Nang makapasok sa loob ng bahay ay agad akong nagtungo sa silid namin ni Corazon. Nakasalubong ko pa si Aling Isay na may dala-dalang basket ng mga kumot at mukhang nagmamadali.

"Anong meron?" bungad ko kay Corazon nang makapasok ng silid. But she was busy folding clothes to even notice me.

Nitong mga nakaraang araw, napansin ko ang pagiging busy nila. Halos hindi magkaugaga kakalinis ng bahay. Maging si Antonio, hindi ko halos makita dahil palaging umaalis.

I cleared my throat catching Corazon's attention. She glanced at me ngunit agad na ibinalik sa ginagawa, "Kristin, nandito ka na pala."

Naglakad ako palapit sa kanya, "Anong meron? Ba't parang andami niyo atang ginagawa?"

"Naku. Hindi ko pa pala nasabi sa'yo." nakangiting sabi niya.

"Ang alin?"

Hininto niya ang pagtutupi at nakangiting tumingin sakin, "Darating ngayong araw ang supremo. Sa katapusan ng buwan ay magkakaroon ng pagpupulong ang mga pinuno ng katipunan sa Imus."

Natigilan ako sa sinabi ni Corazon.

"Dito muna sila mananatili."

Andres Bonifacio is coming to town. I saw him when the Cry of Balintawak took place, pero 'di ko siya nalapitan o nakausap- I never wanted to in the first place. And now, he's coming to Tandang Sora's house and I'm not even prepared. Feeling ko, 'pag nakaharap ko na siya, judgement day ko na. Hindi ko ma-explain pero nagi-guilty ako. I feel like I've done something wrong.

I think I did.

I gulped, "G-ganun ba. Tulungan na kita."

"Huwag na, Kristin. Baka mapagod ka-"

"Corazon, tatlong buwan ang lumipas nung natamo ko 'tong sugat." I pointed the scar on my leg. The one I got when the spaniards attacked Antonio's village. "Ayos na ako."

Corazon sighed, "O sige na nga."

I smiled at naupo sa tabi niya.

"Para saan 'yan?" tanong niya habang nakatingin sa panyong hawak ko. I looked at the handkerchief I was holding. Doon ko lang napansin ang itsura ng panyo. It was a smooth cream colored handkerchief. It's smooth and its edges was laced.

"Magpapaturo sana akong magburda." nahihiyang sagot ko.

"May pagbibigyan ka?" napatingin ako sa kanya. She was looking at me, wearing a mischievous smile as if she knows what I'm thinking.

I avoided her gaze, "W-wala naman. 'Pag gustong matuto magburda may pagbibigyan na agad?"

She chuckled, "Mamahalin ang hawak mong panyo, imposible namang wala kang pagbibigyan?"

"Wala naman kasi-"

"Si kuya Antonio ba?"

I covered my face with my hands. Ganito ang problema ng mga taong mapuputi, kitang-kita ang pamumula. Corazon's obviously teasing me. She loves teasing people hanggang napapaamin niya ito.

"Tama ako." she tapped my shoulder lightly. "Tutulungan kita."

I removed my hands from my face saka tumango.

Sabay kaming napalingon ng may kumatok sa pintuan, "Narito na ang supremo. Halina kayo sa labas." masayang balita ni Tandang Sora.

Agad namang tumayo si Corazon at hinila ako.

They were all excited, but I wasn't. My heart was pounding. I'm freaking nervous for no freaking reason! Well, maybe because makikita ko ang isang taong matagal ng patay. Patay na sa panahon ko, pero buhay pa sa panahon ngayon.

My Handsome Katipuneroحيث تعيش القصص. اكتشف الآن