Chapter 10: Amanpulo

Start from the beginning
                                    

Tss, maraming mga naka kalat na papel at busy na rin ata yung mga kasama niya sa paghahanda ng hindi ko alam kung ano kasi may mga tao na rin na dumating na may mga dalang kits ng ewan ko.

Pagkatapos kong maglinis ay naupo ako sa couch malapit sa fire place ng biglang tumunog ang phone ko, oo binilhan din niya ako ng cellphone pero utang din yun kaya medyo mahaba-haba ang paninilbihan ko sa kapreng ‘yun.

“Oh bakit ka napatawag?” baka may iuutos na naman to. Puro na lng kasi utos eh ang bossy pa talaga.

“umakyat ka dito sa taas.” Yun lng ang sinabi niya at nag hang-up na.

Pag-akyat ko mayroong apat na kwarto at sa gitna ay may malawak na sala.

“Dun ang kwarto mo sa kaliwa, mag ready kna din at may pupuntahan tayo.” Tinuro niya yung kwarto sa kaliwa at pumasok naman siya dun sa kwarto sa kanan.

Di na ko nagtanong kung saan kami pupunta di rin niya naman sasagutin eh kaya pumasok na ‘ko naligo at nagbihis.

 ang laki ng kwartong ‘to, as far as I can remember ito ata yung suite room eh, glass walls from ceiling to floor at tanaw ang buong karagatan. Simpleng shorts at black sando lng ang sinuot ko pero suot ko na ang bikini ko sa loob.

Paglabas ko ay nagulat ako sa nakita ko, naka beach attire silang lahat at naka ayos ang mga buhok may mga iba’t-ibang kulay din tapos may mga videographer at photographer. May beach wedding ba? Kasal ba ‘to ni Kris?

“Uy, halika na. aalis na tayo.” Bungad sa akin ni Kris.

“Ano bang meron? Bakit may videographer at photographer? May kasal ba? Kasal mo ba to?!”

“Aray!” napahawak ako sa noo ko dahil pinitik ni Kris, ang sakit kaya.

“You really are funny Haerim, sumabay ka nlang sa amin.” Aya sa akin ni Luhan. Ang gwapo talaga ng nilalang na ‘to.

“Sa amin ka nlang!” pahabol naman ni Xiumin.

“Sa akin siya sasabay dahil personal assistant ko siya, kaya umalis na kayo.” nagulat ako sa kapreng biglang nagsalita kasi naman eh bigla na lng sumusulpot!

“Grabe ang possessive!” naghihiyawan silang lahat dahil dun sa sinabi ni Baekhyun. Sinamaan sila ng tingin ni Kris kaya tumigil din, ako naman nag-iinit ang mukha, nakakahiya kaya!

Naglalakad kami sa dalampasigan papunta dun sa venue kung saan may gagawin silang ewan. Kumukuha din ako ng pictures ng lugar, konti lng talaga ang tao dito private resort kasi ‘to kaya makakapag relax ka talaga ng tahimik.

“Ano ba talagang gagawin niyo? Ayoko ng makipaglaro ng guessing game noh, konti na lng mababaliw na ko!”

“Photoshoot at shooting ng mv.” Matipid niyang sagot habang naglalakad at sosyal pa yan ha dahil may payong at ako lng naman ang humahawak!

Marrying a Pop Star [KRIS WU]Where stories live. Discover now