Nang hindi siya nagsalita, mahina itong natawa saka umayos ng upo sa driver's seat at isinansal ang likod no'n sa likod ng kinauupuan. "Fuck...I'm so fucking tired."

Malakas siyang napabuntong-hininga saka akmang lalabas ng kotse ng mahigpit siya nitong hinawakan sa pulsohan.

"Saan ka pupunta?" May talim ang boses nito.

Natigilan siya saka bumaling sa binata. "Kukuha lang ako ng cold compress sa bahay, tapos babalik ako kaagad. Kailangan mabigyang lunas 'yang pasa mo."

Hindi siya binitawan ni Titus kahit pa nga nagpaliwanag na siya. "No... you're staying here."

"Pero Titus--"

"I'm fine," anito. "Isara mo ang pinto at mas magiging okay ako."

Umayos siya ng upo saka sinara ang pinto at humarap siya sa binata. "Titus, kailangan magamot 'yang pasa mo--"

"I'm fine, Mace." Bumuga ito ng marahas na hangin saka pinikit ang mga mata habang nakasandal ang katawan sa likod ng driver's seat. "Just stay... And I will be fine."

Malakas siyang napabuntong-hinga. "No, hindi ka magiging okay. Kailangan mo ng cold compress at saka ointment para sa pasa mo--"

"Just stay." May diin ang boses nito saka sumulyap sa kaniya. "I'll feel much better if you stay, cara mia. Do I have to beg for you to stay? Ganun ba talaga kahirap manatili sa tabi ko?"

"Titus..."

"Alam mo." Mapait itong ngumiti, "Nang umalis ka noon, ang dami kong tanong sa sarili ko. I'm not an insecure kind of guy, but when you left, my insecurities consumed me. Iniwan mo ako para sa ibang lalaki, Mace. Bakit?" Walang emosyon ang mukha nito kaya hindi niya alam ang dapat maramdaman. "Am I not good enough for you? Mas mayaman ba siya sakin? Mas makapangyarihan ba? Mas mapapaligaya ka ba niya? Mas magaling ba siya sa kama keysa sakin? Mas nakakahigit ba siya keysa sakin? Ang dami kong tanong na hindi nasagot noon. And now, I saw you again, but you're with Pierce." Mapakla itong natawa. "Fuck...bakit ba palagi nalang akong inaagawan? Nuong una, ikaw sumama sa ibang lalaki. Sumunod si Red, sumama kay Phoenix. Ngayon naman, ikaw ulit, sumama kay Pierce." Tumingin ito sa mga mata niya. "May mali ba sakin, Mace? Anong mali sakin at dalawang beses kang sumama sa iba habang kasama mo ako?"

Nagbaba siya ng tingin. Gusto niyang sabihin ang rason dito, gusto niyang itama ang ibang mali sa sinabi nito. Pero may magbabago ba? Tapos na 'yon. Nangyari na.

At oo nga at wala itong alam na siya ang isa sa tatlong prinsesa, pero nananatili pa rin ang katotohanang anak ito ni Rinaldi Ivanov at hindi kayang tanggapin ng sistema niya na ang lalaking minsan ay bumaliw sa kaniya, anak ng taong kinasusuklaman at sinusumpa niya.

Malalim siyang bumuntong-hininga saka kinagat ang pang-ibabang labi. "Titus, kalimutan mo na ang relasyon natin noon. Tapos na 'yon. Let it go."

Sunod-sunod na nagmura si Titus. "Tapos na 'yon? Let it go?" May panunumbat sa boses nito. "Sa tingin mo hindi ko 'yon gustong gawin?! But fuck it, Mace, everytime I try to forget what happened between us, our memories together always hunt my sleeping and waking hours!" Tumaas ang boses nito at bakas doon ang galit. "And because of you, I don't believe in forever anymore. Because the person who promise me forever, left me. Where's the forever in that?" Dinuro siya nito. "You left me, Mace. It's so much worst than melying to you about my full name."

Nagbaba siya ng tingin. "Kung pinalabas mo ako ng bahay para sumbatan ako, mas makabubuti sigurong bumalik nalang ako sa loob--"

"No. Stay." Hinawakan siya nito sa braso para pigilan siyang lumabas ng kotse saka pilit siya nitong pinatingin dito. "Okay, fine, hindi na kita susumbatan. Hindi na. Hindi na. Hindi ko na gagawin 'yon. Just stay with me. Hindi na talaga. Pangako."

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon