Chapter 23

159K 4.3K 540
                                    

Chapter 23

Picture

His kisses are going down on my neck. Pababa ng pababa. Nang malapit na ito sa aking dibdib, I gently pushed him. Kaya naman nalayo siya ng kaunti sa akin.

"You're such a bad boy! Kailangan natin magtrabaho." I told him.

Umakto siya na parang batang naagawan ng candy.

"We can work later, wife." pagmamaktol niya.

Natatawa akong umiling.

"Pinuntahan lang kita rito kasi itatanong ko kung ano ang gusto mong kainin mamayang lunch. Ano ba ang gusto mo?" tanong ko.

He grinned. "You. Can you be my lunch?"

Nanlaki ang mga mata ko.

Humakbang ako ng isa para mas mapalapit sa kanya. Mahina kong hinampas ang kanyang braso.

Tumawa naman siya. Gosh! He is just laughing but it sounded so freaking hot!

We ended up ordering sea foods. Pareho kaming nag crave bigla roon! Hipon, crab, tahong at marami pang iba.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Baka reply na ito ng pinag-orderan namin. Ang bilis yata?

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng blazer ko.

Abigail I'm home na. Kailan ka bibisita?

Iyan ang mensahe. Text iyon mula sa Mama ni Calix.

Halo halo ang naramdaman ko pagkatapos kong basahin ang message ni tita. I'm happy... but at the same time, I'm scared too...

"Why?" tanong ni Apxfel sa'kin. Siguro ay napansin niya ang pag aalinlangan sa aking mukha.

Ipinakita ko kay Apxfel ang text ni Tita Sharlene.

"Gusto mo puntahan na natin siya mamaya pag uwi?" tanong niya.

Ilang segundo akong natigil tapos ay unti-unting tumango.

"I think that's a good idea." I told him.

Bumalik ako sa opisina. Imbis na makapag focus sa trabaho ay nagugulumihanan ako.

Why I am scared anyway?

Ano naman kung pareho iyong lighter? I am sure that what they found on the scene was not Cal's!

Nagsimula na akong nagtipa sa aking laptop para sa report na dapat kong gawin.

Kaunti pa lamang ang naitatala ko pero para bang blangko na agad ang isip ko.

Pinilit kong mag focus. I need to finished everything that I have to do today. Ang tagal kong nawala tapos sa unang araw ko, unproductive pa. I can't afford that!

Patapos na ang oras ng trabaho. Buti at nagkaroon naman ng progseso ang ginagawa kong report even though I was preoccupied about the case.

Why am I so tense?!

Apxfel softly touch my arm. "Hey, don't worry about it too much." aniya.

Nasa kotse na kami ngayon at papunta na sa Mommy ni Calix.

Dahan dahan akong tumango. "Okay." I said back.

Pagdating ay agad kaming sinalubong ng yakap ni Tita Sharlene.

"Kamusta po ang byahe mo, Tita Shar?" I asked.

"Okay naman, Iha. Nakapagpahinga na rin ako. Kamusta kayo?"

Sinabi namin ni Apxfel na okay naman kami. Nagkaroon din ng saglit na kwentuhan. Tita Shar seems happy, but not as happy as she was before...

Alam ko iyon. There are no sparkles in her eyes anymore... Tila ba nawala na iyon nung pumanaw si Calix.

Ngayon ay mas naiintindihan ko na ng  lubos ang sakit na naramdaman niya noong mawala si Calix.

Dahil ngayon, nawalan na rin ako ng anak.

It was terribly painful.

Pumayag si Tita Sharlene na hanapin ko iyong picture na kailangan ko. Hindi ko na sinabi iyong tungol sa lighter. Ayaw kasi namin ni Apxfel na mag isip pa si Tita at mag alala pa.

Apxfel and I went to Calix' room.

It is still the same. Walang nabago roon. The cleanliness is maintained too.

Seeing his room makes me sad once again. I can remember him laying on the bed and browsing on his ipad. Tapos kukulitin ko siya na mag review.

Sana lang ay nandito pa siya...

Masinop si Calix sa mga gamit niya kaya naman alam ko na iyong mga albums niya ay nakatabi lang sa iisang kahon.

Kinuha ko iyon at nagsimula na kami ni Apxfel na hanapin iyong picture.

Maraming albums ang naroon. I just really hope na mahanap namin... Sana nga ay narito iyon.

Almost eleven albums na ang natapos naming tignan ni Apxfel. Anim ang kanya at lima naman ang natapos ko na.

Madami dami pa ang mga nasa kahon.

Minutes had passed. Pahikab hikab na ako habang tinitignan iyong isang album. Karamihan ay pictures namin nung bata pa.

"Look at this, wife." ani Apxfel.

Agad akong bumaling doon sa album na pinapakita niya. "Ito ba?" he asked.

Lumapit pa ako ng kaunti para mas makita iyong picture.

Nanginginig nginig ang aking kamay habang kinukuha ang litrato mula kay Apxfel. Nag babadya na rin ang luha sa aking mata.

"I... Ito nga." nauutal kong sabi.

Apxfel instantly went at my side and hugged me. "Shhh," pagtahan niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Wala talaga akong ideya sa nararamdaman ko ngayon.

Tinabi ko sa aking bag ang picture, matapos ay inayos na namin ang mga albums at ibinalik kung saan iyon nakalagay.

Pagkababa namin ay nagpaalam na kami kay Tita Sharlene at nagpasalamat dahil pinaunlakan niya kami.

Habang nagmamaneho ay ipinapakalma pa rin ako ni Apxfel...

"Don't worry, I'll tell Dominic to meet us tomorrow morning. Para alam natin ang sunod na gagawin." saad nito.

Hindi ko magawang tumango.

Kumunot lamang ang aking noo kakasa-isip. Ang mga daliri ko ay pawang nanginginig pa rin.

Why did I only concluded it just now?

The evidence leads to one thing. That it isn't an accident. And what scares me the most? Ang isipin na isang foul play iyong nangyari.

Tila ba may kumurot sa aking damdamin.

Who will do that? Who is on their right mind to that? What would benefit them?

Is... Is my husband and I still safe?

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon