"Ayokong sumama--" Pero bago ko maisara ang pinto at makabalik sa higaan, nahila na niya ang kamay ko. Tapos ay walang kaabog na abog na kinaladkad ako papunta sa banyo at inutusang maligo. Nang nagprotesta ako, kumuha siya ng tubig at binuhos sa ulo ko.

"Aaaahh!!" Nabuhay lahat ng himaymay ng katawan ko dulot ng malamig na tubig na umagos mula sa ulo hanggang sa katawan ko. "Paniki!!!" Tili ko sa kanya.

Ang lakas ng halakhak niya dahil pupungas-pungas ako sa tubig. Sinundan pa niya ng isa pang buhos ng tubig. Pinaghahampas ko siya pero lagi lang niyang nasasalag. Tatawa-tawa siyang tumakbo palabas ng banyo. Hindi na ako nakahabol dahil basang-basa na ako at baka madulas lang ako kapag susundan ko pa siya. Nakakainis! Nakakainis talaga! Makakaganti din ako sa'yong Paniki ka!

Ilang minuto din kaming bumiyahe, pinasok ni Jave ang kotse niya sa isang underground parking ng matayog at malaking corporate building. Isinama pa rin niya ako sa kabila ng protesta at panlilisik ng mga mata ko. Hindi niya pinapansin ang mood ko, pinagtatawanan pa ako sa tuwing magtataray ako.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko habang nakasunod sa kanya papasok ng building.

"Hinarang ng may sayad kong kapatid ang invitation ko sa party ni Rianne, I'm gonna get it myself."

Si Miss Ysabel Santillan. Naisip ko. Siya lang naman ang kapatid ni Paniki 'di ba? Siya ang pakay namin dito?! Na-excite ako pero kinakabahan. Napapayuko ako sa tuwing napapatingin sa akin ang mga staff na bumabati kay Jave. Kung suriin ako ng mga ito ay mula ulo hanggang paa. Naintindihan ko kung bakit, ang suot ko ng araw na yun ay ang suot ko nang bumiyahe ako papuntang Maynila. It's a pair of out of style jeans and worn out shirt. Hindi siguro sila sanay na makakita ng ganitong ayos sa lugar na ito.

"Good morning Sir Jave.."

Lahat ng taong madaanan namin puro nakayuko sa kanya na para bang anumang oras ay mananakmal ito. Ganoon din sa school, parang takot na takot sa kanya ang lahat ng tao. Bagay na hindi ko maintindihan at talaga namang palaisipan sa akin. Bakit sila natatakot kay Jave?

Lumapit siya sa isang maganda at unipormadong babae. Although nakangiti ang babae, hindi nakaligtas sa mapanuri kong mga mata ang kaba na gumuhit sa mukha nito. Kung wala itong lipstick, malamang namutla na.

"Where's Ysabel? I need to see her."

"Ahm. S-sir Jave. The Director is in a meeting right now..."

"I want to see her...right now." madiin ang tono ni Jave sa panghuling salita. Pansin ko ang nginig sa tuhod ng babae pero pinanatili nito ang professional na postura.

"Hindi po maari. She's with important clients, kung gusto niyo po sasamahan ko kayo sa opisina niya doon nalang po kayo maghintay. Matatapos na rin naman po ang meeting."

"Hindi mo ba ako narinig? Gusto kong makausap si Ysabel, ngayon na. Mukha bang gusto kong maghintay sa opisina niya?"

"Sir Jave..."

"Ako na ang pupunta sa kanya!"

"Hindi po pwede. Magagalit po si Ma'am!"

Hindi niya inintindi ang sinabi ng babae kaya naman hinila ko na ang braso niya. "Hindi ka ba makaintindi na nasa meeting pa? Kliyente ang kausap, di mo narinig?" bulong ko. Nang panlisikan niya ako ng tingin, pinandilatan ko siya ng mata.

"Huwag kang mangialam dito!" angil niya sa akin.

Nakipaglaban ako ng tingin sa kanya. Nang hindi na siya nagsalita, binalingan ko ang babaeng assistant.

"Ah, Miss, saan po kami pwedeng maghintay?" tanong ko na nakangiti sa babae. Para siyang nabunutan ng tinik, masigla pa kaming dinala sa opisina ni Director Santillan. Nang mapag-isa kami kinailangan kong takpan ang tainga sa bulyaw ni Jave. Pasalamat nalang ako at hindi ako binulyawan sa harap ng maraming tao.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now