Chapter 39

142K 4.5K 904
                                    

Chapter 39

Tell me

Nagising ako at namataan kong umaga na ulit.

What now? Magbabalak na ba ako ng ibang technique para makatakas?

Napatingin ako sa veranda nang maalala ang ginawa ko kagabi. Nagulat ako nang mapansing wala na iyong glass doors. Nasaan na iyon? Hindi naman siya nabasag kagabi, di'ba?

Tumayo ako sa kama at agad nagtungo roon.

Ang glass door ay napalitan ng kurtina. Sisilip sana ako sa veranda nang makita ko ang tray sa lamesa. There's a breakfast for me again. This time, it's bacon, egg and pancakes.

I suddenly wondered... Perpekto ang mga hugis ng pancakes na ito. Apxfel can't do this kind of thing. Laging wasak o hindi maintindihang shape ang nagagawa niyang pancakes, e.

Iginala ko pa ang mga mata ko sa lamesa ngunit wala akong nakitang note doon, gaya nung sa kahapon.

At saka bakit kurtina na lang ang narito bilang harang sa veranda? Hindi niya ba naisip na baka tuluyan ko na ang pinaplanong pagtakas kahapon?

I took a deep breath.

Kausapin ko na lang kaya ng maayos si Apxfel? Baka kasi mas nabibwisit lang siya tuwing nagwawala ako kaya hindi niya ako pinakakawalan!

Tumungo ako sa pintuan.

Kakatok sana ako dahil alam ko namang lock iyon, pero nung subukan kong pihitin iyong door knob ay halos mapatalon ako nang bumukas iyon.

He didn't lock it? Nalimutan ba niya?

Bumungad sa akin ang isang matangkad na body guard.

Hindi nga nakalock ngunit may body guard naman.

"Umm... nasaan si Apxfel?" tanong ko rito.

Baka kasi isipin nung guard na nagbabalak na akong tumakas tapos itali niya ako bigla!

"Good morning po, Ma'am." bati nung guard. "Nasa kwarto po si Sir Apxfel. Ang bilin niya po ay sabihin ko sa inyo na kumain ng breakfast na inihanda ni Ising."

Sa dami ng sinabi ng guard ay tila isa lang ang nakuha ko.

"Ising?" I asked, puzzled.

"Opo. Si Aling Ising. Siya po ang cook dito." sagot nito.

Tumango tango ako. Sabi ko na nga ba at nakakapagtaka ang hugis nung mga pancakes! Si Aling Ising daw ang nagluto.

"Pwede ko bang kausapin si Apxfel? Nasaan ang kwarto niya?" tanong ko pa.

"Ah, Ma'am. Hindi po pwede."

Kumunot ang noo ko sa sagot nung guard.

At bakit hindi pwede? Is he that busy? O baka naman may kasama siya roon sa kwarto niya?!

"Bakit? Gusto ko lang naman siyang kausapin. May kailangan akong sabihin." giit ko.

"Nagpapahinga po, e. Kagabi pa po kasi nilalagnat yang si Sir. Kaya nagbilin na lang siya sa amin, na lutuan po kayo ng agahan ngayong umaga." aniya.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon