{ Hannah's P.O.V }
"We are all gathered here to commemorate the life of Vilma Marissa De Claro....." Sabi ng pari siyam na buwan din ang lumipas Simula mag stay si nanay sa hospital
Andito kami sa isang cremation chapel, si tatay, ako, si kuya Hero, si Mr. Levin, Martina, Mia at Lucian, pati na din ang ibang mga kaibigan, sila Kim, Caryl, Faye
Si Marcus hindi makauwi ng Pilipinas kasi dalawang buwan palang sya sa New Zealand
"Hannah condolence" sabi ni Kim at Caryl
Nauna ng umalis si Kim at Caryl sumunod naman si Faye
Si Mia at Lucian nasa dulo malapit sa pinto palabas ng chapel, inaalo ni Lucian si Mia habang umiiyak ito
Si Ms. Martina naman ay hindi makikitaan ng kuha pero halatang nag pipigil
Makalipas ang halos 6 na oras na tapos na ang cremation ni nanay
Inaabot ng tauhan ng cremation ang lagayan ng ano ni nanay pero sinabi ni tatay na nilagay muna sa altar saglit
"Hannah, Hero mga anak, ano kaya kung ngayong wala na ang nanay nyo, ano kaya kung ibalik naman natin sya as totoo nyang pamilya" sabi ni tatay
Napatingin naman ako Kay tatay
"Tayo ang pinili ni nanay tay bakit natin sya ibibigay?" Tanong ko
"Anak minsan tayo nga ang pinili pero sigurado ka bang nung pinili nya tayo ay naiwan naman ang puso at isip nya sa mga Levin, simula ipinanganak kayo hanggang sa mawala ang nanay nasa atin sya hindi nya tayo iniwan, pero yung totoong pamilya nya yung pamilyang naiwan nya ng dahil sa atin ilang taon lang nilang nakasama at nakasama nalang nila ulit ng mamamatay na ito, pero ayan sila tumulong parin sa pag papa gamot sa nanay" sabi ni nanay
"Pero tay" reklamo ko pero hinawakan ako ni kuya Hero sa balikan
"Bunso tama si tatay, para sa ikagagaan ng loob ng lahat" sabi ni Kuya
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Beauty and the Best Beast (gxg) (Complete)
RomantizmMinsan pakiramdam mo may kulang sayo, pakiramdam mo hindi ka buo, kahit nasayo na lahat ng gusto mo may kulang parin. May hinahanap ka na kaylangan mo, yung bagay na hindi mo lang gusto kundi kaylangan mo para mabuo ka. Madalas hindi natin alam...