Chapter 02: THE PROPOSAL

Start from the beginning
                                    

Mighty Morphin… ahhh shit! LSS attack.

Mas lalo ko tuloy napapatunayan na nagbalik na talaga sya dahil sa mga kabaliwan nyang yan…

After na makita nila ang tattoo sa likod ko, may mga nagulat at natulala, syempre, karamihan nahuli ng pulis at military. Kung nagkataon na hindi agad ako nakaalis, mas lalong lalaki ang gulo na ito at baka hindi lang mga Apostle at Helena Gang ang kalaban namin kundi ang buong mundo.

Napatingin naman ako sa suot ko, oo nga pala… inihagis ko yung damit ko kanina sa mga nakatulalang lalaking mga yun. Tumayo ako at kumuha ng damit para magbihis.

Iba talaga ang dating nya sa lahat, ang epekto ng isang Bloody Maria.

“Where is she?”

“Vacation?”

For the nth time? Seriously? Hanggang kailan ba balak ni Lyrang magbakasyon? Everytime I ask her whereabouts, vacation lang ang laging sinasagot sa akin ni Akagi. If I know, hindi nya din alam kung nasaan ang magaling kong bestfriend at tatawag lang yun pag may ipapagawa, katulad ngayon.

Iniikot ni Akagi ang swivel chair nya paharap sa akin, saka inihagis ang isang mini envelop.

“The first plan is for them to know that Bloody Maria is not dead…”

That’s the first plan, and because of that, siguradong mababawasan ang gulo dahil alam nila na pipigilan sila ni Virgo kaya wala munang maglalakas loob na gumawa ng gulo dahil bumalik na ang kinatatakutan ng lahat.

Everyone knows na ayaw ni Bloody Maria sa gang war at kung sino man ang mag-umpisa nito, inuunahan na nya. Kung bakit, hindi ko din alam. She’s the queen, alam naman ng lahat na kayang-kaya nyang manalo pero ang ayaw nya ay hindi pwede, batas na yun sa mga gangster katulad namin.

“But of course, that is not enough that’s why for the second plan… we will prepare for her comeback”

Tiningnan kong mabuti ang inihagis nya sa akin, isa itong invitation sa isang party…

Masama ang kutob ko dito.

MONTENEGRO MANSION

SKYE POV

“Prime, where’s King?”

“Alam na nya…”

Napatingin ako sa plasma TV na ngayon ay sirang-sira na, kung ganun… napanood pala nya ang balita. Hindi lang yun, may mga pictures din na nagkalat sa sahig na para bang pinapaalam talaga na bumalik na nga sya.

Damn!

Agad akong nagpunta dito sa mansion nila para masabi kay King ang nangyaring gulo at pagpapakita ni Bloody Maria at syempre, kung anong magiging reaction nya dito.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now