Ju Roku

701 14 0
                                    


Kanina pa kami bumabyahe ng kumag na to pero hindi ko parin alam kung saan kami pupunta.

"We're here."
He announced kaya lumingon agad ako sa bintana para tingnan kung nasaan kami.

"Dito ba yon nakatira? May tumitira ba dito? Oh meeting place lang to? Sino ba kase yon?"
Sunod-sunod na tanong ko. I can't help it. Curious na talaga ako.

Pano bang hindi pag ka baba ko sa kotse tanaw ko na yung iba't-ibang klaseng makukulay na bulaklak. Tapos yung lupa tinatapakan namin merong sobrang berdeng mga damo. May mga poste rin na may naka pa ikot na bulaklak.

Ang ganda lang.

"Come here."
He said then hold my hand tas pumunta kami sa pinaka gitna.

Mukhang kilala ko na ang ipapakilala niya sa akin. Pero wag naman sana.

"Mom, meet Kara Mendoza. Pwede na ba siya para kay Dad?"
Sabi nito at lumuhod sa isang puntod na napapalibutan ng bulaklak.

Sabi na nga ba e. Sabi na.

"H-hello po. Im Kara. Wala naman po akong balak agawin ang asawa niyo sa inyo. Yung lokong anak niyo lang po ang may sabi niyan."
Sabi ko at umupo rin. Tinanggal ko yung heels ko. Mas masarap sa pakiramdam ang naka paa.

"Wag mo akong siraan kay Mama."
Sabi niya at ngumuso.

Ang gwapo naman ng nilalang nato. Alam niyo yung mga gwapong may makakapal na kilay tas may dimple sa gilid tsaka may mapupulang labi na lagi nilang kagat tsaka may mahahaba na pilik matang mga lalaki. Ganon yung itsura niya. Ganon siya ka gwapo. Yung ka gwapuhan niya di nakaka umay.

"Ano ba kaseng issue mo sa Papa mo?"
I ask out of nowhere. Alam kung maling pag usapan yon sa harap ng puntod ng mama niya. Pero wala e. Kusang lumabas sa bibig ko.

"I love my Dad. Beleive me i really do. I want the best for him. But when Mom's die, everything change."
He started. When his Mom die. Eh bat ako? Dipa nga patay Nanay ko iba na ugali ng Ama ko.

"Sorry."
Sabi ko.

"No, its not your fault. Back then we use to be partner in crime. Pero nawala lahat. Lahat inaagaw niya sakin. Ultimo naging mga girlfriend ko. Nawala na yung galit ko nung nag karoon ako ng bago tas nawala na sila nung ex ko. Kaso ang masaklap naulit na naman. Mahal na mahal ko siya pero mas pinili niya yung Tatay ko. Hindi ko alam kung saan ako nag kulang. Lahat binigay ko sa kanya. Pati spear key ng condo ko, creditcards ko, lahat. Lahat-lahat."
Kaya pala.

"So here's the plan. Magiging girlfriend kita. Aagawin ka nga Ama ko. Syempre, sigurado ako. Tapos pag naging kayo na syempre hindi masakit sakin yon kase hindi naman kita gusto. Ipapakasal ko kayo agad. Para pwede na akong mag hanap ng mamahalin ng hindi niya ako inaagawan."
Okay na sana e. Kaso ang ipamukha niya sa akin na 'hindi naman kita gusto' oo na alam ko! Pero parang sinampal sa pag mumkha ko.

"So that's your plan."
I said then he just nod.

"Tinanong mo na ba ako kung pumayag na ako?"
I said.

"Ofcourse you are!"
Sabi niya at napa tayo.

"A*shole! Gusto mo kong itali sa Tatatay mo! Paano naman ako? Paano yung lovelife ko?"
Tumayo na rin ako.

"I can handle that. Na plano ko na to lahat. After naming mag pakasal ng mahahanap kong girlfriend. You are free. Malaya ka na. I can handle the divorce papers."
Sabi niya at kumindat.

"Ang gulo ng buhay ko!"
Sigaw ko tsaka nag sasabunot sa sarili.

Hindi ko alam na tumulo na pala yung luha ko. Anong meron? Bat na iiyak ako?

Hays. Ang hirap ng buhay bw*set.

"Nakanai de kudasai."
Ano? Ano daw? Pagka tapos niyang sabihin yon pinunasan niya yung luha ko.

"Hindi kita minumura diyan! Dun ka na nga wala ka namang pake e!"
Sigaw ko.

"Anata no sewa o shimasu."
Sabi niya at bigla akong niyakap.

Nag pumiglas ako pero kalaunan yumakap rin sakanya. Tuloy lang ako sa pag iyak. Gusto kong ibuhos lahat ng sakit.

"Ang sakit. Ang sakit-sakit lang kase. Lagi na lang ganito. Lagi nalang may problema. Ano bang meron sakin? Wala naman akong balat a! Nakaka asar na."
Sabi ko ng humihikbi.

Nung mahimasmasan ako ay nag aya ng umuwi si Yohan. I don't know why but i feel comfortable when im with him.

May something e.

"Drop me here."
Sabi ko ng madaanan namin yung simabahan.

"Huh?"
Takhang tanong niya pero tinigil parin yung kotse.

"Papasok lang ako saglit."
Sabi ko tiningnan niya naman ako tapos balik sa simbahan tas sakin uli, tas sa simbahan.

"Don't worry babalik ako sa condo mo."
Sabi ko at tumawa tapos bumaba na ng kotse. Mag sasalita pa sana siya kaso sinara ko na yung pinto. Hindi ko siya makita dahil tinted yung salamin pero kumaway parin ako bago tuluyang pumunta ng simbahan.

Katulad ng nakasanayan wala masyadong tao. Wala naman kaseng misa kapag nag pupunta ako dito. Inikot ko ang paningin ko para hanapin si...

Hindi ko pala alam ang pangalan niya.

Napa yuko naman ako sa na isip ko.

"May problema ka na naman?"
Tiningnan ko agad ang nag salita. Napangiti ako dahil sa nakita ko. Siya nga.

Tatawagin ko sana siya kaso na alala diko nga pala alam pangalan niya.

"B-bakit?"
Sabi niya tapos yumuko tsaka tumingin sa kamay niya. Here we go again.

"Wala ang gwapo mo pala no."
Sabi ko tapos ngumiti dahil nakita kong naka puti na naman siya. Ang gwapo nito mukang anghel.

Matangos na ilong. Pink na labi. Clean cut pero may konting bangs tapos sobrang puti niya.

Gosh ang gwapo talaga niya. Oo na mga te, ako na malandi at sa simbahan pa talaga ako nag hasik.

"Ang gwapo mo."
Pag uulit ko dahil nakita ko siyang nag blush kanina.

Umupo siya sa pinaka malapit na upuan. Sumunod naman ako. Nakalimutan ko ang pinunta ko dito.

Mag dadasal nga pala ako. Pero aaminin ko narin na para makita ulit tong gwapong to. Hays.

"Ano bang pangalan mo?"
Tanong ko. Kanina pa ako nangangati na itanong yun e. Sa wakas na tanong ko na.

Pakiramdam ko wala akong problema pag kasama ko siya. Tahimik lang kami, pero ayos lang. Tiningnan ko ulit ang gwapong katabi ko.

Totoo nga ang mga anghel.

" Ako si..."

Her Imperfections [Fukanzen]Where stories live. Discover now