M.E 02

182 14 0
                                    

M.E 02 - Locked



---



Sunny's P.O.V



Natapos na kaming magtruth or dare pero hindi pa kami inaantok kaya naisipan naming naglaro ulit.



"Guys, magsuggest kayo ng laro," sabi ni Suho at mukhang na bo-bored na siya. "Tagu-taguan kaya?" sabi ni Xiumin at napatango naman ang lahat.



"Game?" sabi ni Tiffany at bumalik yung sigla ng lahat.  "Game!" sabi naming lahat. "Sige, kailangan nakapatay lahat ng ilaw. Tapos yung taya may flashlight na dala," sabi ni Xiumin tapos nagreklamo sila kasi daw madaling mahahanap pero si Tiffany pinigilan sila at ang final decision ay ang magdala ng flashlight. Kasi kung walang flashlight baka halos isang araw bago niya kami mahanap.



"Ok. Hands in, maibaaa taya!" Nagitim ako at inulit namin kasi may magkakaparehas. "Mauntiii alis!" Nagitim ulit ako at mas maunti yung puti. Umalis na sila Tiffany, Nicole, Chen at Xiumin. "Maiba taya," this time nagputi na ako and unexpectedly, si Baekhyun lang yung nagiisang itim. Sa dinamirami namin si Baekhyun lang yung nagitim. "Baekhyun, ikaw yung taya," sabi ni Tiffany. Binigyan ng ng flashlight si Baekhyun at saka niya pinatay yung ilaw sa bahay nila. Malaki yung bahay nila kaya masayang magtagu-taguan and madilim pa. Nagtago ako sa loob ng cabinet ni Tiffany. Malaki siya kaya kasya ako. Ang tagal naman. Ang init na kaya.



After 10 minutes ay may nataya na rin. Si Sehun na nagtago daw sa likod ng pinto. Lumabas na ako ng cabinet at nagsimula na ulit yung game. "Sehun ikaw na yung taya. Count 1 to 50, fast. Go!" sabi ni Chanyeol at tumakbo na kami. Wala na akong maisip na taguan kaya pumasok na lang ako sa CR. Nilock ko baka kasi makapasok si Sehun. Umatras ng parang nakaramdaman ko na may tao sa likod ko or multo? Tinignan ko kung sino yun at nakita ko si Chanyeol.



"Anong ginagawa mo dito?" anong klaseng tanong 'yan, Chanyeol? "Nagtatago. Ano bang tawag sa laro natin? Tsss..." sabi ko sabay upo sa likod ng pinto.




After so many minutes, inaantok na ako. Tumayo ako at pinihiy yung doorknob pero ayaw niyang bumukas. Sira ba 'to? "Chanyeol! Ayaw bumukas nung pinto," sabi ko at tinatry ko pa ring pihitin yung doorknob. "Try ko nga," sabi ni Chanyeol at tumayo. Pinihit niya yung doorknob pero ayaw talaga bumukas. "Ayaw? Hala. Paano tayo makalalabas?" sabi ko at umupo na lang kasi inaantok na talaga ako.



*Dug Dug!*



"Wahhh!" napasigaw ako dahil sa tunog ng kidlat. "Huwag ka ngang maingay," sabi ni Chanyeol habang nakapikit. Inaantok na rin siguro siya. 



Nagsimula ng lumakas yung ulan. Kanina pa rin kami tawag ng tawag sa iba pa naming kasama dito kaso wala atang nakaririnig sa amin. "Guys! Help us!" sigaw ni Chanyeol. Nakaharap siya sa pinto at kinakalabog niya 'yun. Nasa likod niya ako nakatayo naghihintay kung may magbubukas ba o wala.



*DUG! DUG!*



"WAH!" sa sobrang takot ko ay napasigaw ako at nayakap ko si Chanyeol. Naiiyak ako. Naalala ko kasi yung gera nung bata pa ako. May phobia kasi ako mga tunog na sobrang lakas tulad ng fireworks at thunders.



***



Chanyeol's POV



*DUG! DUG!*



Nagulat ako nung yakapin ako ni Sunny, tatanggalin ko sana kaso narinig ko siyang umiiyak. Humarap ako sa kanya at pina-upo ko siya. "Don't cry. I'm here for you," sabi ko. Bigla namang tumunog yung phone niya. May dala pala siyang cellphone, bakit hindi siya nagsabi agad? Aish.



[Hello? Sunny? Nasan ka? Nakita mo ba si Chanyeol? Hindi ka namin mahanap pati na rin si Chanyeol] sabi ni Tiffany at halata sa boses niya na nagaalala siya.



"Hello? Tiffany si Chanyeol 'to," sabi ko.



[HOY, CHANYEOL. NASAAN SI SUNNY? BAKIT NA SA 'YO YUNG PHONE NIYA? ANONG GINAWA MO SA KANYA? PAG MAY GINAWA KANG MASAMA KAY SUNNY, HINDI NA AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PATAYIN KA!] sigaw ni Tiffany kaya inilayo ko yung cellphone sa tainga ko.



"Relax, okay? Wala akong ginawang masama sakanya. Andito kami sa CR niyo. 4th floor kanina pa kami sigaw ng sigaw dito, wala namang sumasagot! Bye!" sabi ko at inend yung tawag baka kasi magsagutan pa kami ng hindi oras. Epal yung babaeng 'yun, ang sakit sa tainga ng boses.



Tumingin ako kay Sunny. Natutulog siya, napagod siguro. Maganda naman siya, mabait pero syempre onti lang. Lahat na nasa kanya kaso may mahal akong iba at hinihintay ko siyang bumalik ulit sa akin.



---


Marrying EXOWhere stories live. Discover now