Roku

843 14 0
                                    

(Six)

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

Umagang-umaga walang tigil ang mga luha kong pumapatak.

Nag lalakad ako ngayon sa kung saan mang lugar na hindi ko alam.

Naka layo na ako sa Mansion nila Kevin pero nandun parin yung sakit na mga sinabi ng Nanay niya sa akin.

Paano na ako? Paano na ako ngayon?

Na aawa ako sa sarili ko. Ang layo-layo ng buhay ko ngayon sa buhay ko noon.

Ma usok ang lugar na pina-pasok ko ngayon. Maraming mga lalaking naka hubad. Maraming tattoo sa katawan at naninigarilyo. May mga grupo rin ng mga lalalking manginginom ang pumansin sa presensya ko.

Sumipol yung isa tapos may sumunod pa.

"Hi Miss Beautifull!"
Sigaw nung lalaking panot at naka taas yung sando niya kaya kita yung malaki niyang tiyan.

Ewww.

"Ang ganda mo naman! Bago ka lang ba dito!? Tara tablean mo muna kami!"
Sabi nung isa na puro tattoo ang katawan.

"Bastos!"
Sigaw ko at tuloy-tuloy sa pag lalakad.

"Witwiw. Sexy mo naman! Tara kama na kita!"
Sabi nung isang medyo totoy pa pero sobrang payat tas kung maka sigarilyo kala mo walang bukas.

"Manyak!"
Sabi ko rito at nilagpasan.

Nung maka layo na ako sa lugar. Dead end na pala. So babalik na naman ako don!?

Bat nga pala ako napadpad dito. Aalis na sana ako ng may mahagip ang mata ko.

"Night Club"
I read the signage.

"Wanted Waitress, one thousand per night. And customers tip to you, is yours."

Dali-dali akong pumasok sa loob ng madilim na eskinita. Ang aga pa, pero ang dilim na sa loob ng eskinita. May maliit na itim na pinto sa gilid. At may naka lagay na "Night Club" so i think this is it.

Sinuot kong mabuti ang bag pack ko tsaka kumatok. Parang tagong lugar naman ata to para sa Club? Pero kahit nag tataka ako ay kumatok pa rin ako.

Walang nag bukas, pero naka bukas na pala yung pinto.

Pumasok ako madilim yung lugar kinaylangan ko pang titigang mabuti para maka adjust yung mata ko sa dilim.

Tapos may biglang umilaw sa gitna. Stage pala. Tapos may babaeng naka short-shorts and croptop ang sumayaw. Actually madami silang naka pa ikot sa stage.

"Good! Ayan sige umikot kayo! Lambutan niyo!"
Sigaw ng baklang naka shole.

Napansin ko rin yung itsura ng mga mesa at upuan.

Oh my gosh! Don't tell me!?

"Oh my!"
Sabi ko at napa sapo sa bibig ko.

"Oh? Mag a-apply ka, Darling?"
Napansin nila ako kaya lumapit sa akin yung bakla. Tsaka hinawakan yung kamay ko.

"Ahm. Sorry hindi po. Mali po yata yung napa sukan ko."
Sabi ko ng nag pa-panic.

"Yung karatulang wanted waitress?"
Tanong niya kaya naman tumango ako.

"Bagay ka dito! Ma fes oh! Maganda!"
Sabi niya habang iniixamine yung mukha ko.

"M-mali po ata!"
Nag pa panic na talaga ako.

"Don't worry Darling. Your safe here. Mataas ang mag bigay ang mga customer namin dito."
He said then wink.

"Shaina!! Dalhin mo nga to sa likod para makapag pahinga. Explain mo narin yung mga gagawin niya."
Agad namang may lumapit na babae sa may gawi namin.

"Follow me Girl."
Sabi nung Shaina raw.

Sinundan ko naman siya. Maraming make up yung mukha niya. Maganda siya. Pero masyadong makapal ang make up niya. Maiksi rin yung buhok niyang kulay mais.
Naka backless fitted dress siya.

"Anong lugar ba tong napasukan ko?"
Tanong ko sa sarili ko habang sinusundan ko si Shaina.

"Wag ka ngang pa inosente diyan Girl!"
Sabi nito tapos may binuksan na pintuan.

Pag bukas niya maraming mga damit ang naka sampay sa kung saan. May mga fur pa. Tapos may mga ala Victoria secret pa na panty at bra. Sabi na e!

Pero ano pa nga bang magagawa ko!? Papatusin ko na to. Para kay Mama.

Tama. Para kay Mama. Kaylangan niya ng mapa gamot. Pangako ko sa sarili ko, kapag gumaling na si Mama mag hahanap ako ng matinong trabaho. Yung marangal.

"Ganto Girl ang gagawin mo. Kada gabi maraming customer dito manonood sila ng mga sayaw namin tapos ta-table kami. Bahala na kung sasama kami sa kanila. Alam mo na naman siguro yon. Kung first time mong maka pasok dito napapa nood mo naman siguro sa TV yung mga ganto."
Pag e-explain niya. Tumatango lang ako.

"Kapag may nag order ng beer ibibigay mo. Kahit anong orderin nila. Typical na waitress kumbaga."
Hays. Buti naman naka hinga ako ng maluwag.

"Eto. Eto ang susuotin mo!"
Sabi niya habang ngumunguya ng bubble gum.

"Saan?"
Tanong ko tapos na pa dako ang tingin ko sa tinuro niya.

Mas ma iksi pa sa shorts niya yun ah!?

"Seryso!?"
Sabi ko kahit nga nasa bahay ako di ako nag su-suot niyan.

May black ripped stockings pa. Tapos yung blouse parang kinulang talaga sa tela. Kulay pula pa.

"Pag sinuot mo yan bawal kang mag bra."
Sabi niya na parang sanay na sanay na.

"What!? No way! I'll not freaking wear that sh*t!"
Sabi ko. Grabe lang kasi. Kapag sinout ko yan maluwang siya e. Tapos hangging blouse pa siya. At sobrang nipis nung hinawakan ko. Konting maling galaw ko diyan makikita yung dalawang alaga ko e.

"Englishera. Mayaman ka dati noh? Ako kasi lumaki na dito. Yung Nanay ko ganto rin, kaya ang bunga ng kalandian niya ganto rin. Malandi rin."
Sabi niya sa akin.

"Sorry."
I apologize. I feel like i need to said that.

"Wag kang mag sorry. Ano bah!"
Sabi nito na parang wala lang yung nasabi niya.

"Oo nga pala, may day off ba to?"
Tanong ko.

"Oo kada umaga. Bakit ka nga ba napasok dito? Wala kasi sa itsura mo na gusto mong mag trabaho dito."
Sabi niya.

"Ah kase kaylangan na kaylangan ko ng pera. Yung Mama ko kase nasa hospital."
Sabi ko naman.

"Ganun ba? Buti dito ka pumasok. Malaki mag bigay yung mga customers ng tip."
Pag mamalaki niya sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o ano.

Tingin ko mali tong gagawin ko e..

Maling-mali pero kaylangang gawin.

Her Imperfections [Fukanzen]Where stories live. Discover now