Napakurap-kurap sa kaniya si Nate. "Anong sabi mo?"

"I have to see her."

Hindi maipinta ang mukha ni Nate. "Man! Nakikinig ka ba sakin?" Galit at mataas ang boses nito. "We have a plan, damn it! Actually, this is your plan and I'm just helping you--"

"I need to see her," putol niya sa iba pang sasabihin ni Nate at tumingin siya sa mga mata ng kaibigan. "I need to make sure that...s-she's not really Pierce's girlfriend... Na mali lang 'yong dinig ko, na binibiro lang ako ni Muller."

"Does it matter?" Nate asked.

"No, but..." Kumuyom ang kamao niya saka hindi makapaniwala sa sariling napailing. "O think I'll go insane if I don't see her, Nate."

Nate looked at him, dumbfounded. "What the hell is happening to you, bud?"

Umiling siya at nagkibit balikat. "Hindi ko alam. I just feel this strong urge to see her and be with her. And Nate—" Napasabunot siya sa sariling buhok. "I don't want to go nuts thinking of her."

Hindi makapaniwalang napailing-iling si Nate at nagtanong. "Sino ba ang babaeng 'yon?"

Titus bit his lip. "She's my ex."

"And?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't know... I just want to see her again, you know... I just want to." Napailing siya kasabay ng mahinang pagtawa at puno ng frustrasyong sinuklay niya ang buhok gamit ang sariling daliri. "Dalawang araw ko lang siyang nakasama at nababaliw na naman ako..."

Nate shook his head. "I'll give you eight hours, bud. Pagkatapos no'n, magkita tayo sa ikalawang kanto mula sa bahay ni Emmanuel. Iti-text ko sayo ang eksaktong address para hindi ka magkamali."

Tumango siya saka malalaki ang hakbang na nagtungo sa flying bridge para paandarin at pagalawin ang yacht pabalik sa port.

YAKAP NI Mace ang anak na si Ace habang nakahiga sila sa malambot at malapad na kama sa isa sa mga kuwarto ng bahay ni Rios. Panay ang halik niya sa pisngi at nuo ng anak niya habang mahina itong inaawitan para makatulog.

Nang makarating sila sa Bachelor's Village kanina, pareho silang walang imik ni Rios. At pagkatapos maghapunan, habang nililigpit nila ang pinagkainan at nasa sala na si Ace nanunuod ng T.V., doon lang ito nagtanong sa kaniya na sinagot naman niya na walang halong kasinungalingan, maliban nalang sa parte kung saan ilang beses siyang inangkin ni Titus.

Mace wanted to keep it to herself. It was better that way.

Nakahinga ng maluwang si Mace at masuyong napangiti ng makitang mahimbing na natutulog ang anak niya. Napakasaya niya na nakita niya ulit ito. Miss na miss na niya ang anak niya. At natutuwa siya ngayong kasama na niya ito. Halos hindi niya pinakawalan sa pagkakayakap ang anak kanina ng makita niya.

At dahil ayaw niyang maisturbo ang tulog nito, maingat niyang inayos ang pagkakahiga nito at saka ang kumot, bago siya lumabas ng kuwarto para kumuha ng tubig dahil nakaramdam siya ng pagkauhaw dahil sa mahinang pagkanta.

Nang makababa siya sa hagdanan, nakasalubong niya si Rios na papaakyat sa hagdan.

"Tulog na ba si Ace?" Tanong nito.

Tumigil siya sa pagbaba saka nakangiting tumango rito. "Oo. Medyo nahirapan ngang makatulog kasi baka daw umalis na naman ako."

"You should have seen him last night." Rios shook his head. "He was restless."

"I know," aniya saka huminga ng malalim. "Halata naman na kulang siya sa tulog."

"Yeah." Umangat ang kamay ni Rios saka hinaplos ang buhok niya kapagkuwan ay bumaba ang kamay nito sa braso niya. "Magpahinga ka na rin. Halatang puyat ka."

POSSESSIVE 16: Titus MorganWhere stories live. Discover now