M.E 31

53 5 0
                                    

M.E 31 - Kidnapped





---





Sunny's POV




Nakaramdam ako ng kirot sa kamay ko kaya ako nagising. Iminulat ko ang mata ko at nakita ko na nakatali ng lubid ang kamay at paa ko habang naka-upo sa upuan. Nasa isang madilim na kwarto ako, maayos namang tignan pero nakakakilabot sa pakiramdam.



Asan na ba ako? Naalala ko naman na may kumidnapped sa akin pero hindi ko maalala kung sino. Hindi naman ako makasigaw o makahingi ng tulong dahil may nakatakip na tape sa bibig ko.



Biglang bumukas ang pinto at hindi na ako nagulat ng makita ko ang pagmumukha nila. Ano pa bang aasahan mo sa limang 'to? Edi puro kasamaan. Kaya pala kaboses ni Gyuri yung nagsalita kanina kasi siya pala 'yun. Tumayo silang lahat sa harapan ko at tinitigan ko lang sila ng masama.



"Gising ka na pala," sabi ni Tiffany. Malamang, hindi ba halata?



"Why are you doing this?" kalmado kong tanong sa kanila kahit na galit na galit na ako.



"We just hate you." - Gyuri



"Wala naman akong ginagawa sa inyo," sabi ko at natawa naman ng kaunti si Gyuri.



"Oo nga. Hindi ba pwedeng trip lag namin?" sabi ni Nicole. Trip? Pati pala buhay pinagt-tripan na rin. Iba na talaga ngayon.



Hindi na lang ako nagsalita pa at sinamaan na lang sila ng tingin.



"The knife," saad ni Gyuri at may inabot naman si Victoria na isang maliit na kutsilyo kay Gyuri.



"Anong gagawin niyo?"  tanong ko sa kanila ng walang halong kaba o takot kahit na halos mahimatay na ako sa kaba ngayon.



"What do you think?" sabi ni Gyuri at lumapit sa akin ng dahan-dahan.



"Ano bang kailangan niyo?" tanong ko at nagsimula na ring umagos ang luha sa pisngi dahil hindi ko na talaga kayang magtapang-tapangan pa. Nahihirapan na ako, nakakapagod.



"EXO," sagot ni Tiffany sa tanong ko. May mga tao pa lang kayang pumatay ng dahil lang sa pagiging obsess sa isang bagay o tao. Natawa ako sa sinabi niya kaya halatang nainis siya.



"Wala na sa akin ang EXO. Why are you still doing this?" tanong ko. Lumapit naman sa akin si Gyuri. Hinawakan niya yung pisngi ko pero nilayo ko agad yung mukha ko.



"Andami mong tanong," sabi ni Gyuri at sinampal ako. Napangiwi lang ako dahil sa lakas ng sampal niya. Hinatak niya yung buhok ko at iniharap yung mukha ko sa mukha niya.



"Let's just make this fast," sabi niya at binitawan yung pagkakahawak sa buhok ko at yung braso ko naman yung hinawakan niya. Inilapit niya yung kutsilyo doon at hinuwa yung balat ko. Napasigaw ako sa sakit at samping beses niyang inulit yun at ngayon ay makikita mo na ang duguan kong braso.



"Tama na please," sabi ko habang iyak ng iyak. Inabot naman ni Nicole yung isang baril kay Gyuri.



"Okay, tapusin na natin 'to," sabi niya at kinasa yung baril tsaka itinutok ito sa akin. Pumikit na lang ako at hinihinta ang pagbaril niya sa akin. At nangyari na nga ang inaasahan kong mangyayari.



*BANG!*





---

Marrying EXOWhere stories live. Discover now