INTRO

36 2 0
                                        

Sadyang hindi napakapatas ng buhay. May mga taong biniyayaan ng ganda na maaari nilang maging asset sa buhay. Meron din  namang mga pinanganak na mga genius. Sila yung mga huhubog sa future ng bansa nila o kaya ng buong mundo. May mga ipinanganak namang talented na maaaring makapagbigay aliw o makapagpahanga sa mga tao. Pero paano kung isa ka lamang ordinaryong tao? Walang kakayahan na magpamangha sa iba? Sila kadalasan yung mga pinupunterya ng mga nambubulas o mga nambubully. Isa sa mga bagay na hindi nais maranasan ng kahit na sino. Marahil sapagkat ito'y nag-aalis ng tiwala at pagmamahal sa sarili. Lumiliit ang tingin mo sa buo mong pagkatao. Gusto mong lumayo sa mga tao. Gusto mong gumawa ng sarili mong paraiso, kung saan ikaw ay ligtas sa mga taong mapanakit ang mapanghusga. Ngunit sa panahon ngayon, wala ka nang matatakbuhan. Kahit saang sulok ng mundo ay mayroong mga taong gagawa sa'yo ng mga hindi kaaya-ayang bagay. Pero paano kung hindi pala sa mundong ito makikita ang hinahanap mong paraiso? Handa ka bang iwanan ang lahat sa lupa? Para makamtan ang hinihingi mong kapayapaan ng damdamin at isipan?






Tormented (On Going)Where stories live. Discover now