{ Lucian's P.O.V }
Andito na kami sa mall
Hindi ko alam kung balak mag tayo ng sariling boutique ni Mia, wala na yatang lulugaran sa wardrobe sa condo tong mga pinagbibili nya
"Babe, tingin mo kasya kay mommy to?" Tanong ni Mia tapos hinarap sa akin yung cardigan na brown
Napangiti naman ako sa sinabi nya
Hindi ko naisip na naisip nya bilhan ang mommy nya
"Oo naman" sabi ko
"Ito kaya bagay kay mommy? Habang nasa hospital sya?" Tanong nya
"Oo naman" sabi ko
Sa loob loob ko natutuwa ako, kasi akala ko bibili lang sya ng para sa kanya, haaay Mia, saan kaya sya pinaglihi ng mommy nya sa anghel?
"Babe ito kaya?" Sabi nya tapos pinakita nya yung off shoulders na dress na color red
"Isusuot kaya yan ng mommy mo?" Tanong ko
Ngumiti naman sya
"Baliw hindi to para Kay mommy, para sa kapatid ko to" sabi nya
"Hindi ba maiksi para kay ate Martina yan" sabi ko
Medyo may katangkaran din kasi si ate Martina
"Babe naman, para kay Hannah hindi Kay ate Martina" sabi nya
Hindi man lang sya nagalit kay Hannah sa ginawa sa kanya?
Lumapit sya sa akin tapos umupo sa tabi ko
"Babe past is past, siguro susubukan kong magustuhan ako ni Hannah, besides dati ko pa gusto mag maroon ng little sister" sabi nya
"Nagawa ka nyang pag buhatan ng kamay, tapos mabait ka parin sa kanya, babe baka lumagpas ka sa langit nyan" sabi ko
Hinampas nya ako sa braso
"Pero babe, naisip ko lang kasi baka kaya nag kakaganyan si Hannah kasi nabigla sya, na may ibang kapatid sya tapos yung kapatid pa nya girlfriend ng ex nya, baka hindi lang nya maprocess sa utak nya yung mga nangyayari" sabi nya
ESTÁS LEYENDO
Beauty and the Best Beast (gxg) (Complete)
RomanceMinsan pakiramdam mo may kulang sayo, pakiramdam mo hindi ka buo, kahit nasayo na lahat ng gusto mo may kulang parin. May hinahanap ka na kaylangan mo, yung bagay na hindi mo lang gusto kundi kaylangan mo para mabuo ka. Madalas hindi natin alam...