae na gusto siya nito.

"What have you done, stupid.".

Halos lagi siyang tulala kakaisip sa dalaga. Maging ang makulit na si Patricia ay hindi na bumalik ng hindi niya ito pansinin isang araw na dumaan ito sa kanila.

"Iho, kung ganyan ka pala kaapektado sa pag-alis ni Francias, bakit hindi mo pinigilan?", ang mama niya ng isang gabing maabutan niya ito sa kusina.

"Hindi niya sinabi saaking aalis siya, mama.", malungkot niyang amin. 

"O eh bakit nandirito ka pa? Eh di dapat sinundan mo siya kung ganon.".

He sighed. "Makapangyarihan ang pamilya nila sa Manila mama.. napakayaman. Hindi kami bagay. Baka hindi rin ako matatanggap ng magulang niya.", sa pagkabigla ni Johan ay kinurot siya sa magkabilang pisngi ng kanyang ina na noo'y salubong ang kilay na nakatingin sa mga mata niya. "Masakit ma.", angal niya.

"Para magising ka. Ang problema sayo lagi kang nag-iisip ng negative sa lahat ng bagay, hindi mo pa nga sinusubukan. Tsk.", nakahawak pa rin ito sa magkabila niyang pisngi. "Tanungin mo siya kung mahal ka nga niya then talk to her parents kung paano ka nila matatanggap.".

Napangiti siya sa mama niya. Karamihan kasi ng mga magulang ng mga kakilala ay puro pag-aaral at paghahanap ng trabaho ang sinasabi sa mga anak. He found her cool.

Kunsabagay, ang mama niya ay disiotso ng ipinanganak siya, kung titignan nga ito ay tila kasing edad lamang niya.

He sighed and removed his mother's hand on his cheeks. "Hindi ganun kadali yun, ma.".

"Aba'y wala ng madali sa mundo. Lahat kailangan mo paghirapan. Tsk.", iiling-iling itong tumalikod sa kanya. "Paano ka sasaya kung umpisa pa lang lagi ka ng takot.", narinig pa niyang sabi ng papalayong ina. "Mga kabataan nga naman.".

***

"What?".

Chorus na gulat na reaksyon nila Elisha at Natalie. Kausap niya ang mga ito sa loob ng kanyang kwarto.

The first day of the second semester just ended and unfortunately  it would be her last semester in their university. Her parent's plan to exiled her to Italy to continue her study is irrevocable. Na kahit umiyak siya ng dugo ay walang silbe sa nagyeyelong puso ng kanyang ama.

Tumango siya. Nakita niya ang biglang pamumula ng mga mata ng mga ito dahil sa pinipigilang pag-luha. Siya man ay sobrang lungkot at ilang gabi ng umiiyak, ngunit wala naman siyang magagawa kung hindi tanggapin ang desisyon ng magulang.

Nagpapasalamat na rin siya na hinayaan siya ng magulang na tapusin ang huling semester sa taong iyon kaya naman aabot pa siya sa pasko at 20th birthday niya sa Pilipinas.

"Pero huwag kayong mag-alala. Uuwi uwi din naman ako para magbakasyon.", pinilit niyang ngumiti  but it was useless dahil nag-unahan na rin ang luha sa pagpatak mula sa kanyang mata ng makita niya ang mga kaibigan na umiiyak na rin. "Ano ba naman to, may ilang buwan pa naman tayo. Let's save our tears for my last day here in Philippines, pwede?", biro pa niya.

"Pero paano yung plano natin? Mag-aapartment pa tayong tatlo ng magkakasama pag magwowork na tayo diba?", si Natalie.

"Asus, edi pag uwi ko.", she sighed. "Kilala ninyo si papa, wala akong magagawa sa desisyon niya.".

"Kung gayahin mo na lang kaya si ate mo? Pakasal ka na rin?", ani Natalie.

"Yeah, that's right.", segunda naman ni Elisha na ikinatawa niya.

"Sira. Wala nga akong boyfriend, paano naman ako mag-aasawa?".

"Asus wala. Eh pano na si Mr Nice Guy na kasama mo sa Baguio?".

She bit her lower lip and sighed.

Kamusta na kaya ang lalaki? Ito ang una niyang hinanap ng pumasok ng umagang iyon ngunit natapos na ang lahat ng klase niya ay hindi niya nakita ni anino ng binata.

"He doesn't like me.".

Nagkatinginan ang dalawang babae at niyakap na lamang siya.

Kinabukasan ng pumasok siya ay muli niyang hinanap si Johan. Tinanong niya ang ilang kakilala niya na nakakakilala din dito ngunit hindi rin daw nila nakikita ang lalaki.

She tried her best to be the jolly person that she was ngunit marami na rin ang nakakapansin sa kanyang pagbabago.

Dahil sa pag-iisip niya kay Johan ay tila lagi siyang natatahimik, tulala at wala sa loob.

She missed him. She terribly missed him.

Paano ba mawawala ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pangungulila dito.

***

May ilang linggo na rin ang nakalilipas mula ng magsimula ang semester. Sa kanyang panlulumo ay hindi na talaga niya nakita ang binata.

Gustuhin man niyang puntahan ito sa Norte ay hindi niya magawa, dahil hangga't nasa poder siya ng ama at hindi kayang tumayo sa sariling paa ay hawak siya sa leeg ng mga ito.

"Ma'am.", narinig niyang tawag ng kanyang yaya mula sa likod ng kanyang pinto sa kwarto.

She slowly opened the door na tila takot lumikha ng ingay. "Bakit po?". Nakita niiya ang pagkabalisa sa mukha nito.

"May dumating na binata sa ibaba, kinausap ang papa mo. Johan ang pangalan. Narinig ko kasi na inamin niyang siya ang kasama mo sa Baguio".

Halos hindi na niya marinig ang iba pang sinabi ng ginang sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso.

Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at walang lingon likod na tumakbo pababa ng hagdan.

"Papa.", sigaw niya ng makita ang ama at ang binata. She was more shocked seeing him sitting on the floor with blood on his mouth. Lalapit sana siya ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon ng ama dahil agad nitong sinenyasan ang dalawang bodyguard na ibalik siya sa kwarto.

"Papa, please. Don't hurt him. Please. It was my fault. I hitched in his car without his knowledge.", sigaw niya. She saw her own father with rage in his eyes, he was talking but she couldn't hear a thing. Mas nanaig sa kanya ang takot para sa binata. "I'm sorry.", walang nagawa niyang turan habang halos kaladkarin siya pabalik sa sariling kwarto. She wanted to see him but not this way.

Stubborn Miss Francias (COMPLETED)Where stories live. Discover now