CBH: Chapter 23

Zacznij od początku
                                    

"Ewan ko sayo. Tuloy na natin?" Tanong ko sa kanya, baka sakaling makalusot. Haha

"Bumaba ka na at baka kailangan ka ng daddy mo, ikaw talaga Ms.CEO, masyado kang makulit. Tsaka aaalis na rin ako, medyo gabi na. Alam mo naman, OA ang family ko." Ano ba yan! Kainis kasi, mga istorbo.

"Better luck next time, Ms.CEO." Agad na siyang lumabas ng kwarto ko, hindi ko na siya nagawang maihatid sa labas, dahil na rin siguro sa inis ko. Kaasar talaga eh.

Pagkaalis pa lang ni Rhian sa bahay, agad na akong pumunta sa mini office ni Dad, nakita ko sila ni Alchris.

Itong Alchris na to, may patawa tawa pang nalalaman. Jusko.

"Maganda ba timing ko?" Tanong ni Alchris sa akin, halata na gusto lang akong bwisitin,

"Sobra! Napakaganda. Sa sobrang ganda, gusto na kitang ibitin ng patiwarik!" Sagot ko sa kanya. Nakakbitin naman kasi eh. Kainis.

"Hahaha! Sorry na. Next time kasi sabihin mo sa akin! hahahaha"

"Loko, biglaan lang yun! Bwi-"

"Hep hep hep! Kayong dalawa, tumigil na nga kayo. Nag babangayan nanaman eh." Pagsuway sa amin ni Dad.

Hindi na lang kami umangal at nakinig na lang sa mga sinasabi niyam dahil may bago daw project ang company dapat pagtuunan naman ng pansin.

----

"Maayos na ba ang lahat Glaiza? Para yung pagpunta niyo na lang dun ang kailangan" tanong sa akin ni Tita Amanda. Andito ako sa mansion ng mga Ramos, dahil sinusundo ko si Rhian, balak kasi naming mag picnic sa labas.

Bukas ng umaga ay byabyahe na kami papunta New York, para sa kasal namin. Siguro ieenjoy muna namin ang trip to New York, hindi naman kasi kami magkasama sa iisang hotel, ayaw nila dad, pati na rin ang mga Ramos, para naman daw mamiss namin ang isa't isa. Mga ano talaga nila.

"Ah, opo tita, ok na po lahat. Nakaempake na nga ako eh. Ewan ko na lang sa anak niyo. Alam niyo naman ho yan, may pagkatamad minsan. Hehehe"

"Anong tamad ka diyan! Ako nga halos gumawa ng kakainin natin mamaya. Tamad tamad ka diyan!" Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Rhian, grabe nagalit ang loka.

"Hahahah. Ikaw naman, joke lang. Halika nga dito, payakap ako!"

"Mukha mo! Teka, aayusin ko lang tong dadalhin natin. Mom ikaw na bahala sa mokong na yan!" Agad na umalis si Rhian at pumunta siya sa kusina. Grabe napikon ko nanaman ata.

"Haynako! Pagpasensyahan mo na yan. Medyo nagiging moody siya nitong mga nakaraang araw. Manang mana sa daddy niya. Oh siya hintayin mo na lang si Rhian, ok?" Tumango na lang ako kay Tita.. Umalis na rin si Tita at umakyat na hg kwarto niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Grabe ginawa mo lahat to? Sipag mo ah!" Sabi ko kay Rhian, andito kami sa park at dito na kami nag picnic.

Ang daming pagkain na dinala ni Rhian at mukhang masarap naman. Mapapakain talaga ako. Ang swerte ko naman ganito kaganda ang magiging asawa ko, tapos magaling na kahit papaano sa kusina, wala na akong hahanapin pa.

"Ikaw lang tong walang tiwala eh. Hahaha. Osiya, sige chill ka na lang diya, gusto ko ako ang mag aasikaso sayo" wow naman, asawang asawa ang dating.

Come Back HomeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz