Napansin ko ang paghinto ni Stanley nang makita namin ang pagsalubong ni Colleen si Garren. Hindi ko na kinausap si Stanley dahil halata dito ang sobrang pagseselos sa pinsan. Nakita kasi namin na niyakap ni Garren si Colleen.

"Bes!"Tawag ko kay Colleen. Kumalas si Bes ng pagkakayakap kay Garren. Mukhang hindi nila kami napansin ni Stanley."Hinihintay ka namin doon."sabi ko dito nang makalapit ako sa kanya.

"Bakit hindi mo na kami pinuntahan?" Nagulat ako sa tanong ni Stanley. Seryoso ito.

"A--e, naligaw ako. Kaya dito na lang ako sa bay nagpunta."sagot naman ni Colleen

"Kumain ka na ba?"tanong naman ni Garren dito. Umiling lang si Bes. "Heto oh, ipinagtakeout kita. Baka nagugutom ka na." Iniabot niya dito ang paper bag na dala-dala niya. Nahihiya pa si Bes na  tanggapin iyon.

"S-salamat."narinig kong sabi ni Bes.

"Wala yun Myan."nakangiting si Garren. Hay naku, nang-iingit ba sila?

"Ang cheesy."pang-aasar ko na lang.

"Tara na nga!"si Stanley. Hala, sobra talaga siyang nagseselos. Ang weird lang talaga niya. Tinutulungan niya ang pinsan niya kay Colleen kahit nasasaktan siya. Baliw din talaga.

"Anong problema nun?"tanong ni Bes sa akin pero kibit-balikat akong sumagot.

~~~~~~~~~~~

Vincent's Pov

Sanay na akong pagkaguluhan ng karamihan. Mula nang maging member ako ng dance group ng aming university ay naging sikat ako lalo na sa mga kababaihan.

"Sa St. Luis University na pala ngayon sina Stanley at Garren lumipat."si James na isa sa kagrupo ko sa dance troop ng aming school.

"Ganoon ba?"tipid kong sagot. Abala kasi ako ngayon sa pagdadownload ng ireremix naming kanta para sa mga susunod naming sayaw.

"Alam ko bang may kasama silang dalawang chix?"dagdag pa ni Migs. Nilingon ko siya at tinapunan ko ng masamang tingin. "Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa kanila!"inis kong sabi dito.

Mula elementary, naging kaibigan ko ang magpinsang sina Garren at Stanley, isama mo na rin si Kaizer. Nagkahiwalay nga lang kami at medyo nawalan ng time magkita-kita dahil naging busy ako sa pagsasayaw. Si Kaizer naman, busy na rin sa pagiging myembro ng theater arts ng aming school. Then, lumipat pa ang magpinsan ng school kaya lalong nawalan ng oras. Sabihin man nilang nakakabakla pero namimiss ko ang dati naming samahan. Ang samahan ng barkada namin noon.

"Relax lang. Kaya minsan umiiyak mga fans mo. Napakasungit mo."puna pa niya.

"Tumahimik ka nga dyan. Nakakaistorbo ka."

"Okay Boss."

~~~~~~~~~

Sa bahay, hindi ko inaasahang makakasabay ko ngayong dinner ang ama ko. Teka, Ama ko nga ba siya? Hindi ko ramdam e.

"How's your day, Anak?"tanong niya nang makaupo ako sa hapag.

"Good."tipid kong sagot.

Ganito lang kami ni Dad. Palagi kasi siyang busy. Sa pagtatanong lang siya magaling. Simula ng mawala si Mom, naging cold na ang relationship naming mag-ama. Minsan nga narinig ko siya kausap ang ilang malapit na kaibigan na ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Mom. Pero ang totoo niyan, isang sadista ang Dad. Paulit-ulit niyang ipinipilit ang sarili niya kay Mom at nasaksihan ko ang ilan sa ganoong pangyayari. Wala naman akong magawa nang mga oras na iyon dahil palagi akong itinataboy ni Mom para hindi ako saktan ni Dad.

Isang gabi, ganoon ulit ang nangyari. Hindi na nakayanan ni Mom kaya nanlaban na siya pero sa halip na maawa na si Dad sa kanya ay sinampal niya ng malakas si Mom. Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon. Sa lakas ng impact ng sampal ni Dad, nahulog si Mom sa hagdan na siya nitong ikinamatay.

Galit ako. Galit na galit sa ama kong walang pakiramdam. Dahil sa pera, nagawan ng paraan ni Dad ang lahat. Kaya siya ngayon malaya.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko nang hindi man lang nagagalaw ang pagkain sa plato ko. Nawalan na ako ng gana. Sa twing kaharap ko siya ay bumabalik sa akin ang kahayupang ginawa niya noon.

"Are you done?"tanong pa niya.

"Wala na akong gana."sagot ko saka ako nagtungo sa kwarto ko.

Nang makarating sa kwarto ay agad kong pinatugtog ang speakers ko at nagsimulang sumayaw. Stress reliever ko rin ang hobby ko. Everytime na may problema ako ay idinadaan ko ang lahat sa sayaw.

Napatigil ako nang marinig ang phone ko na tumutunog? Tawag? Mula sa unknown number?

"Hello? Who's this?"tanong ko.

"I'm Bianca Mae Marquez."pakilala ng babae sa kabilang linya.

"Tss. I'm not interested."saka ko pinatay ang tawag.

Nakakatawa. Ilan sa mga fans ko ay puro text messages lang ang natatanggap ko. Kakaiba ang babaeng iyon ha. Ang lakas ng loob niyang tawagan ako. Yan din ang dahilan kung bakit ako palaging nagpapalit ng phone number.

Tumunog ulit ang phone ko at yun ulit ang number. "Sinabi ko nang hindi ako interesado."malakas kong sabi dito.

"Ay, ang sungit naman. Makikipagkaibigan lang naman ah."sabi pa nung Bianca.

"Stop calling me."

"Paano kung ayoko?"

"You're crazy."

"Sungit."

"Tss."

"Bye pogi. Night. Tawagan kita ulit bukas."

"Kahit hindi na. I will change my number."

"Malalaman at malalaman ko din yan. Night, Pogi."

Baliw na babaeng yun? Stalker ko ba yun? Hay naku. Agad kong tinawagan si Migs.

"Hoy, pakihanap nga kung sino si Bianca Mae Marquez na yan."inis kong tono.

"Chix ba yan?"

"Isa ka pa e. Basta hanapin mo. Kinukulit ako. Tawag ng tawag."

"Grabe. Ikaw na ang gwapo."pagbibiro pa nito.

"Nang-aasar ka ba?"

"Sige na Boss. Hahanapin ko na. Chill lang."

"Ichill mo yang mukha mo."

"Sige na. Daig pa ang babaeng meron. Sungit."saka pinatay ang tawag ko. Talagang! Kung di ko lang siya kaibigan. Naku, sarap upakan.

Sino ka nga bang babae ka? Ikaw lang sa mga fans ko ang ganyan. Well, alam kong baliw sila pero grabe ang isang ito. Sino ka Bianca Mae Marquez?

~~~~~~~~

May mga typo. Pasensya na. Hehehe. Magulo isip ni Author pero pinilit kong isulat ito para sa mga Operators ng FC ng stoey na to.

Salamat!
Unedited.

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Where stories live. Discover now