Chapter 42

152K 4.4K 1.1K
                                    

Chapter 42

Trust Me

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Dominic.

Napalunok ako.

"Hayaan mo siya." sabi ko at saka bumalik sa kama.

Tuluyang pumasok si Dominic sa kwarto at naupo rin sa ibabang bahagi ng kama.

"Mukhang galing siya sa suntukan, Frans."

Agad akong bumaling kay Dominic. "What?!" gulat kong tanong.

Suntukan? Bakit siya galing sa suntukan? Heck! He's even sick!

"Yeah. He have a cut on his lower lip, and it's still bleeding when I saw him minutes ago."

Nang sinabi ni Dominic iyon ay hindi na ako nag atubili pang tugunan siya at dali dali na akong lumabas ng bahay.

Then I saw him standing there...

His hair is messy, he have a cut on his lips and his eyes are bloodshot.

Pinigil ko ang sarili. Baka kasi sa sobrang pag-aalala ay yakapin ko siyang bigla. Hindi nararapat iyon.

"Why are you here?" I asked coldly.

"Nakita kitang sumakay sa kotse ni Mendoza." mapait niyang sabi. "Bakit?"

Kumunot ang aking noo.

"Why do you even care?"

"Because I love you!" sigaw niya. Bakas ang sakit sa bawat salitang binitawan.

"You don't!" giit ko at nag-akmang papasok na sa loob.

Hinigit ni Apxfel ang kaliwang braso ko.

"I do! Bakit ba mas marunong ka pa sa nararamdaman ko?" sabi niya at mas lalo pang hinigpitan ang kanyang hawak.

"Just please hear me out." he then softly said. "You're always like this, Abigail. Hindi mo ako pinapakinggan. Hindi mo gustong pakinggan ang mga paliwanag ko."

Natulala na lamang ako. Dahan dahan niyang tinaggal ang kamay nang maramdamang hindi na ako nagpupumiglas pa.

"I am mad at you. I should be mad at you, wife." he said.

Ang mga salita na lumalabas sa kanyang bibig ay hindi kinakaya ng aking sistema.

Nanatili akong tahimik.

"You know what hurts the most? Is that you didn't trust me. You did not trust me enough."

Kita ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Tila napako na lamang ako sa kinatatayuan.

"I would never ever do that to you." aniya. "We made a vow, Abigail! And even if we didn't, I would still not do that to you!"

Hindi na ako makaimik. Umagos ang aking luha sa aking pisngi ngunit hinayaan ko na lamang iyon.

Nakatitig siya sa akin. Tila kinukulong ng kanyang mapanuring mga mata.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon