Chapter 10

16.9K 253 49
                                    

I’VE NEVER BEEN THIS NASTY 2 (MITCHELL SANDERS)

 

Chapter 10

Two weeks pa bago mag simula ang Indian Grand Prix, kaya minabuti niyang umuwi muna, pero hindi sa Pilipinas, kundi sa New York, sumama siya kay Sydney dahil doon ang uwi nito. Siguro sa susunod na mga araw ay uuwi din siya ng Pilipinas pero yun ay kung papayagan ng

AMD News si Sydney na mag take ng break kahit isang linggo lang. Pero kung hindi naman siya nalang ang hindi muna uuwi, medyo maluwag naman ang schedule niya sa loob ng tatlong araw, pupunta lang siya sa Technology Centre nila sa ika apat na araw tapos ay libre na ulit siya, at habang di pa niya yon gagawin ay dito lang siya kay Sydney.

Nakikisiksik siya sa cute na apartment ni Sydney sa New York. Her apartment is so feminine, mula sa wallpaper, sa mga kasangkapan hanggang sa kaliit – liitang mga gamit, it is so feminine, lalo na ang kwarto nito, the sheets, the blanket, her pillows, her closet, just like her. Her smell is all over the place, it’s like a breath of fresh air.

Sa ngayon ay siya lang mag isa ang nasa bahay ni Sydney, nasa headquarters ito at may inaasikaso, ang sabi sa kanya ni Sydney ay siya na daw muna ang bahala sa bahay, he’s free to do anything daw. Ilang oras na siyang nanunuod ng T.V. at medyo naiinip na siya, wala siyang magawa, ayaw naman niyang lumabas dahil naiingayan siya sa labas, isa pa maraming tao palagi sa kalsada ng New York kaya mas gusto niyang dito nalang siya sa loob ng apartment ni Sydney. He decided to stand up para pumunta sa kitchen, pag bukas niya ng fridge ay walang laman iyon kundi tubig, napailing siya, inaasahan na niya iyon since palaging umaalis si Sydney. Ayaw man niyang lumabas ng bahay, he’ll do it, malagyan man lang ang fridge ni Sydney kahit papaano.

He wore some glasses and kept his head low as he walk to the streets of New York.

-

“He’s in your apartment?!” Nanlalaking mata ng isa sa mga kaibigan niya sa AMD nang sabihin niyang kasama niya si Mitchell ngayon.

“Shhh” saway niya dito.

“So you guys are really together? Wow, I hope he won’t break your heart”

“I hope so too” napabuntong hininga siya sa sinabi nito.

“Well, we all know that he’s an asshole before, but who knows, you might change him, maybe you’re the one for him” tumawa pa ang kaibigan niya. “maybe you’re the one he’s been looking for.”

Hindi siya sumagot, pero ipinananalangin niya na sana nga ay siya na nga ang hinahanap nito, hindi niya alam kung papaano pa niya i-hahandle kapag iniwan na siya ni Mitch. Ipinagdadasal talaga niya gabi –gabi n asana ay hindi siya iwan ni Mitch. Sa ngayon mag e-enjoy muna siya sa kung ano man ang meron silang dalawa ngayon.

-

Pagkatapos niyang mamili ay tinawagan niya si Sydney para sabay na silang mag dinner nito, marami – rami din siyang nabili, gusto sana niyang magluto para sa kanilang dalawa ni Sydney, pero ang sabi nito ay bukas na daw yon, may pagdadalhan daw ito na restaurant sa kanya na isa sa mga paborito nito kaya pumayag siya.

I've never been this nasty 2 (MITCHELL SANDERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon