Chapter 29

131K 4K 1K
                                    

Chapter 29

Cue

"Hello?" muli niyang banggit.

Gusto kong magsalita, pero parang walang nais lumabas sa bibig ko.

"Who's this?" tanong pa nito sa kabilang linya. "Your number isn't registered... so it would be nice if you introduce yourself."

Mas lalong umawang ang labi ko dahil sa mga narinig. Bumilis ang tibok ng aking puso.

What the hell is happening?

Nanginginig ang kamay kong tignan ang sariling telepono. Baka kasi ibang number ang napindot ko... ngunit nang makita ko ang pangalan ni Apxfel doon sa screen ay nayanig ako.

To my surprise, biglang nag video call ang tawag. Tinignan ko maigi ang screen ngunit karampot na buhok at bahagi ng tenga lang ang nakikita ko.

Parang may inaayos ito habang nakalagay ang phone sa tenga niya.

Hindi pa rin ako makapagsalita. I want to lash out! Why is she holding Apxfel's phone? Why did she answered it? Why does my number wasn't registered?!

Biglang may kung anong giyera sa utak ko.

When Bobbie's face showed on the screen, napahinto na lamang ako. Hindi siya nakatingin sa cellphone... she's fixing something.

Nang bumaba pa ang camera ay nakita kong inaayos niya ang kumot sa kanyang katawan. Iyon lamang ang saplot niya.

Nanlaki ang aking mga mata nang mahagip si Apxfel ng camera. He's... sleeping. At... at wala siyang suot na pang itaas. Tanging kumot lang ang sa pang ibaba.

I frozed.

Nang tumingin si Bobbie sa camera ay lubos siyang nagulat at nabitawan ang cellphone.

The next thing I knew, patay na iyong tawag.

Ilang sandali pa ay hindi pa rin ako makagalaw. Something inside me hurts. It's like I've been stabbed three times or more...

I saw it. I fucking saw it clearly.

Napaupo ako sa sahig. Nanginig pa rin ang mga kamay habang hawak iyong cellphone.

Agad akong pinuntahan ni Anton at Robert. Nakita kong palapit din sa akin si Phillip, pero nang makitang lumapit na ang dalawang guards ay hindi na siya tumuloy.

Inalalayan ako ng dalawa para makatayo.

"Ano pong nangyari, Ma'am?" tanong ni Anton.

"May nararamdaman po ba kayo?" si Robert.

Iling lamang ang aking nagawa.

Nanghihina kong tinignan ang dalawa.

Agad akong nakapag-isip ng gagawain.

Sabi nila, huwag daw magpadalos dalos sa mga desisyon. Huwag daw mag desisyon kapag galit.

Ngunit wala na akong paki alam pa. Tama man o mali, bahala na.

"Rober, Anton..." tawag ko. "You're fired."

Kitang kita ko ang gulat sa kanilang reaksyon.

"I'm sorry... Just wait for your final salary at your bank accounts. I'll make it triple, don't worry." saad ko. "Book your flights back to the Philippines."

Kinuha ko ang malaking shoulder bag kay Robert. Kinuha ko ang wallet ko at inabutan sila ng halaga para makauwi sa Pilipinas.

"Pero Ma'am... Ang bilin po sa amin ni Sir Christan ay samahan ka at siguraduhing ligtas hanggang-"

Hindi ko na pinatapos pa si Anton.

"Just do as I say." putol ko sa kanya. "And please don't follow me anymore, or else mapipilitan akong ipahuli kayo."

Naglakad na ako palabas. Hindi ko na inalintana ang mabigat na dalahin o kung paano ako makakabalik sa hotel. Bahala na talaga...

Paving the way to the cold street of San Francisco, I instantly have a plan in mind.

I'll do the Plan B myself. I will make the Saavedras invest. And when that happened, I'll be back to pursue Talia's case. After, I will file an annulment and separate my company to Apxfel's.

Hindi ko alam kung paano ako nakapagisip agad ng plano. Hindi ko rin alam kung tama ba ang aking gagawin...

Pero kung hindi ito, ano pa?

I don't feel anything aside from pain and disgust.

Cheating is something I can never tolerate. Never.

I will choose to die instead.

Malayo layo na ang aking nalakad. Nakaramdam na ako ng pagod kaya naman napagdesisyunan kong maupo muna sa hagdanan ng saradong tindahan.

Nang makaupo, tila isa iyong signal para isa isang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata.

Hindi ako makapaniwala. Sa narinig ko... sa nakita ko. Totoo ba ang lahat ng iyon? Nangyari ba talaga? Baka naman nananaginip lang ako?

Napahikbi ako dahil sa lahat lahat ng nararamdaman. It's like a different kind of pain.

I got my phone inside my pocket and called Apxfel again.

I want a confirmation. However it may be... I want it.

"Wife!" bungad niya sa akin.

It instantly pained me.

Bago pa siya magsalita muli ay inunahan ko na siya.

"Who are you with?" I asked.

Na blangko ang linya. Ilang saglit bago siya makapagsalita.

"I'm alone, wife." he answered.

Agad kong pinatay ang tawag. That's it. That's the cue. That's the confirmation.

--

Author's Note: I'm sorry that my update took so long. I should have updated way before but my Lola passed away. It's been such a hard time for us.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon