Two

206 13 0
                                    

Francias silently played with her ice cream while her parents were busy talking with delRio's. She almost rolled her eyes when all she heard was all about their businesses.

Naramdaman niya ang pagsipa ng kung sino man sa kanyang paa, nakakunot noong napatingin siya sa kaharap na si Carl na noo'y nakangiti na tila ba pinagtatawanan ang pagsisintir niya.

Nginusuan niya ito, pinanlakihan ng mga mata at kinuha ang tinidor na itinapat sa lalaki.

"Francias.", mahinhing saway ng kanyang mama na tila may nakakahiya siyang ginawa.

At ang hitad niyang kaibigan? Ayun at pigil na pigil ang tawa.

"Sorry, ma.", she apologized in a monotoned voice na binigyan ang kaibigan ng isang nakamamatay na tingin.

"They're so sweet, ganyang ganyan kami ni Antonio noon.", ang mama ni Carl. Ngumiti lamang siya at tumahimik.

Sweet ba yon? Naisip niya. Kahit ano siguro ang gawin nila ni Carl ay nakakatuwa sa panining ng mga ito. Kahit nga noong bata sila na nag-aaway sila ay sweet sa mga ito. She sighed.

Sa may halos isang oras nilang pagkain ay walang nagawang nanatili lamang siya kasama ang mga ito. Tila siya sinususiang robot na kontrolado ang bawat kilos. She will smile whenever they look and answer whenever they throw questions. Inip na inip na siya at dumagdag pa sa inis niya ang pang-aasar ng kaibigan.

<3 <3 <3

" Hey stop.", si Carl ng hilahin ni Francias ang patilya ng lalaki.

"Bagay sayo yan. Kulit mo eh.", mataray niyang sabi. Kasundo niya ang lalaki ngunit hindi talaga niya nakikita ang sarili na makasama ito habambuhay.

Naghahanap lang siya ng tyempo na kausapin ito ukol doon. Simula kasi ng magkaisip siya at hanggang lumaki ay never pa nilang napag-usapan ang kasal na gusto ng mga magulang. Naisip niyang sumusunod lang din ito sa gusto ng mga nakatatanda.

"How was your day, princess?".

"Boring. Ang hirap namang pumasok sa gym kapag may practice kayo. Parang laging may finals."

He laughed and shrugged.

"Yabang mo talaga eh no.".

"Well sorry princess. Hindi ko naman iyon ginusto."

Tila kumulimlim ang mukha ng lalaki na tumingin sa malayo at bumuntong hininga.

"France, I met someone.", he started at tila alam na niya ang nais nito.

"That's great. Who is she?", she encouraged.

"I'm not sure if you know her but... my heart races whenever she's near. My eyes follow her wherever far she is. Do you know what that is?", lumingon ito sa kanya na tila nga naguguluhan.

"Love.", nakangiti niyang sagot. His best friend is in love. "Sinabi mo na kila tita?".

Umiling ito at nagbuntung hininga.

"Tell them. They will definitely understand.", sabi niya dahil sa pagkakakilala niya ay talagang mabait at maunawain ang pamilya nito.

"Paano ka?".

Doon siya natawa at pinitik ang noo nito.

"God, Carl.... I love you, but not that kind na gusto kang makasama bilang asawa.", pinandilatan niya ito at pinameywangan. "Kapag hindi mo yan sinabi kila tito at tita tiyak na pagdudusahan mo yan habang buhay.".

Stubborn Miss Francias (COMPLETED)Where stories live. Discover now