Sana

212 4 0
                                    

Sana naging tayo.

Sana mayroong ikaw at ako 

Pero paano mangyayari 'yun kung may iba na dyan' sa puso mo 


Mahal umasa ako na SANA , sana balang araw , mahalin mo rin ako

Ang sakit kasi na ako lang ang nagmamahal , ang sakit na ako lang ang nag-eefort para mapasaya ka lang  

 Oo, umasa ako na sana , magbago ka. 

Akala ko na magtitino ka na kasi ginagawa ko ang lahat para magbago ka 

Pero MALI ako . Mas lalong lumala ang ugali mo 

Parati mong ipinamumukha sa akin na : SINO KA BA SA AKALA MO?

At alam mo, tama ka . Sino nga ba ako?

Ako lang naman etong nagmamahal sa'yo 

Ako lang naman etong nandyan parati sa tabi mo 

Ako lang naman ang umaasa na mayroong TAYO 


Mahal , sana hindi na lang kita nakilala 

Sana hindi na lang ikaw ang minahal ko 

Sana hindi na lang ikaw ang binigyan ko ng pansin 

Kasi lahat ng ginagawa ko, balewala lang pala para sa'yo.


Mahal, isa lang ang hihilingin ko

Sana balang araw , 

HINDI MANGYAYARI SA'YO TO. 


Sana hindi ka masaktan tulad ng ginagawa mo sa akin 

Sana hindi ka luluha ng napakarami tulad ng mga luha ko 

At sana , mamahalin ka ng mahal mo tulad ng pagmamahal ko sa'yo.


Masakit man pero dapat tanggapin 

Alam ko na sa simula pa lang , hindi ka naging akin 

Kaya Mahal , Paalam na 


Huwag kang mag-alala kasi ang pagtawag ko na MAHAL KITA 

ay hanggang dito na lang .

Ititigil ko na ang kalokohan na ito kasi alam ko na ako rin ang magsisisi na minahal pa kita . 


</3   

Unexpressed Feelings Where stories live. Discover now