Chapter 21

10.7K 197 15
                                    

I’VE NEVER BEEN THIS NASTY 2 (MITCHELL SANDERS)

 

Chapter 21

Loving her is like going to war, you can get back up again but will never erase the memories and scars and he can never come back the same.

Pagkatapos ng mahabang bakasyon, balik na naman siya sa trabaho, ilalabas na nila ang bagong sasakyan ng McLaren, ang McLaren MP4 – 29. Nauna ng maglabas ng sasakyan ang ibang teams, gaya ng Sahara Force India at Williams at ngayong araw din ilalabas ng Lotus ang E22 nila. Confident siya sa sasakyan nila ngayon, alam niyang maganda ang magiging performance nito.

Kahit papaano ay nawawala sa isip niya si Sydney sa dami ng ginagawa niya, may mga fund raising at iba pang activities siya na pinagkakaabalahan. Wala pang balita sa kanya si James tungkol sa bagay na aalamin nito, medyo naiinip na nga siya sa paghihintay pero wala naman siyang magagawa. Nakukulitan na din ito sa kanya, hindi daw siya makapag hintay. Pero kasi naman, tumatagal na ang mga panahon na magkahiwalay sila ni Sydney, ayaw niyang humaba pa ang panahon na magkahiwalay padin silang dalawa, malapit ng magsimula ang bagong season, gusto sana niya bago iyon magsimula ay ayos na silang dalawa, magkabalikan na silang dalawa.

 

Kapag nakikita niya ito sa T.V. ay napapatunganga nalang siya dito, para bang gustong gusto niyang yakapin ang T.V. at noong isang araw, nag stalk siya dito gamit ang internet, nag google siya ng mga bagay na tungkol dito, inis na inis siya sa mga nag c –comment ng hindi maganda tungkol dito, hindi naman ng mga ito kilala ang Sydney niya para sabihan ng kung anu –anong bagay, they have been calling her names and he hates it, kating kati ang mga daliri niya nag mag comment back sa mga ito pero pinigil niya ang sarili. Nag download nalang siya ng napakaraming pictures nito at ginawa pa niyang wallpaper ng kanyang cellphone at ng kanyang laptop ang magandang mukha nito. Damn it, naaawa at natatawa siya sa sarili niya.

-

“Alam mo na ba?” pangungulit niyang muli kay James. Kasalukuyan siyang nasa bahay ni James, dito siya unang pumunta pagkabalik niya ng bansa.

“Kada nakikita mo ako yan ang tinatanong mo, kung meron na akong ibabalita sa’yo, hindi ko na hihintayin pa na magtanong ka, sasabihin ko nalang sa’yo.” Pinaningkitan siya nito ng mata.

“It’s been two months since our break –up and I miss her like hell!” he yelled.

“At hindi ko kasalanan yan.”

Magsasalita pa sana siya nang biglang dumating si Spencer, may dala itong paper bag, from grocery store. Napa –awang ang labi niya. Something weird is going on.

“Yuri Markovich has the most beautiful eyes that I have ever seen in my whole life, oh dear God so dreamy, I can look at him all day! And I can imagine him staring at me with his gorgeous gray eyes!” excited na sabi nito sa kanila, tapos dumeretso na ito sa kusina. Kumunot ang noo niya.

“What the hell is going on?” Tanong niya kay James, umiling lang ito.

“Fine, sandali nga James, sigurado ka bang walang kinalaman si Spencer sa hiwalayan namin ni Sydney?”

I've never been this nasty 2 (MITCHELL SANDERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon