Chapter 01: GANG WAR

Start from the beginning
                                    

“Problema mo?”

Napatigil na lang ito ng may tumama na sa sikmura nya, isang kutsilyo. Hinawakan nya ito at sa kamay nya, nagkalat ang dugo.

Unti-unti syang bumagsak sa sahig na nakaagaw naman ng pansin ng ibang tao sa palengke.

Tinanggal ng killer ang hood nito at saka tumingin sa lalaking ngayo’y patay na saka nagsmirk.

“Tang ina, mga underlings ng Apostle!”

Agad namang napukaw ng isang boses ang mga tao sa paligid. Hindi lang pala ang gang nila ang nasa lugar kundi marami pa. Kanya-kanya silang labas ng kanilang mga weapons at sa isang iglap… isang labanan na ang naganap.

Sunod-sunod na pagsabog ang narinig sa lugar, maging pagputok ng mga baril. Sinira ng ilang mga gangster ang mga gamit na makikita nila sa lugar at maging ang mga inosente ay nadamay.

Ang mga walang kaalam alam sa mga nangyayari ay walang magawa kundi ang tumakbo at sumigaw, malas na lang kung may makabangga sila at pagtuunan sila nito ng pansin.

Sinipa ng isa sa kanila ang mesa at kumalat sa sahig ang mga paninda doon, hinampas nya ng baseball bat ang mukha ng bawat sumasalubong sa kanya. Napatumba ito ng tamaan sya ng malalaking bato sa ulo.

Kanya-kanyang takbo ang mga tao para iligtas ang sarili nila, ilang sasakyan na din ang nagkabanggaan. Nagkatulakan na at nagkatapakan na ang mga tao sa nasabing lugar habang ang iba ay abala sa pagpapatumba ng kalaban nila.

Hinampas pa ng isa sa kanila ang bintana ng kotse saka hinugot ang baril nya at pinaputukan kung sino man ang tamaan.

Prrtttt… Prrrtttt…

Dumating na ang mga pulis at sinubukang huliin ang mga taong bahagi ng gang war pero maging sila ay naging biktima na din ng mga ito.

Pinugot ang ulo ng isa sa kanila gamit ang itak, ang isa naman ay pinagsasaksak ng ilang ulit saka iniwan sa tabi na natapakan pa ng mga taong nagtatakbuhan.

Wala ka ng maririnig sa lugar kundi mga sigaw, iyak at sunod-sunod na pagputok o pasabog ng mga weapons ng bawat isa.

Sa kabilang dako naman ay tumatakbo na ang ilang gangsters dahil hindi nila kinaya ang kalabang gang pero hinabol parin sila ng mga ito at parang ayaw pakawalan.

Dumating na sila sa kasunod na bayan na teritoryo naman ng ibang gang kaya mas lalong lumaki ang gulo.

Nakisali ang ibang mga gangster na madadaanan ng mga naglalaban pang ibang gangsters at dahil doon mas lalong nahirapan ang mga pulis na pigilan sila.

Tinadyakan at sinuntok ng isang long hair man ang mga umaatake sa kanya, may hawak namang chain saw ang kasama nito at ito ang ginamit nya sa mga taong kasama nya.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now