I: Korosu High

Magsimula sa umpisa
                                    

“Bago na naman,” bulong ng isa sa kasama nitong nadaanan ko sa hallway habang nakatingin sa 'kin.



“Marami yata sila ngayon.”



“Mukha nga.” Nakakalokong ngiti ang ibinigay sa 'kin ng dalawa.



The way they look at me made me uncomfortable. At hindi lang sila, halos lahat ng unang mga nakasalubong ko, kung hindi ngisi, masamang tingin ang ibinato sa 'kin.



Sa tuloy-tuloy kong paglalakad para iwasan silang pansinin, namalayan ko na lang na nasa harap na 'ko ng kuwarto kung saan gaganapin ang orientation ng mga bagong estudyante.



Sandaling natuon sa 'kin ang atensyon ng mga nasa loob bago ako muling inignora at ipinagpatuloy ang kaniya-kaniya nilang ginagawa bago ako dumating.



It was unsettling.



Wala akong pagpipilian kaya humakbang na lang din ako papasok. Walang ingay akong naghanap ng bakanteng mauupuan sa likuran at malayo sa karamihan. Mas sanay akong mapag-isa at hindi ibinubuka ang bibig ko. Hindi ko hilig ang pakikipag-usap.



“Hi, I'm Eunice,” bati ng babaeng nakapagtatakang hindi ko napansin kanina kahit ilang upuan lang naman ang layo nito sa 'kin.



Tinanguan ko lang siya bago ako nag-iwas ng tingin.



“Bago ka lang din, 'no?” pagtutuloy nito. “Why are you here? Alam mo ba ang pinapasok mo?”



Napabalik ang mga mata ko sa kanya nang may halong pagtataka dahil sa klase ng mga tanong niya. Questions that aren't what's normally asked on the first day of school.



“Ako kasi, mukhang napagod na sila sa kabaliwan ko kaya ipinatapon nila 'ko rito,” malapad ang ngiti at walang anuman nitong dugtong.



What she said added to my uneasiness. Tatayo na sana ako para lumabas nang may pumasok at pumuwesto sa unahan.



“Hi, everyone!” nakangiting bati ng bagong dating. “Please settle down, and remain seated. Mahaba-habang oras din tayong magkakasama.”



Hindi ko na maituloy ang gustong gawin. It'll be rude to just leave now.



Si Eunice naman na kanina pa kumakausap sa 'kin ay nakabaling na rin ang atensyon sa katatapos lang magsalita sa harap.



“Welcome to Korosu (Kuros) High. Kakaiba ba? It's Japanese. Ang totoo kasi n'yan, Madame is a respectable weeb.” Nakakaloko nitong tawa.



Halos mabingi kami sa lakas ng pagtikhim ng isang babae galing sa speaker na nasa loob ng classroom.



“At muntik ko nang makalimutan na kasama nga pala natin siya. Guys, say hi to K-High's astounding principal.” Tumatawa pa rin nitong kaway sa isang cctv na ngayon ko lang napansin.



Napalingon tuloy ako sa bawat sulok ng kuwarto. Saka ko lang din namataan na may higit sa sampung video surveillance camera ang loob ng maliit silid.



“Anyway, I'm Stephan Sebastian. Seargent at arms ng student council. Natalo ako sa jack en poy kaya ako ang humarap sa inyo ngayon.”



Hindi lang ako ang nagulat sa sinabi nito. Umugong ang mga bulungan. The guy in front of us is weird in a lot of ways. Even the way he smiles is unnatural. Parang hindi na nga yata naaalis ang ngiti sa mga labi nito.



“Nasaan na nga ba 'ko?” tatawa-tawa at wala sa sariling dagdag pa ni Stephan.



“Clown ka ba? Sinasayang mo lang ang oras ko.” Akmang aalis na sa kinauupuan nito ang isang bagong estudyante nang may kung anong bagay ang mabilis na dumaan sa harapan niya at tumama sa kanyang manggas. Nagawa siyang ipako no'n sa kinalalagyan.



Natigilan lahat. Ang bagay kasi na nagpako rito sa upuan ay ballpen lang. Halos hindi na gumalaw ang lalaki dahil sa takot.



Hindi siya nag-iisa. Halatang lahat ng nasa kuwarto, nagsimula nang makaramdam ng kakaibang takot at panlalamig.



“Walang lalabas hangga't wala akong sinasabi!” Ang kanina lang na nakangiting ekspresyon sa mukha ni Stephan ay napalitan. Matalim na ang mga mata niyang nakatuon sa estudyanteng aalis sana kanina. “If you move an inch from where you are, lalamunan mo na ang susunod na tatamaan.”



—————–———

A/N: Anime Inspiration in writing this story
Assassination Classroom
Baka to Test

K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon