Four

175 13 0
                                    

Francias followed him till they reached an old house. Inakala niya noong una na pangkaraniwang bahay iyon ng may makalumang istilo ngunit ng salubungin sila ng isang ginang at igiya sila sa loob ay namangha siya dahil restaurant pala iyon.

"Andre iho.".

Kitang kita ang saya sa mukha ng ginang na sumalubong sa kanila ng may halong panunukso ng masulyapan si Francias.

"Aba'y kagandang bata naman nireng kasama mo. Ikaw ba ay nobya ni Andre, iha?".

Lalong namula ang binata na agad umiling at hindi na makatingin sa kanya.

"Ah nay hindi ko po siya girlfriend. Si Francias po, school mate ko.".

Mainit ang pagtanggap ng ginang sa kanila. Habang naghahanda si Andre ay nalaman niyang pagmamay-ari ang lugar na iyon ng ginang at ng asawa nito. Katu-katulong din nila ang ilang anak at apo nito sa pagpapatakbo ng negosyo. Isa iyong buffet restaurant. Napakadaming masasarap na pagkain ang nakahain sa unahang bahagi niyon, idagdag pa ang mga minatamis na itsura pa lang ay nanghahalina na.

Marami ng mga tao ang nasa loob at masayang nakain, dahil medyo gutom na rin si Francias ay nagpaalam siya sa mga ito upang magbayad sa counter na tinanggihan ng may-ari.

"Sa susunod ka nalang magbayad iha. Libre muna kita ngayon.", kwela pa itong kumindat at niyakag sila sa isang pandalawahang lamesa.

Ang grand piano ay ang sentro ng bahay, kita rin ito sa ikalawang palapag dahil sadyang may butas ang itaas upang kita at rinig sa kabahayan ang magpeperform doon.

Ng makita ni Francias na pupunta na si Andre sa mini-stage bitbit ang violin nito ay agad niya itong hinila pabalik sa upuan.

Nagulat ang lalaki ng tinanggal niya ang salamin nito at guluguluhin ang plantsado nitong buhok. Nagpasalamat si Francias na wax lang ang gamit nito dahil naayusan niya iyon ng naaayon sa gusto niyang istilo.

She looked at him and gave him a satisfied smile.

"Much better.", sabi ni Francias sa lalaki na noo'y hindi mapakali. Sumunod namang tinignan ng dalaga ang damit ni Andre at bahagyang nag-isip. May suot itong pantalong sa tingin niya ay chino pants na itim at polong walang kagusot-gusot na nakabutones hanggang dulo niyon. "May suot ka bang sando or t-shirt?", tanong niya sa lalaki.

"T-shirt.", tipid nitong sagot na napapangiwi.

"Is it plain and what color?".

"Plain black.".

"Good.".

Sa gulat muli nito ay tinanggal niya ang pagkakabutones ng polo nito at ipinahubad sa lalaki. "Perfect.", puri nito ng makita ang ginawa. "Alright, go ahead.", she pulled him up and pushed him to the mini stage.

Nakita ni Francias na pinagtitinginan ito karaniwan na'y ng mga babae pati nga ang ilang crew ng restaurant ay tila nagulat sa transpormasyong iyon ng binata.

Kuntento siyang napangiti sa lalaki, she was like a mother na proud sa unang hakbang ng kanyang anak. Hindi siya nagkamali na may nagtatagong superman sa likod ng plantsado nitong buhok at salamin. Ngunit napakunot ang kanyang noo ng tila may hindi siya nagugustuhan sa paligid.

Kung kanina ay proud, ngayon ay tila nagsisising inayusan niya ito dahil sa ilang kababaihang hindi napigilan ang paglapit sa binata. Some took his pictures and even kissed him on his cheek na nagpadama sa kanya ng pagkainis.

Weird. She shrugged. Gutom lang siguro siya.

Matapos ang dalawa pang piyesa ay nahihiya itong lumapit sa kanya.

"That was great. Ang galing mo talaga."

"Thank you.", sabi nito na namumula.

"Pano ka napasok dito?".

"Kaibigan ng nanay ko si nay Rosie.", ang tinitukoy nito ay ang ginang na may-ari ng kainan. Sila ang nag-aalaga saakin dito sa Maynila. "Pinasok ako ni nanay dito kabayaran na rin sa tulong nila sakin.".

Nagsasalita ang lalaki ng hindi man lamang tumitingin sa kanya. Kung hindi sa kamay nito ay titingin ito sa paligid, minsan ay gagawin nitong busy ang sarili na animo'y pinupunasan ang makintab nitong violin, minsan naman ay mapapatingin nga ito sa kanya ngunit agad naman nitong binabawi.

"Hey, ayaw mo ba akong kausap?", hindi niya napigilang tanong ng nakanguso.

"Sorry, hindi ako sanay makipag-usap sa babae.".

"You're kidding. Don't tell me di ka pa nagkaka-girlfriend?", nanlalaki ang mga matang naitanong niya. "Sorry.. sorry.. don't answer that."., bawi niya ng maisip na may pagka-rude ang kanyang sinabi.

Nakita naman niya na kung kanina ay kamatis, ngayon ay tila sili na ito sa pagkapula.

She asked personal questions like his favorite foods, colors place... na sinasagot naman ng lalaki.

Natutuwa siyang kausap at kasama ito. Tila ba walang dull moment kahit na ba mahiyain ang binata.

Bukod kay Carl ay dito lang din siya nakikipag-usap ng hindi iniisip ang kalagayan niya sa buhay. Sa twina kasi ay lagi siya pinapaalalahanan ng magulang sa tamang asal sa pakikiharap sa mga tao.

Bawal ang ganito ang ganyan. Nakakasawa na talaga.

"Hindi ba mag-aalala parents mo?", tanong ng lalaki ng matapos ang second set ng kanyang mga piyesa.

"Who knows.". She just shrugged and smiled. "Hey, what time will you finish your shift?".

"Mga 9 pm.".

"May pasok ka bukas?".

Umiling ang binata bilang sagot.

"Then, will you please accompany me?", pacute niyang pakiusap. Ayaw pa niyang umuwi. Gusto niyang maggala sa mga oras na iyon.

"Uhm, sigurado kang maghihintay ka pa hanggang 9?", may pag-aalinlangan nitong tanong sa kanya na sinagot lang ng dalaga ng isang matamis na ngiti.

Nagbuntong hininga ang lalaki at walang nagawang tumango.

She loved how he played his violin ngunit mas nagustuhan niya ng tumugtog ito sa grand piano ng ilang love songs.

He was truly amazing and she felt a bit strange watching him. Hindi niya namalayan ang awtomatikong paglapat ng kanyang kamay sa tapat ng kanyang dibdib na tila ba pinapakiramdaman niya ang biglang pagbilis ng pagtibok niyon. Napailing siya at napangiti. Nah. Impossible.

Stubborn Miss Francias (COMPLETED)Where stories live. Discover now