Chapter 13

151K 4.2K 629
                                    

Chapter 13

Call

Bago pa ako makasagot kay Apxfel ay nakasunod na rin pala sila Paui sa kanya.

"Tara, guys. Pag pray natin si Talia." pag aya ni Paui at nagbigay daan papunta roon sa mini church.

Hindi na nagtanong pa si Apxfel at nagpatuloy lang kami na dumako sa church.

Pagkatapos namin doon ay bumalik kami malapit sa NICU at nagkwentuhan.

Alasingko nang napagdesisyunan nilang umuwi na.

"Una na kami ha? Bibisita kami ulit." ani Paui.

"Bro, Frans, take care huh?" sabi naman ni Zimmer sa amin ni Apxfel.

Tumango naman kaming pareho.

"Ingat kayo. Salamat sa pagbisita." saad ko.

"We'll be back tomorrow or to the next day." si Dominic.

Naglalakad na iyong tatlo pero si Bobbie ay nakaupo pa rin. Wala ba siyang balak umuwi?

Lumingon si Paui at napataas ang isang kilay nito.

"Bobbie, bakit nariyan ka pa? Tara na. Give the two their hubby time!" sabi ni Paui.

Lumapit pa ito para mahatak si Bobbie. Laking pasasalamat ko na nagpatiyanod naman si Bobbie rito.

Apxfel and I really need our time together... Without her mingling here.

"Gusto mo na rin bang umuwi?" tanong ni Apxfel sa akin.

Umiling naman ako agad.

"But the Doctor said you need to rest."

Tumayo ako at tumungo kung saan masisilip ko ang aming Baby.

"You need to rest to... but we cannot left her here alone."

Tumayo din si Apxfel at lumapit sa akin.

"I'll call my Dad, pati na rin ang parents mo. Sila muna ang kasama ni Baby Talia. And then mamayang gabi, babalik na rin ako dito." suhestiyon ni Apxfel.

Pumayag naman ako roon.

Magpapahinga ako ngayon ngunit bukas ay babalik naman na rin ako dito.

We packed are things. Sakto lang kasi pagtapos ay dumating na rin sila Mommy at Papa ni Apxfel.

"Pa, ihahatid ko lang si Abi sa bahay. Babalik din ako rito mamayang gabi." Apxfel said to his Dad.

Nagpaalam na rin ako kela Mommy at Daddy. Sinabi ko rin na bukas ay babalik ako dito.

Pumunta ako malapit kay Talia at halos idikit ko na ang aking mukha sa salamin na nakaharang.

"I'll be here tomorrow, Princess. Wait for me." sabi ko.

Apxfel is driving smoothly at the vast of Manila. Nakahilig lang ako sa may bintana. It's like I missed all this city lights. Para bang ang tagal bago ko sila huling nasilayan.

"Do you want to drop somewhere? May gusto ka bang bilhin o kainin?" tanong nito.

"Wala naman." sagot ko.

Umayos ako sa pagkakaupo. At tinitigan si Apxfel.

"You need a rest too. hubby." I told him.

Iyong mata niya kasi ay malalim. Malaki na rin ang eyebags niya.

"I'll take a nap later, wife. Aalis ako kapag nakatulog ka na." he said.

Tumango tango ako.

"Bukas, susunduin mo ba ako? Okay lang naman kung mag taxi ako."

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon