Chapter 30

21.5K 204 25
                                    

{ Lucian's P.O.V }

"LJ naman bat naman ang bilis?" Dismayadong tanong ni Kim

"Masama bang maging masaya naman ako?" Tanong ko

Andito kami sa isang coffee shop malapit sa hospital na pinapasukan ni Kim

"Di mo man lang ginawa yung 3month rule" sabi ni Kim

"Taray ng 3 month rule mo, uso pa ba yun?" Natatawa kong sagot

"Hindi dahil sa uso kaya gagawin mo yung 3month rule, gagawin mo yun dahil nirerespeto mo yung naging meron kayo ni Hannah"sabi ni Kim

" Kim respeto? Nung umuwi sya ng Zamboanga na nakapagdesisyon syang sya nalang muna ang uuwi niresepeto ko yun, yung ilang araw syang hindi nagparamdam nirespeto ko yun, inisip ko nalang nagpapaliwanag sya ng maayos sa magulang nya, nung nag punta tayo doon at nakita natin sa mismong mga mata natin na gising, gising na gising sa katotohanan na habang nag hihintay ako sa kahit isang message nya wala, tapos makikita natin may kasama ng ibang lalaki, at hindi lang basta lalaki kundi yung ex nya bago kami nag kakilala at tadddaaahh sila ulit, so ako pa yung hindi rumespeto sa meron kami ni Hannah?" Tanong ko

"Ok ok you win, pero sure ka ba dyan sa pinapasok mo? Pumasok ka agad sa isang relasyon, sa relasyon na alam mong pwede kang masaktan ulit"sabi ni Kim

" kung masasaktan man ako kay Mia, parte ng pag-ibig yun, dahil lagi namang may kakambal na sakit ang pagmamahal Kim, pero willing ako mag take ng risk kay Mia" sabi ko

Beauty and the Best Beast (gxg) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon