Chapter 40

158K 4.4K 904
                                    

Chapter 40

At the Park

Nang makatulog na si Apxfel ay dahan dahan akong lumabas sa kwarto niya. Napagdesisyunan kong ipagluto siya ng tanghalian. Pag kasi masama ang pakiramdam niya, gusto niya na may sabaw iyong kinakain niya. Particularly, sinigang.

Agad akong bumaba at nagpaturo kung nasaan ang kusina. Si Gerry ay hinatid naman ako sa baba tapos ay ibinilin ako sa isang guard doon at kay Aling Ising.

"May kailangan po kayo, Ma'am?" tanong ni Aling Ising. May katandaan na ito.

"Umm, lulutuan ko po sana ng ulam si Apxfel. May sangkap po ba kayo para sa Sinigang?"

Tumango tango naman si Aling Ising tapos ay tumungo sa ref para kumuha ng mga rekados.

"Ito po, Ma'am." ani Aling Ising. "'May kailangan pa po kayo?"

Sinuri ko ang mga rekados na inihanda ni Aling Ising. Kumpleto naman na iyon.

"Okay na." sabi ko.

"May maitutulong po ba ako?" tanong pa ni Aling Ising.

"Kaya ko na po. Salamat po." tugon ko.

Nagsimula ako sa paghihiwa ng gulay. Sunod ang pagpapakulo roon sa meat, kasama ang tomatoes, onions at iyong sinigang mix.

Pagkatapos mag-antay ay ngayon, ilalagay ko pa iyong ibang mga kailangang gulay. Ilalagay ko na iyon sa kaldero nang tumambad sa akin ang hingal na si Apxfel. Inisantabi ko muna ang mga gulay.

"Uy, bakit?" I asked.

Lumapit ako at sinuri siya. Hingal na hingal kasi siya, e. Parang nanggaling sa marathon!

Nakatingin lamang siya sa akin.

"Okay ka lang ba?" tanong ko ulit.

"Akala ko umalis ka na." aniya. "Wala ka kasi sa kwarto. Tapos wala ka din sa kwarto mo."

Kita ko ang takot sa mga mata niya. I don't understand. Is he scared that I'm leaving?

Huminga ako ng malalim.

"Nagluluto lang ako. Para sana pagkagising mo, makakakain ka na ng tanghalian." sabi ko at nginitian siya.

Hindi ko alam kung bakit ba ako ngumiti. Assurance na hindi naman talaga ako umalis?

Gulat ang sunod na ekspresyon niya. Tapos ay tinapunan niya ng tingin iyong kaldero saka tumango.

"Magpahinga ka muna sa kwarto mo. Pagluto na, dadalhan kita roon." I told him.

Tango lang muli ang nakuha ko sa kanya saka siya umalis doon sa kusina.

Tinapos ko ang niluluto. Mayroon na rin palang saing si Aling Ising kaya naman pwede ko na handaan ng tanghalian si Apxfel.

Umakyat ako dala dala iyong tray. May mangkok doon kung saan nakalagay ang sinigang tapos ay pinggan kung nasaan iyong kanin, tubig at iilang mga gamot. Sa isang tissue ay nakabalot naman ang silver na kutsara't tinidor.

"Kain na." I softly said when I entered his room.

Nakita ko siyang nakaupo lang sa kanyang kama. Madali siyang tumayo nang makita ako at saka kinuha iyong tray sa akin.

"This is heavy. Bakit ka nagbubuhat ng ganito." he said as he put the try on his bed.

Hindi naman kaya sobrang bigat. Sakto lang!

"Hindi naman masyado. Tara kain na." sabi ko at saka tinapik iyong kama para paupuin na siya.

"Bakit isa lang 'yan? Hindi ka pa kakain?" he asked as he sat on his bed and lean his back on the headboard.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon