CHAPTER 43 (pt.4)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bata gising!"

"Gising!"

"Mama!Pa!Wag niyo akong iwan!!" sigaw ni Yzel

Bumangon siya at isang inosenting babae ang agad bumungad sa kaniya

"Ano pong nangyari sakin?At nasan po ako?" sunod-sunod na tanong ng bata

"Nakatulog ka sa daan at binangungot ka.Nasa bahay kita ngayon" turan nito

"Nakatulog ako sa daan,pero bakit ang sakit po ng ulo ko,pati likod at dibdib?" tanong ulit ng bata

"Sa semento ka kasi natulog kaya siguro ganun?" natatawang turan ng estrangherong babae

Kahit sinabi na ng babae ang nangyari sa kaniya ay di pa rin siya naniwala,ano nga ba kasi talaga ang nangyari??

- FLASHBACK -

Masayang nagbibisekleta ang bata sa tahimik na daan ng subdivision.

May isang itim na rumaragasang kotse ang papunta sa bata

*BOGSH*

Parang isang manikang sinagasahan ng nagmamaneho ng sasakyan ang bata.

Tumilapon ito at nagkalat ang dugo sa paligid.

Bumaba ang driver at tiningnan ang bata na kaniyang sinagasahan.

Ngumiti siya ng makitang wala na itong buhay,agad niya itong ikinalong at ikinarga sa kanyang sasakyan.

"Akin ka na ngayon" bulong ng babae sa sarili

- FLASHBACK END -

"Ate pwede na po ba akong umuwi?" magalang na tanong ni Yzel sa babae

"Bakit,ayaw mo ba dito?" pabalik na tanong ng estrangherong babae na wari mo'y nalulungkot pa

"Hindi naman po sa ganun,meron po kasi akong pamilya at kailangan ko na pong umuwi,baka nag-aalala na po sina Mommy at Daddy" paliwanag niya

"Pamilya?Hindi mo naman sila totoong pamilya diba?" nakangiting wika ng babae

"Bakit niyo po alam yun?"

"Kasi alam ko lang"

Umupo ang babae sa harap ni Yzel at agad na sinira ang suot nitong blouse

"Ano pong ginagawa niyo?" tanong ni Yzel na natatakot na sa kakaibang kinikilos ng babae

"Nakikita mo ba yan?" aniya at tinuro ang isang malaking peklat sa bandang dibdib ni Yzel

Tumango ang bata at hinihintay ang susunod na sasabihin ng babae

"Alam mo ba kanina,dumudugo yan.At alam mo ba ,ng dahil diyan namatay ka?" malungkot na usal ng babae

Nagulat si Yzel sa kaniyang narinig,hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ng babae sa kaniya

"Hindi po ako namatay!buhay po ako,nandito nga po ako sa harapan niyo eh" di makapaniwalang usal ni Yzel

"Oo buhay ka ngayon dahil sakin" nakangising turan ng babae

"Imposible po iyang mga pinagsasabi niyo"

"Posible"

"Sino po ba kasi kayo?"

"Gusto mong malaman?"

"Opo"

May kung anong bagay na kinuha ang babae sa kanyang bulsa,isa itong ID,agad niyang binasa ang pangalang na nakasulat run

DEATH SCHOOL (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon