C5 - The Mapambara Queen and The Pilosopo King

Start from the beginning
                                    

"Ahm. Sige manong. Pakisabi nalang po na pupunta na kami" - sabi ko kaya tumango sya at umalis na

Tumingin ako kat Prince at nahuli ko syang nakatingin sakin.

"Why are you looking at me?" - taas kilay Kong tanong kaya umiwas sya ng tingin

"Ako? Nakatingin sayo? Tsk! Bakit naman ako titingin sayo, eh ang panget panget mo naman. Halika na nga. Punta na tayo sa student council" - sabi nya at nauna nang maglakad

Sumunod ako sakanya kaya sabay na kaming naglalakad ngayon.

Habang naglalakad kami sa hallway ay bigla syang nagsalita.

"Mabait ka din pala" - sabi nya pero Hindi sya nakatingin sakin

"Oo naman" - sabi ko pero diretso lang din ang tingin ko sa hallway

"Eh bakit parang nakikita ko na lagi kang nang aasar at nang iinis ng mga estudyante?" - tanong nya kaya tumigil ako sa paglalakad

Tumigil din naman sya at tumingin sakin.

"Hmm. Wala lang. Trip ko lang silang asarin at inisin. Pero kapag ako na yung inasar nila o ininis nila, nagagalit ako. Pinaparusahan ko sila. Kaya ko lang naman sila inaasar dahil gusto ko lang maging masaya. At pinaparusahan ko lang naman sila dahil ayaw ko ng napapahiya ako" - paliwanag ko

"Pwede ka namang maging masaya kahit na Hindi ka nang aasar ng tao eh" - sabi nya

"Wala eh. Yun yung kasiyahan ko eh" - sabi ko at naglakad na ulit.

Nang makarating na kami sa student council ay tinadtad nila kami ng mga sigaw at tanong

"Saan kayo galing?!"

"Kanina pa kami naghihintay ah!"

"Ano bang nangyari sainyo?!"

"Sinabi ba ni Manong guard yung pinapasabi namin?!"

"Bakit pawis na pawis kayo?!"

"Bakit parang pagod na pagod kayo?!"

"Bakit ang dumi ng uniform nyo?!"

"Bakit ang tagal nyo?!"

Oh diba! Sabi ko sainyo eh! Tig iisa sila ng sigaw at tanong samin.

"SAGOT!" - sabay sabay na sabi nilang walo

"Easy lang, pwede?" - sabi ni Prince

"Ako na ang sasagot" - suhestiyon ko kaya tumango sya

Tumingin ako sa walo atsaka nagsalita

"Saan kami galing? Sa gym. Sorry kung kanina pa kayo naghihintay. Anong nangyari samin. Wala. Sinabi ba ni Manong guard yung pinapasabi nyo? Oo. Bakit pawis na pawis at pagod na pagod na kami? Dahil nilinis namin yung kalahati ng gym. Bakit madumi yung uniform namin? Kayo kaya, maglinis ng kalahati ng gym, Hindi ba madudumihan yung uniform nyo? Bakit ang tagal namin? Dahil nag usap pa kami sa hallway" - mahabang paliwanag ko sa mga tanong at sigaw nila

"Ano? Nasagot ko na yung mga tanong nyo, diba. Pwede nyo na sigurong sabihin yung reason kung bakit nyo kami pinapunta dito" - sabi ko pa

Umupo kami ni Prince sa may couch.

"Well, this August kasi, magkakaroon tayo ng mga activities" - pagsisimula ni Adrianna

"Activities like singing contest, sports fest, foundation day, and we will also have the Mr and Ms. SU" - dagdag ni Ethan

"Anong gagawin natin?" - tanong ko

"Kailangan nating paghandaan yung mga activities na yun. At dahil tayo ang student council officers, tayo ang bahala sa kalalabasan ng lahat ng yun" - sabi pa ni Abigail

"Bukas nalang natin pag usapan. I'm tired. Punta nalang kayong mga boys sa bahay bukas" - sabi ko kaya tumango sila at umuwi na kami.

Hay... Grabe. Nakakapagod maglinis ng gym. Tsk!




THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYSWhere stories live. Discover now