Chapter 17

11.7K 181 31
                                    

I’VE NEVER BEEN THIS NASTY 2 (MITCHELL SANDERS)

 

Chapter 17

Tinupad ni Spencer ang sinabi niyang hindi na sila nito gagambalain pa o gagawa ng kung ano mang hindi maganda, for the past week after the Brazilian Grand Prix, hindi pa niya ito nakikita, ang sabi sa kanya ng mga kaibigan niyang tsismoso ay nasa Russia daw ito at parang bumubuntot kay Yuri. Akala nila ay si Morrison ang gusto nito, bakit si Yuri naman ngayon, baka wala lang mapag diskitahang iba, yun ang naisip nila o marahil ay natakot ito kay Tanya.

Ayos sa kanya yon dahil walang nanggugulo sa kanila, baka talagang na -realize nito na hindi silang dalawa ang para sa isa’t –isa. Hindi na siya aangal pa, wala ng kontrabida sa relasyon nilang dalawa ni Sydney.

Kasama niya ngayon sa bansa si Sydney, bakasyon ba nito matapos ang napakaraming Grand Prix weekend. Ipinasyal niya ito sa lahat ng lugar na alam niya, nagpunta din silang dalawa sa rest house ng parents nito sa Laguna. Okay na yata siya sa tatay nito, naglaro pa silang dalawa ng golf nito, ni –congratulate din siya nito sa pagiging champion niya ngayong season. Ang nanay naman ni Sydney ay masuyo parin sa kanya kagaya noong una.

He introduced her to his parents, his parents was delighted that he finally brought a girl home. Ni minsan kasi ay hindi niya pa ginawa iyon. Kahit sino pa, sabagay, wala naman kasi siyang dadalhin sa bahay nila, wala pa siyang naging seryosong girlfriend, si Sydney ang una at huli. Hindi na siya maghahanap pa ng iba, he is actually thinking of marrying her next year. He smiled at that thought of having her pregnant with his child. Tuturuan niyang mag drive agad ang anak nila, gaya niya, by the age of four ay mag k –karting na ito hanggang sa kahiligan na nito ang masayang mundo ng racing. He’s getting excited damn it. Napapangisi nalang siyang bigla.

Gayon pa man, sa kanilang dalawa ni Sydney, alam niyang merong hindi tama, lahat sa paligid nila ay maayos at perpekto maliban sa kanilang dalawa,  parang palaging kay lalim ng ini –isip nito. Pag tinatanong niya naman ito kung ano ang problema o ang iniisip nito ang sinasabi nito ay wala naman daw problema o di kaya’y wala lang naman daw ang mga iyon. Alam niyang meron, pero ayaw niyang ipilit.

Nagsimula ang lahat ng iyon matapos ang Brazilian Grand Prix, sa dinner ng buong team nila ay hindi na ito masyadong umiimik, hindi narin ito gaanong ngumingiti. Nag aalala siya sa kung ano man ang nangyari pero talagang hindi ito nag sasalita, siguro ay bago matapos ang araw na ito ay kakausapin na niya itong muli, ayaw niya ng ganito na tila ba may problema silang dalawa pero naiiwan siyang nag iisip at walang ideya sa kung ano man ang nangyayari.

“Baby, are you really okay?” tanong niya dito habang nakahiga siya sa kama at kalalabas lang nito mula sa shower, kasalukuyan nitong tinutuyo ang buhok nito.

“Yes. I’m okay Mitch, you’ve been asking that since last week.” Sagot nito ng hindi siya nililingon.

“Then, are we okay? I mean us?” tanong niya muli.

“Yes.” Maikling tugon nito.

“Did I do something wrong? I know something’s wrong, you can talk to me about it Darling.”

“No, you didn’t do anything wrong Mitch, you’re perfectly fine.” Sabi nito.

I've never been this nasty 2 (MITCHELL SANDERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon