Kabanata 2

465 35 3
                                    

I closed my eyes, took a deep breath, and smiled. Here I am, standing in front of my sister's university, and I am now Shiyuri.

Kahit may pangamba ay tinuloy-tuloy ko ang paglalakad diretso sa meeting place namin. Malawak ang unibersidad ng kapatid ko, dahilan kaya ako nakihiwalay. Mas gusto ko ang payapa at malayo sa kaguluhan, bagay na siguradong mangyayari sapagkat hindi malayong pagkamalan ako bilang Shiyuri, at isa iyon sa mga iniiwasan ko. I am already settled in silence and this silence is where I belong.

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang kumakaway na babae sa kabilang dako ng kalsada, nakangiti sa akin at nagtatakbong lumapit nang hindi tumitingin sa kaliwa't kanan ng kalsada.

Umalingawngaw ang tunog ng busina ng paparating na kotse dahil sa biglaan niyang pagtawid.

"Ay!" Malakas siyang napasigaw, kinuha nito ang atensiyon ng mga taong nasa malapit.

"Tumingin ka kasi sa daan, Miss!" malakas na wika ng driver na bumusina sa kanya bago ito tuluyang nagpatakbo paalis.

Bumungisngis lang siya na parang hindi na siya muntikang namatay. Nang makalapit na, malakas akong hinampas sa braso. "Babagal-bagal ka kasi, gaga! Kailan ka ba magbabago? Lagi kang late comer, pati ba naman sa exciting event like this!" Umasta siyang parang Buddha, nakalahad ang mga kamay at nakatingala sa langit.

Pinilit kong ngumiti kahit na wala akong ideya kung sino siya. Isa pa, ang weird niya, o baka sa standard ko lang. Saglit kong inisip kung nabanggit ba ito ni Shiyuri sa akin. Imposibleng hindi, bilang lang din naman ang mga ganitong tao na sobrang close sa kanya.

Pero hindi ko talaga maalala. Natataranta na rin kasi ako, lalo pa at bigla siyang umabrisete sa akin. Muntik ko na nga'ng naitulak kung hindi lang ako nakapagpigil.

"Comesha." Hinila niya ako. Wala na akong nagawa kun'di magpatianod at sumabay sa pagtawid. Hindi pa ako masyadong nakaka-adjust sa presensiya niya pero mukhang wala na akong panahon para dito.

Napakaraming estudyante ang nagkalat sa paligid, karamihan ay mga kalalakihang napapasunod ng tingin sa amin. Mabuti na lang at wala namang kumukuha ng litrato. Kung mayroon man, at least ay hindi ko na napapansin. Pawang mga mayayaman at may kanya-kanyang career din naman ang mga estudyante rito, hindi na marahil big deal ang pagiging isang model artist.

"Kahit simple ang suot niya, maganda pa rin," naulinigan kong bulong ng isa sa mga grupo ng kababaihang nadaanan namin. Kumibot nang kaunti ang aking labi upang magpakita sana ng isang simpleng ngiti ngunit hindi ko ito nagawa.

"Parang beastmode."

"Mukha bang beastmode 'yan? Nahihiya ang hitsura niya."

"Gosh, are you dreaming? We know Shiyuri. Hindi siya ganyan."

Natigilan ako sa narinig. Shiyuri? They mean, me? Napataas ako ng noo at sinubukang gayahin ang paglalakad ng kapatid ko. Ang hirap pala. No matter how hard I try to smile, still, I'm not confident enough. I can't really be my sister.

"Bakit ang tahimik mo, Shi? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tumingin sa akin ang kasama ko. Pansin din yata niya na iba ang aura ko, dahilan para lalo akong kabahan.

Akmang hahawakan na niya ang noo ko nang bigla kong natabig ang kamay niya at bahagyang napalayo. Uh-oh. Wrong move.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Ramdam ko na ang pagkainis sa boses niya.

Pinaghalong gulat at iritasyon ang naramdaman ko. Ang sarap lumayo, ang sarap mapag-isa. Ang hirap din namang nangangapa ako ng kung sino ang sino, lalo pa at hindi ako masyadong maalam sa pakikihalubilo.

Writing my DestinyWhere stories live. Discover now