"Chill guys. We're not looking for trouble here!" sabi ni Ark na nakataas ang dalawang palad.

"Masyadong matapang 'yang kasama niyo eh, mukhang bago yan dito. Pagsabihan niyo." Deklara ng pinakamalaking lalaki sa grupo. Hindi ako makapaniwalang sa laki ng katawan at sa tangkad nito ay college student palang ito.

"Hindi naman kam---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang takpan ni Jiro ang bibig ko.

"Bago siya, and she's with us. Palagpasin niyo na, total kayo naman ang unang nang-agrabyado." Saad ni Jiro na nakataas din ang noo kagaya ng mga kaaway. Sa dalawang kasama ko, si Jiro ang mas tahimik, pero sa tingin ko siya ang mas maiksi ang pasensya at palaban.

"Let it go, guys. Let's go." singit ni Zirk. Mukhang nakabawi na ito sa sakit at sa pagkabigla dahil sa ginawa ko. Naisip kong ito siguro ang unang beses na may nagtangkang manakit dito kaya ganun nalang ang reaksyon ng grupo. "Let's go." Giit nito dahil ayaw pa rin talagang umalis ng mga kasama nito at nakikipaghamunan pa ng tingin sa dalawang lalaking kasama ko. Samantalang halos patayin ako sa tingin ng mga bruhang fake barbie doll na nakapaligid pa rin sa 'min.

"Pagsabihan niyo yan ha?" Pagbabanta ng biolenteng babaeng nanulak sa 'kin. Inangilan pa ako bago pairap na umalis.

"Ang yayabang naman pala ng mga 'yun!" Palatak ko nang bitiwan na ako ni Jiro.

"Muntik na 'yun ah!" Bulalas ni Ark na tila nakahinga ng maluwag. "That was one hell of a stunt! Ang tapang mo!" Sabay tumawa na naman ito na parang walang nangyari.

"Pero wag mo nang uulitin 'yun Sofia." Payo ni Jiro. "Mukhang mga normal na estudyante lang ang mga tao sa paligid mo, pero hindi mo sila kilala. Westside is not like any other school in the country. Everything is different here, hindi ang mga professors o mga school officials ang dapat mong katakutan kapag nandito ka...dahil hindi sila ang batas dito."

Kumunot ang noo ko sa narinig. Anong klaseng school 'to? Eskwelahan ng mga high profiled gangster? Sa mga koreanovela ko lang yun napapanood, hindi ko akalaing may ganitong klaseng school sa bansa. Napahawak ako sa nasaktang braso. Kunsabagay, kung paaralan ito ni Jave, ano nga ba naman ang ini-expect ko? Bagay na bagay talaga siya sa lugar na ito.

"Lahat ng estudyante dito, matatalino..." Ani Jiro.

Ay yun lang. Mukhang tagilid si Jave sa bagay na 'yun. Kaya siguro hindi pumapasok ang isang 'yun.

"Mahalaga sa lahat ang ranking nila sa school. At gagawin nila lahat huwag lang bumaba ng kahit na isa ang kanilang numero." Dagdag pa ni Ark. "Kapag umangat naman ang numero mo. Ibig sabihin, may napababa kang kapwa mo estudyante. Humanda ka kapag nangyari yun..."

"Bakit? Masama bang umangat ang numero mo?" Sa probinsya, nagdidiwang kapag tumataas ang grades at ranking sa classroom eh. Iba ba dito?

"Depende." kibit-balikat na sagot ni Jiro.

"Bakit depende?"

"Depende kung sino o kung sino-sino ang nasagasaan mo sa pag-angat mo. Most of the students here will not take it lightly."

Napakurap ako. Talaga ba?

"Every middle of the school year ay may Annual assessment na ginagawa dito across all levels. Hindi importante kung anong year level ka. Isang set lang ang exam na 'yun, at doon nakabase kung ano ang magiging numero mo sa school." Dagdag ni Jiro.

"The lower, the better..." komento pa ni Ark.

"Teka, parang baliktad yata."

"Kapag mataas ang numero mo, marami kang kaaway. Maraming mainit na matang nakatingin sayo. Yung iba, sasaksakin ka nalang sa likod at palulutangin sa ilog. Kagaya ng nangyari sa tatlong estudyanteng umangat bigla ang numero last year. Hindi sila lumutang sa ilog pero.....muntik na. Ganun kaimportante ang ranking sa school na ito."Pahayag ni Ark. "Napakadali nga ng trabaho ng mga teachers dito, mga above average ang mga estudyante kaya hindi na kailangan ng magtuturo. Most of the time, papasok lang ang mga teachers kapag exam na at magchi-check lang ng attendance gamit ang cctv sa classroom.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now