Tumingin ito sa kaniya kapagkuwan. "I need to take my vitamins now, papa."

Napakurap-kurap siya. "Ha?"

"Vitamins ko po," ulit nito saka tinuro ang orasan niya sa bisig. "It's way past my vitamin's time. Ayos lang po, pero kailangan ko pa ring mag-take papa baka kasi magalit si mama kapag hindi ako uminom ng vitamins."

Titus could not speak or move as he looked at the kid talking to him. Basta nakatitig lang siya rito hanggang sa matapos itong magsalita. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya sa mga sandaling 'yon. He grew up without a brother, in a very tough environment, so he had no idea how to treat a kid.

Would he treat him like how he treated his men, or would he treat him like he treated himself? Well, he was his flesh and blood, right?

"Oy." Bahagyang sinipa ni Nate ang paa niya para siguro pukawin siya sa pag-iisip. "Vitamins daw ng anak mo."

He blinked at Nate. "What?"

"Vitamins daw nitong batang 'to." Ginulo nito ang buhok ng bata at lumuhod si Nate para magpantay ang mukha nila ng bata saka nagtanong ito. "What's your name kid?"

Parang gusto niyang kutusan ang sarili. Ni pangalan ng bata, hindi niya alam, tapos tinatawag siya nitong papa? Anong klaseng biro ba ito ng diyos sa kaniya?

"Acezequiel po," sagot ng bata. "Ace for short."

Ace. His name was Ace. Lihim siyang napailing. And to think that name caused him so much anger and bitterness. Akala niya sino si Ace noon. He thought he was Mace's lover or her boyfriend. And that actually pissed him off. Iba kasi ang nakikita niyang pagbibigay importansya ni Mace kay Ace. Iba yong pagmamahal na mayroon ang dalaga kay Ace. Now he understood. Ace was her son. That was why she loved him so much.

Acezequel. Ace for short. It sounded like Mace. Where was his name in that?

"Nice name," nakangiting sabi ni Nate habang ginugulo ang buhok ng bata. "Saan ka natutong magsalita ng maraming lengguwahe, kiddo?"

"I read lots of books," sagot ni Ace. "At tinuruan ako ni mama. Marami rin kasing alam na lengguwahe si mama kasi marami na siyang bansang napuntahan at madali siyang matuto. Mas marami pa nga siyang alam keysa sakin. I'm still learning po." Kapagkuwan ay bumaling sa kaniya si Ace. "Papa, 'yong vitamins ko po."

Napakurap-kurap ulit siya saka wala sa sariling tumango. "Oh, okay, ahm, saan ba yong vitamins? Mayroon ba niyan dito sa hospital? Teka, may kilala akong doctor. Ipapatawag natin para mabigyan ka ng vitamins."

Nate chuckled while Ace frowned.

"Papa, may prescribe vitamins po ako saka hindi ko kailangan ng doctor," ani Ace. "Nandoon po sa bahay ni ninong Rios ang vitamins ko."

"Ninong...Rios?" He drawled as his face darkened. "Pierce Rios Muller is your godfather? That motherfuck—" Mabilis niyang pinigilan ang sarili na ituloy ang pagmumura. Nasa harap pala siya ng bata. Malakas siyang napabuntong-hininga. "Ninong mo siya? Bakit?"

Mas lalong kumunot ang nuo ni Ace. "Ninong Rios is a nice ninong."

"Nice ninong, my as--" He bit his tongue. Fuck! Hecouldn't curse in front of a kid! Malakas siyang nagpakawala ng hininga. "Saan ba nakalagay ang vitamins mo doon sa bahay niya?"

"Below the bed side table. May kulay blue na plastic po na pabilog na mga twelve diameter ang laki at five inches and taas. Nandoon po sa loob no'n ang vitamins ko. Yong kulay orange po, ha?"

He blinked enumerable times before nodding. "Orange. Blue plastic. Bed side table." Huminga siya ng malalim. "Okay, I'll get it."

Hindi handa si Titus sa naramdaman niya ng ngumiti sa kaniya si Ace at mahigpit siyang niyakap sa beywang at inilapat ang mukha sa dibdib niya.

POSSESSIVE 16: Titus MorganWhere stories live. Discover now