Chapter 75: Bugbog

3.2K 148 15
                                    

Myka

Napayuko na lang ako habang nagdidisscuss si ma'am. Hindi ako nakikinig dahil lutang ako ngayon.

"Ang ating tatalakayin ay ang Hamon hindi problema sa English Challenge not Problem, ibig sabihin ang akala mong problema at Hamon lang pala na kailangan mong lagpasan example na lang ang pinag aawayan nila Myka at Andrei ano bang pinag aawayan niyo ni Andrei?" nabalik ako sa reyalidad nang gawing example ni Ma'am kami ni Andrei. Nakatingin siya sa akin ngayon at hinihintay ang isasagot ko.
Sasabihin ko ba?

"Ma'am dahil sa ex ni Andrei kaya sila nag aaway"
Mukhang hindi ko na kailangan sabihin dahil may nagsabi na.

"Mukhang problema nga 'yan si Ex pero sa math lang prinoproblema si Ex hindi sa sitwasyon niyo, Alam niyo hindi dapat problemahin ang isang Hamon dapat lang itong lagpasan kung proproblemahin niyo man ay solusyonan niyo na lang. Kaya nangyayari 'yan para maging matatag kayo at pagtibayan ang tiwala sa isat isa" tama si Ma'am Hamon lang ang nangyayari sa amin hindi problema. Tumingin ako kay Andrei at napansin kong nakatingin din siya sa akin. Ngumiti siya sa akin ganon din ako sa kanya. Hindi ko iniexpect na mapagbabati kaming dalawa ni Ma'am na sobrang istrikta. Himala yata naging mabait siya. Nilapit ni Andrei ang kamay niya para hawakan ang kamay ko pero may stick na humampas sa gitna ng desk namin para hindi magtagpo ang mga kamay namin.

"Ginawa ko lang kayong example hindi ko sinabi na mag PDA kayo sa harap ng teacher kabastusan ang ginagawa ninyo" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay napayuko na lang kami. Mukhang Mali ang sinabi ko na bumait siya. Pero ok lang yon, ang mahalaga ay maliwanag na.

Ysabel

Lunch time na,pumunta ako sa canteen para maglunch. Habang naglalakad ako ay napansin ko na may sumabay sa akin.

"Ysa ok ka na ba?" Napatingin ako kung sino man 'yon at nakita ko si Rae na alalang alala sa akin.

"Ok na ako salamat pala sa comfort" sagot ko sa kanya at ngumiti. Ngumiti siya sa akin. Anu ba Rae? Wag kang ngumiti baka mainlove ako.

"Sabay na tayong kumain ng lunch treat ko" sabi ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Ah hindi hindi ako na lang ang manlilibre"

"Ang dami mo nang nagawa sa akin kaya babawi naman ako sa'yo"

"Ah eh hindi na nakakahiya ako ang lalaki pwe kaya ako manlilibre sige na"

"Sige na nga haha sabi mo 'yan ah" Sabi ko sa kanya ngumiti naman siya sa akin at tumugon. Pumunta na kami sa counter para bumili ng pagkain. Hindi na ako masyadong nasasaktan ngayon kay Alex dahil sa'yo Rae.

Myka

Pagkatapos ng morning class ay kinausap ako ni Andrei. Sinadya niya talaga na harangin ako kaya wala na akong nagawa kundi ang harapin siya.

"Sorry Myka sa lahat ng ginawa ko, patawarin mo ako sana mapatawad mo na ako" habang sinasabi niya 'yon ay nababalutan ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

"Kahit naman kasi hindi ikaw si Mr. Poser mahal pa rin kita kaya please wag mo na akong lokohin ah"

Napangiti naman siya sa sinabi ko at tumango.

"Hep hep akala mo ba papalampasin ko yung nangyari sa inyo ni Andrea?"

Nagtaka naman siya sa sinabi ko at parang napaisip.

"Tss, walang nangyari sa amin. Lasing ako non pero kahit lasing ako ikaw pa rin ang nasa isip ko, yung tanging alam ko lang hinatid niya ako sa bahay at nang pagkagising ko nakita ko siya na nakaupo sa gilid ko at nakatingin sa akin, gusto niyang pag usapan ang past namin pero habang nagsasalita siya ikaw ang nasa isip ko kaya hindi ko 'yon pinakinggan, inamin ko ulit sa kanya na wala na talaga akong nararamdaman dahil sa'yo ko lang nararamdaman ang mga kakaibang pakiramdam" habang sinasabi niya 'yon ay mukha talaga siyang nagsasabi ng totoo.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon