M.E 18

94 8 1
                                    

M.E 18 - Who is Bora?





---





Sunny's POV




Ano kaya yung surprise ni Bora? Gaga pa naman 'yun baka kung ano yung gawin niya. Alam ko naman na may halng kasamaan 'yang so-called surprise niya. She can do it now, I'm not scared.



"Pssst," sitsit ni Suho. Tumingin ako sa kanya at sinabing, "Ano?"



"Paano kaya yung ilevel-up ko yung fake date natin?" ang dami ring alam nitong si Suho. Bagay sila ni Bora.



"Ayoko at sana itigil mo na 'yun," sabi ko dahil iritadong iritado na talaga ako.



"Ok. That's what you want then let's end it," bigla naman akong napatayo at humarap sa kanya. Hinawakan ko yung pisngi niya at sinabing,  "Weh? Seryoso ka? Yes! I'm free!" Tumalon pa ako sa tuwa. Natapos na rin.



"No, you're not free yet," napatingin ako sa kanya at napatigil ako sa pagtalon. Paanong hindi pa? Tinapos niya na yung deal diba?



"H-huh?" tanong ko at ngumiti siya sa akin. "I'll end our fake date and you're going to be my fake girlfriend," sabi niya at namilog yung mata ko sa sinabi niya. Sisigawan ko sana siya kaso biglang dumating si D.O. 



"Hello," sabi niya pero parang wala siyang gana.



"From the other side. Joke," hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yun. Oo, ang korni at nakakahiya pa.  "Oo na lang. Anong mayroon sa inyo ni Suho? Ba't mukhang bad trip ka na naman?" tanong niya at saka lumapit sa amin.



"Baliw kasi. Gusto niya daw ako maging fake girlfriend. Sa buong buhay ko, never kong pinangarap na magka-boyfriend na shokoy," sabi ko at sinamaan ako ng tingin ni Suho. Mukha naman kasi talaga siyang shokoy. 



"Ano ba yang pinapanood mo?" tanong ni D.O.



"The Last Stand."



"Mahilig ka pala sa mga Action Movies. Ang boring dito, makatulog na nga," sabi ni D.O at umalis na. 8 o'clock na at hindi pa ako inaantok. Ano kayang pwede gawin? Ayoko naman magbasa. Ayoko ring kumain. Ayoko ng manood. Ang boring talaga, tama nga si D.O.



Ano kaya kung asarin ko si---



*KRING! KRING!*



Tumatawag na naman si Bora. Ayaw talaga ako tigilan ng babaeng 'to.



"Ano na naman?"



[I just need to ask you something.]



"What is it?"



[Andyan ba si Kai?]



"Oo, anong kailangan mo sa kanya?"



[I just want to talk to him]



"Bakit ako yung tinawagan mo?"



[Sa tingin mo alam ko yung cellphone number niya? Stupid.]



"Humanap ka ng paraan para malaman mo."



Sabi ko tapos binabaan siya. Alam ko naman yung gagawin niyan. Lalandiin niya si Kai. Siguro hiwalay na sila nung future husband niya kaya iba na naman yung lalandiin niya. Pero isa naman sa mga hobby niya ay yung pagsabayin ang dalawang lalaki, expert naman siya doon. 



Alam ko na yung gagawin ko. Magku-kuwento na lang ako sa inyo kung sino ba talaga si Bora.



Bora Lee ang full name niya. She lives in America with my parents. Ayoko sumama sa kanila kasi alam kong wala naman silang pake kung andoon ako o hindi. Bora was nice. Ako kasi yung mas magaling sa lahat ng bagay kaysa sa kanya. Nagselos siya kasi ako na lang daw lagi yung magaling. And then, she became evil. Kinakawawa niya ako pag wala yung parents namin. Bait-baitan siya pag nasa harap namin yung parents namin pero pagwala sila, dun lumalabas yung kasamaan niya. Pero hindi na ako nagpapa-api. Kung sasampalin niya ako, sasampalin ko rin siya. Sasabunutan niya ako, kakaladkarin ko siya. Yung mas nagmumukha pa akong maldita kaysa sa kanya pero sa akin mukha lang pero siya ugali rin. 'Di ko naman talaga siya totally na kapatid kasi iba yung nanay niya. Hindi niya alam 'yun kasi masasaktan daw siya pagnalaman niya sabi ni Dad. Dapat lang siya masaktan, kulang pa nga 'yun eh.





---


Marrying EXOजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें