{ Lucian's P.O.V }
Andito kami ngayon ni Mia sa mall, namimili kami ng pangregalo sa mga love ones namin
"Lucian san ka mahilig?" Tanong ni Mia
"Sa pagkain" sagot ko
"Bukod dun" sabi nya
"Kahit ano" sabi ko
"Wala namang kahit ano eh hmmmmmp" sabi nya at nag lakad na papuntang mga laruan
"Ikaw Mia anong gusto mong matanggap ngayong pasko?" Tanong ko
"Sya" pabulong na sagot ni Mia
"Sino ba kasi yan ng ipakidnap ko at balutin ko na" pabiro kong sabi
"Sira" sabi nya
Naka bili na sya ng para sa mga bata
"Mia after this, may gagawin ka pa ba?" Tanong ko
"Wala naman, bakit?" Tanong nya
"Naisip ko lang kung ok lang sayo mag dinner tayo" sabi ko
Tumingin sya sa akin naparang sinusuri ako
Please pumayag ka- sabi ng isip ko
"Just plain dinner ba yan o dinner date?" Seryosong tanong nya
Kinabahan ako sa tanong nya
Kasi hindi ko din alam kung anong simpleng dinner lang ba ng mag kaibigan yung gusto ko o gusto ko syang mas makilala pa
"Lucian, try mo sumagot, layo ng tingin mo eh nakadrugs ka ba?" Sabi nya
"Friendly date" sabi ko
{ Mia's P.O.V }
Andito kami ngayon sa Antipolo
Hindi ko alam kung anong trip ni Lucian at kakain lang ng dinner dito pa
Villa Quevido
"Nice place" sabi ko kay Lucian
"Buti nagustuhan mo" sabi nya
Garden set up yung Resto
Lahat ng table dito good for two
May manmade waterfall sa harap
Sa gilid naman ng waterfall may isang grand piano at mga tumutugtog
YOU ARE READING
Beauty and the Best Beast (gxg) (Complete)
RomanceMinsan pakiramdam mo may kulang sayo, pakiramdam mo hindi ka buo, kahit nasayo na lahat ng gusto mo may kulang parin. May hinahanap ka na kaylangan mo, yung bagay na hindi mo lang gusto kundi kaylangan mo para mabuo ka. Madalas hindi natin alam...