Natigilan siya saka napatitig sa binata. "S-starts? N-ngayon na?"

"Mamayang hating gabi." Ginawaran siya nito ng halik sa mga labi, "don't worry too much. I'll survive, cara."

Tumango siya pero wala sa pinag-uusapan nila ang isip niya, naglalakbay 'yon, nagpa-plano at nag-iisip ng dapat gawin.

Kapagkuwan ay bumangon siya saka tumingin kay Titus. "Umalis ka na. Magpahinga ka na."

"What the fuck, cara--"

"Leave now, Titus."

Naguguluhang napatitig sa kaniya ang binata. "Ayaw mo ba akong makasama bago ang laban mamaya?"

"Magpapahinga ka pa--"

"I'm already resting with you, cara mia--"

"Leave, now." May diin ang boses na sabi niya saka seryusong tumingin sa binata. "I'm dead serious, Titus, leave. You need to leave. Baka kung ano pang mangyari kapag nalaman nilang nandito ka." Pagdadalhilan niya, "mas mabuti nang nag-iingat tayo."

Ilang minuto siyang pinakatitigan ni Titus bago ito walang imik na bumangon at nagdamit. Nakamasid lang siya kay Titus hanggang sa nakabihis na ito. Kapagkuwan ay walang imik itong umalis sa kuwarto niya sa pamamagitan ng pagbaba mula sa balkonahe.

Nang mawala ang binata, kaagad siyang nagdamit saka naglakad patungo sa pinto ng kuwarto at bahagyang binuksan iyon at lumabas siya habang sapo ang tiyan.

Kaagad na humarap sa kaniya ang isa sa dalawang bantay sa labas ng pinto.

"Princess, you are not allowed to leave your room." Anang lalaki.

"I want to talk to Nate." Aniya saka umaktong nagmamakaawa at iniipit ang tiyan at bakas sa mukha niya ang sakit, "please, please, my stomach hurts so bad. I beg of you, I might pass out if i didnt take my medicine right now. Rinaldi will kill you both if something bad happens to me in your watch... Ahhhh!" Peke siyang sumigaw para mas maniwala itong nasasaktan siya.

Halatang nag-panic ang lalaking kumausap sa kaniya. "O-okay. Wait. We'll send him in."

Tumango siya saka sinara ang pinto, kapagkuwan ay tumayo siya ng tuwid at hinintay si Nate. Nakaupo siya sa sofa ng bumukas ang pinto at pumasok doon si Nate. Nang ma-i-lock nito ang pinto sa likod nito, kaagad itong naglakad palapit sa kaniya.

"Kanina ko pa hinihintay na ipatawag mo ako." Halata ang iritasyon sa mukha nito. "Ano ba ang ginagawa mo, ha, at ngayon mo lang ginawa ang napag-usapan natin? Limang oras nalang mag-uumpisa na ang Flamma, nagsidatingan na ang mga tataya sa laban. They are now having dinner. Siniguro ko na lahat lalo na sa Flamma na papasukin na'tin, maayos na 'yon, naka-posisyon na rin ang lahat. How about you? Are you ready?"

Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita, "i'm ready. I already make my first move with the guards. They will back me up for sure."

"Good." Tumango si Nate, "mamaya, ipapadala ko rito sa isa sa mga kasambahay ang gagamitin mo kaya hintayin mo."

Tumango siya. "Sige, salamat."

He stared at her for a second, examining her, "are you okay? You look pale."

"I'm worried for Titus and scared and--"

"Stop it. This is a very simple plan, Princess. Walang magagawa ang pag-aalala mo. If Morgan will win, he will win. Siya lang ang makakatulong sa sarili niya sa pinasok niya, at saka diba nga kaya natin 'to ginagawa ay para mas mapadali ang pagkapanalo niya?"

Huminga siya ng malalim saka pinagsiklop ang sariling kamay, "kinakabahan ako..."

"Umayos ka." Ani Nate, "nakahanda na ako para sa mangyayari mamaya."

POSSESSIVE 16: Titus MorganWhere stories live. Discover now