Chapter 8

18.1K 288 52
                                    

I’VE NEVER BEEN THIS NASTY 2 (MITCHELL SANDERS)

 

Chapter 8

Magkasabay silang dalawa sa pagpunta sa Japan, kung saan gaganapin ang kasunod na Grand Prix ngayong season, sa Suzuka Circuit. Pagkatapos kasi ng Korean Grand Prix, umalis na agad sila kinagabihan, yun kasi ang nasa schedule nila, ang team mate niya namang si Matt ay pumunta ng Indonesia para sa launch ng isang product at isa ito sa napiling endorser at para narin sa campaign na “Don’t drink and drive”.

Hanggang ngayon ay kasama niya si Sydney, parang ngayong niya lang naramdaman na napaka sarap pala ng makipag holding hands. Simula pa kasi sa eroplano ay madalang na madalang niyang bitawan ang kamay ni Sydney.

Ang iba sa mga crew nila ay nag punta na sa garage sa circuit para lang i-check ang lugar, nag paalam  naman siya sa Team Manager at Team Principal na kung pwede ba ay mag sightseeing muna siya, tutal bakante naman ang schedule niya, pinayagan siya ng mga ito. Gusto sana niyang i-date si Sydney sa Tokyo. Ito ang una nilang magiging date bilang official na couple. Excited siya para sa date nila, ang sabi ng sa mga crew members niya, wag niyang dalhin si Sydney sa mga fancy restaurants or fancy places, ang sabi ng mga ito ay i-enjoy lang nila ni Sydney ang lugar, mag libut – libot lang silang dalawa at wag sayangin ang oras sa iisang lugar, ganoon daw ang magandang date, hindi gaya ng mga lagi niyang ginagawa. Nangiwi siya sa sinabi ng mga ito, pero na- realize niyang tama naman ang mga ito. Ngayon palang siya makikipag date ng may araw pa at yung seryosong date talaga dahil iba si Sydney sa lahat ng mga naging girlfriend niya, naniniwala siyang si Sydney na ang para sa kanya.

“Let’s just walk around Tokyo, are you cool with that?” tanong niya dito habang naglalakad sila papunta sa room nito dahil magbibihis lang daw ito.

“Yeah, sounds like a plan, this is my first time here, so I would love to walk around Tokyo … with you” ibinulong nito sa tainga niya ang mga huling salita.

Hindi niya alam, pero bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing lumalapit ito sa kanya ng ganoon. Isinandal niya ito sa pader sa makitid na corridor na nilalakaran nila at hinalikan ito sa labi, pinaglandas niya ang kanyang mga kamay sa mga braso nito bago tuluyang ipinaikot sa baywang nito. Damn, he’s so hot and horny right now, ng dahil lang sa bulong ni Sydney. The Powerful Whisper of Ms. Sydney Winters. Lalo pang lumalim ang halik na pinagsasaluhan nila nang paglandasin ni Sydney ang mga palad nito sa balikat niya papunta sa leeg at batok niya, hanggang sa makarating sa buhok niya. Marahan niyang pinisil ang pang upo nito at lalong idinikit ang sarili dito. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at inilayo ang mukha niya dito. Nagtatakang tinitigan niya ito.

“Why darling?” tanong niya dito, idinikit niya ang noo niya sa noo nito.

“We’re in the freaking corridor!” natatawang sabi nito sa kanya, natawa na rin siya ng maalala kung nasaan sila, talagang nawala siya sa sarili.

“I’m sorry babe” natatawa paring sabi niya dito.

“That’s okay, come on now” hinawakan nito ang kamay niya at naglakad na silang muli.

-

Tama nga ang sinabi ng mga crew nila, mas maganda nga ang mag libut – libot kaysa ang magtagal lang sa isang restaurant lalo na sa lugar na gaya ng Tokyo. Masarap din ang nakatambay lang, pero masarap Makita at malaman ang kultura ng mga bansang napupuntahan nila.

I've never been this nasty 2 (MITCHELL SANDERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon