Tayo
Isang salita pero may napakaraming kahulugan
Ang tayo ay Isang salita na dapat para lang sa dalawa
Ang tanong, May Tayo Ba?
Siguro Wala , kasi ako lang naman ang umaasa na meron.
Ako lang naman ang nagpakatanga sa paniniwala na mayroong "TAYO" sa pagitan nating dalawa .Sabi mo, WALANG TAYO
Sabi mo , huwag na akong umasa sayo.
Eh sa nagmamahal lang naman ako ehh .Siguro sa sobra na pagmamahal na 'to .
Nagiging tanga at bobo na rin ako.Pero sa pag - Ibig na 'to .
Para sa akin, WALANG MALI.
May nagmamahal Ba na hindi nasasaktan ?
Kasi para sa akin , WALA
Para sa akin , masasaktan at masasaktan ka talaga .
Kasi sa pagmamahal , May sakripisyo , May mga problema at iba pa.Mahal, kahit na walang tayo
Asahan mo, nandito pa rin ako at nagmamahal pa rin sayo .PAALAM, Mahal Ko.
AUTHOR'S NOTE
No copyright , please . If gusto nyo pa po ng maraming spoken words poetry , just message me na lang po .Itong tula na 'to ay para sa mga Tao na akala ay NAGING kayo pero Hindi pala. Akala na mayroong "tayo" sa pagitan nyong dalawa .
BINABASA MO ANG
Unexpressed Feelings
PoetrySpoken Words Poetry.💕💔 Collection ng mga isinulat kung tula . Collection ng mga hugot . Collection ng mga Quotes . English and Tagalog poetry . crdts: Hugot and quotes . Poetry po sana ito kaso naisipan kong i-random na lang dahil may mga hugots...