Chapter 12

15.3K 219 37
                                    

I’VE NEVER BEEN THIS NASTY 2 (MITCHELL SANDERS)

 

Chapter 12

Free Practice 1 para sa Indian Grand Prix, naka handa na ang lahat pero nagkaroon ng delay dahil sa makapal na smog. Makalipas ang sampung minute nagsimula na ang FP1, hindi siya ang nakakuha ng fastest lap pero maganda naman ang naging performance niya sa mahirap na circuit ng Buddh. Sa FP2 ay siya na ang may fastest lap, na-iset niya din ang fastest lap noon, pero nang mag FP3 ay pumapangalawa nalang siya mula sa driver ngibang team, pero umaasa siyang makukuha niya ang magandang pwesto sa Qualifying.

Race day. Gaya ng inaasahan ay nakuha niya kahapon ang P1 sa Qualifying, nasa P3 naman ang team mate niyang si Matt. Nang mag start ang race ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya, ganun din ang ibang mga drivers. Nagpatuloy ang magandang performance niya hanggang sa kalahatian ng race, siya ang nangunguna sa race, na-maintain niya ang first position, pero ng sumapit ang Lap 39, nag crash ang sasakyan niya. Nag karoon problema ang sasakyan niya. Tinatanong ng team radio niya kung okay lang siya, sinabi niyang maayos naman ang kalagayan niya. Disappointed siya, maganda ang performance niya, maayos naman ang sasakyan kahapon at nung Biyernes, bakit ngayon pa, kung kailan race day, kung kailan ilang lap nalang ang tatakbuhin niya, nanlulumo ang pakiramdam niya.

Nang pabalik na siya sa Pit ay sinalubong siya ng mga reporters, isa na doon ang girlfriend niyang si Sydney na nakikitaan niya ng pag aalala sa mata, nginitian niya ito at tinanguan ng bahagya para i-assure dito na ayos lang siya. Ngumiti din ito sa kanya at tumango, nakita din niya ang paghinga nito ng malalim. Nginitian lang niya ang mga reporters at hindi sumagot sa kahit anong tanong nila, he’s devastated. Pagka kita niya sa buong team niya ay agad ang paghingi niya ng sorry, maganda ang position nila, sayang talaga. Ang sabi ng mga ito ay ayos lang yon, wala siyang kasalanan dahil nasa sasakyan ang problema, hindi sa kanya, alam naman niya yon, pero pakiramdam parin niya ay siya ang responsible sa nangyari.

Dumeretso nalang siya sa shower para kahit papaano ay mabawasan nalang ang nararamdaman niya. Pagka bihis niya ay pumunta siya sa Pit, binigyan siya ng ice cream ng isa sa mga crews nila, naupo siya, habang pinapanuod ang race, sampung lap nalang ang natitira at maganda naman ang position ni Matt, makakapagbigay ito ng magandang score para sa team nila. Naramdaman niyang muli ang panghihinayang.

“Hey, we’re sorry for what happened, it’s not your fault, it’s okay” sabi ng isa ng mga engineers nila.

“Thanks” sagot niya dito, bumuntong hininga siya at binuksan ang ibinigay na ice cream sa kanya kanina.

Nasa podium ang team mate niyang si Matt, i-c-congratulate niya ito mamaya, sa ngayon, umalis na din muna siya sa Pit, sinabi niya sa team na ayaw niyang mag pa-interview sa kahit sino muna, pumayag ang mga ito at ang mga ito na rind aw ang bahala sa mga tanong ng mga reporters.

-

Nang dumating ang report na nag crash ang sasakyan ni Mitch ay labis ang kaba niya, sobrang bilis ng tibok ng puso niya, pakiramdam niya ay aalpas iyon sa kanyang dibdib. Nang marinig nila ang radio report ng team nila Mitch ay bahagyang nabawasan ang kaba niya, ang sabi nito ay maayos naman daw ang kalagayan nito.

Nang magbalik si Mitch sa Pit ay nakitakbo at nakipag unahan pa siya sa ibang reporters, hindi para makakuha ng report, kung hindi para makamusta at Makita ito. Ang ibang reporters ay pinauna siya dahil sa kaalaman ng mga ito na girlfriend niya si Mitch. Nang nginitian siya at tinanguan ni Mitch ay alam niyang ayos na ang kalagayan nito, pero halata dito na hindi ito natutuwa sa nangyari. Maraming tao ang disappointed sa nangyari, lalo na ang mga fans nito.

I've never been this nasty 2 (MITCHELL SANDERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon