Fourteen

140 7 0
                                    

FRANCIAS deeply breath while looking at her own reflection in the mirror. This is it, kinakabahan man ay lakas loob siyang lumabas ng kwarto at tumapat sa silid ni Johan.

She gulped and knocked on his door.

Ng pagbuksan siya nito ay hindi niya maiwasan ang mapangiti dahil sa gulat sa mukha ng binata.

"Pwede ba kitang makausap?".

Nakita niya ang paghagod nito sa kanyang kabuuan bago ito tila namamalikmatang tumingin muli sa kanyang mukha. She was wearing a pink pajama na ipinahiram ni Tiffany

"Okay. Magbibihis lang ako, pakihintay na lang ako sa baba.".

Nakaputing T-shirt lang ang binata at nakaboxer.

She deeply breath and smirked. Sa nanlalaki nitong mga mata ay itinulak niya ito papasok ng kwarto at umiling.

"No, dito na lang tayo mag-usap.".

Mas lumawak ang kanyang ngiti ng makita ang tila pagkabalisa nito lalo na ng isinara niya ang pintuan ng kwarto ng binata.

"Hey, I will not rape you. Gustuhin ko man kaso ayaw mo naman sakin.", hagikhik niya na nagpapula dito. "Busy ka ba?", aniya ng makita ang mga papeles at magazine sa table ng lalaki.

"Hindi naman. Nagbabasa basa lang ako. Patulog na rin ako pagkatapos nito. ", sabi nitong nakatingin lang sa mukha niya. Datirati ay hindi man lang nito magawang tumingin sa kanya ng lalampas sa tatlong segundo. Ngayon ay siya na minsan ang nahihiyang nag-iiwas ng tingin kapag nakatingin ito sa kanya.

Lumabi siya at humarap sa lalaki. "Pwede ba kong matulog sa tabi mo kahit ngayong gabi lang?", lakas loob na simula niya "I promise that I will not do anything beyond looking and hugging.", nakangiting hiling niya kahit deep inside ay halos sasabog na ang puso niya sa hiya at sa takot na ma reject na naman nito.

Tila nanghihinala na tinitigan siya nito.

"Please.", she begged with matching beautiful eyes pa.

He sighed but nodded anyway na ikinagalak ng dalaga. At sa ikatlong pagkakataon ay nanlaki ang mga mata nito ng para siyang batang padapa na tumalon sa kama. Umayos siya ng higa at pinagpag ang tabi niya upang patabihin ito.

"Come on ng makarami tayo.", hagikhik niyang sabi. Ng makita niya ang pamumula nito ay bumunghalit siya ng tawa. "I was just joking. You're safe with me my prince.", aniya.

Bumuntong hininga ang binata at humiga na rin sa kanyang tabi. May panggigigil na niyakap niya at isinubsob ang mukha sa dibdib ng lalaki.

"Thank you.", bulong niya ng nakapikit. Naramdaman niya ang pagtagilid ng lalaki paharap sa kanyang gawi at ang paghaplos nito sa kanyang pisngi.

"I am not a saint nor a prince. Hindi ka dapat agad agad nagtitiwala sakin.".

She pouted ngunit hindi pa rin dumidilat na ninanamnam ang paghaplos nito sa kanya.

"Who wants a saint or a prince, kung ikaw sapat na. ", Hindi talaga siya magsasawang kulitin ito.

"Puro ka biro.".

She pouted again. "No, of course not. Ikaw lang naman ang nag-iisip na nagbibiro ako when I am in fact serious with everything.", aniyang dumilat at tumingala sa lalaki. Ngunit natigilan siya dahil sa iilang pulgadang distansya ng mukha nito sa kanya.

She gulped at halos hindi niya kayanin ang kaseryosohan sa mga mata ng binatang nakatitig lang sa kanya na para bang binabasa kung totoo nga ang sinasabi niya.

Una siyang nagbaba ng tingin ngunit agad niya iyong ibinalik ng makita ang ngiting gumuhit sa labi nito. "Hey, ikaw tong niloloko ako eh.".

Umiling ang binata at iniyakap ang braso sa baywang niya, iniunan din ni Johan ang kanyang ulo sa braso nito at hinapit siya.

She gulped. Hindi niya napaghandaan ang aksyong iyon ng binata ngunit nagpaubaya lamang siya. Napakalakas ng tibok ng puso na kanyang naririnig, na isang senyales ng pagmamahal niya sa binata.

Teka? Naririnig?

Nakadikit ang kanyang mukha sa dibdib ng lalaki, kinakabahang marahan niyang idinikit ang tainga dito at doon niya nakumpirma ang nararamdaman nito. She smiled.

Nakangiti siyang tumingala muli sa binata at kinintalan ito ng halik sa labi.

"I love you, Johan.", aniya bago muling isiniksik ang sarili sa dibdib nito. Naramdaman at narinig niya ang pagsinghap ng lalaki at ang lalong paghigpit ng mga yakap nito.

"I can't breath.".

Niluwagan naman nito ang pagyakap nito at naramdaman niya ang tila paghalik nito sa kanyang buhok. "It's your fault....Sleep. ",bulong ni Johan sa tila namamaos na tinig na nakangiti naman niyang sinunod.

"Good night, Johan".

"Good night.".

Nagising si Francias sa tila nakakakiliting hangin na dumadampi sa kanyang leeg. Then she realized that it was Johan's breath. Nakasubsob ito sa kanyang leeg habang mahigpit pa ring nakayakap sa kanyang katawan.

Niyakap niya ang ulo nito, at tila napahigpit iyon ng maalimpungatan ang binata. She sweetly smiled. "I'm sorry, nagising ba kita?".

Umungol lang ito at napatingin sa kanya. Nakakunot ang noo nito na tila iniisip kung bakit nandoon siya. Masuyo itong ngumiti at kinintalan siya ng halik sa labi na labis niyang ikinabigla. Ipinikit nitong muli ang mga mata at niyakap siya. She liked it.

"What time is it?", tanong nito na tumingin sa bintana. Madilim pa rin sa labas kaya sigurado siyang madaling araw pa rin.

Natutulala pa rin siya sa mukha nito ng muli itong tumingin sa kanya.

"Hey, bakit hindi ka ata madaldal ngayon?", ngisi nito na lalong nagpatibok ng kanyang puso.

She smirked and encircled her arms around his nape.

"You're different.", aniya na inilingan ng lalaki.

"No. Masyado lang puro ang tingin mo sakin.".

She widely smiled. "Maybe. But I love this part of yours too.", aniya habang pinapadaanan ng mga daliri ang buhok ng binata. She saw him gulped while looking intently in her eyes. Ngunit hindi niyon maitatago ang pagdududa nito na dahilan ng kanyang malalim na paghinga. "I maybe too young as you said. But I am seriously in love with you, alam kong hindi ka naniniwala. Pero that's what I know.", niyakap niya ito ng mahigpit at nagbuntong-hininga. "Come on. Let's sleep more.".

Stubborn Miss Francias (COMPLETED)Where stories live. Discover now