Mace looked at Titus. He looked like a lost child asking her to stay because he's afraid to be lost forever. "Titus..."

"Stay." His eyes looked vulnerable. "Hindi na kita susumbatan. Huwag ka lang aalis, Mace."

Parang may sumasakal sa puso niya. Ano ba ang nangyayari ngayon kay Titus? Hindi naman ito ganito noon? He always looked mysterious and cool. But now... He looked nothing like it, but vulnerable.

Tuluyan siyang humarap sa binata saka iniyakap niya sa beywang nito ang mga braso niya at hinagod ang likod nito. "Ano ba'ng nangyayari sayo?" Tanong niya sa binata na ngayon ay nakayakap na sa kaniya ng mahigpit. "This is not you..."

He buried his face on her neck and mumbled, "pinaglaruan kami kagabi, Mace. Pinaniwala kami na nandoon ang kailangan namin. Emannuel played it well. He made me look like a fool and I'm sick of being treated like one. I'm sick of people treating me like I'm nothing because of who I was! I'm sick of it all! I'm sick of it! Sinusubukan ko namang pigilan ang galit na nararamdaman ko pero hindi ko na kaya." Bahagyan siya nitong pinakawalan sa pagkakayakap saka pinakatitigan siya. "Sorry I lash out at you. I'm just so angry and tired and I don't know what do anymore. I'm stuck, Mace. Hindi ko na alam ang gagawin ko para mangyari ang mga plano ko."

Her eyes softened. "Ano ba ang plano mo? Mind telling me?"

His eyes darkened and then he shook his head. "Kalimutan mo na 'yon. Ayokong pati ikaw madamay sa gulo ng buhay ko. Mabuti nang wala kang alam." Pilit itong ngumiti saka tumuon ang mga mata nito sa backseat. "Actually, pinalabas kita para saluhan akong mag-agahan."

Sinundan niya ang tingin ng mata nito at hindi siya makapaniwalang mahinang tumawa ng makita ang take out box ng isang kilalang fast food na ang laman ay pancake.

"Really?" Hindi makapaniwalang binalik niya ang tingin sa binata. "Pancakes?"

Titus shrugged. "I love pancakes."

"I know." Naaalala pa niya kung gaano nito ka-paborito ang pancake. "Pero dito talaga tayo kakain sa kotse mo?"

"Ahm." He looked at her. There was uncertainty in his eyes. "Would you...ahm, would you like to go back to my yacht?"

Sa tanong ng binata, kaagad na pumasok sa isip niya ang anak na natutulog pa. Hindi niya puwedeng iwan na naman ang anak niya kaya naman umiling siya. "Dito nalang tayo kumain."

Hindi nagsalita si Titus. Tumango lang ito, pero halatang hindi nito nagustuhan ang sagot niya sa tanong nito kaya naman siya na ang umabot sa pancake na nasa backseat saka binuksan ang lalagyan no'n.

Inamoy niya ang mabangong aroma ng pancake. "Ang bango."

"I'm so hungry," ani Titus.

Mahina siyang natawa saka sinubuan ang binata ng pancake. Hindi niya alam kung bakit niya sinusubuan ang binata. Kung bakit niya ginagawa ito ngayon, siguro dahil gusto niyang makabawi rito sa hindi niya malamang kadahilanan. Hindi talaga niya alam ang rason pero nasisiyahan siyang subuan ito. Masaya sa pakiramdam na parang bumabalik sila sa dati, nuong sila pa. Nuong masaya pa sila. Nuong wala pa siyang alam.

Pero alam niyang napaka-imposible nang bumalik sila tulad ng dati.

"Isa pa," ungot ni Titus sa kaniya saka binuka ang bibig. "Come on, cara mia, feed me."

Pinaikot niya ang mga mata saka akmang susubuan ito ng maliit na piraso ng magsalita si Titus.

"Put that small slice of pancake in between your lips, cara mia," he requested.

Alam niya ang gusto nitong gawin dahil gawain nito iyon ng sila pa, kaya naman sinunod niya ang gusto nito at napapikit nalang siya ng kunin ni Titus ang pancake sa mga labi niya sa pamamagitan ng paghalik nito sa mga labi niya.

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon