Chapter 68: Basketball Game

3.3K 171 30
                                    

Myka

Habang naglalakad ako papasok sa gym ay nakikita ko na ang mga estudyante na pupunta rin. Ang dami namang tao dito. Napansin ko ang grupo ng mga babae na nakasakay ko at nakinig sa pinag uusapan nila.

"Sino kayang mananalo? Teka si Myka pala ang nasa harap natin" At natigil sila sa pag uusap. Ano namang koneksyon ko sa laban mamaya? Nagmadaling silang maglakad para hindi ko marinig ang Sasabihin nila.

At kanilang pag uusapan. Naglakad na ako papasok sa loob at nang pumasok ako sa loob ay nakita ko si Ysa kasama ang mga kaklase niya. Lumapit siya sa akin at parang may gustong sabihin.

"Myka ang haba talaga ng hair ng bestfriend ko putulin na natin 'yan kasi naaapakan ko na" Sabi sa akin ni Ysa. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan.

"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kasi maglalaban ang dalawang gwapong gangster sa loob ng court nang dahil sa'yo" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Totoo ba ang sinabi niya? Kaya ba nang mapansin nang dalawang babae na nakikinig ako sa kanila ay tinigil na nila ang pag uusap at inunahan ako sa paglalakad.

"Bakit naman nila gagawin 'yon?" Tanong ko sa kanya.

"Aba ewan ko, ang alam ko lang ay magpagupit ka na ng buhok" Sabi niya sa akin. Tumingin ako sa harap at nakita ko ang buong Black Knights na nag uusap samantalang si Derek ay seryoso lang na nakaupo.

Hinanap ko kung nasaan si Andrei pero hindi ko siya makita.

"Myka nandito na si Andrei" Napatingin ako sa pumasok dito sa gym. Ang grupo ni Rae kasama si Andrei naglalakad sila papunta sa lugar nila Derek. Napansin ko ang paglalakad ni Andrei parang nahihirapan siya sa pagkakalad niya. Hindi naman siya ganyan kanina. Ano kayang nangyari?

"Hindi pa nagsisimula ang laban dumumi na agad sila" Napatingin ako kay Ysa. Seryoso siya habang nakatingin kay Andrei. Anong ibig niyang sabihin, dahil kay Derek kaya siya nahihirapan sa paglalakad. Nanuod lang kami sa kanilang lahat. Mukhang hindi magkakagulo dahil nandito ang mga guards pati may Referee din. Pero kahit naman may mga ganyan hindi pa rin mapipigilan ang Black knights. Sana naman walang mangyaring gulo at walang mangyaring masama kay Andrei, mukha kasing nahihirapan talaga siya.

Nagsimula na ang laban at si derek ang laging nakakasuntok.

26 points na si Derek samantalang si Andrei ay hindi pa rin nakakapuntos paano 'yan? Magchecheer ba ako kay Derek o kay Andrei? Kahit naman tanungin ko ang sarili ko alam ko pa rin na si Andrei ang gusto kong icheer bukod sa kanya lang ako nakafocus ng tingin ay nahihirapan din siya. Pero pag ginawa ko naman 'yon baka lalo pang masaktan si Andrei dahil magagalit si Derek. Ang hirap palang maging maganda. Hay Myka tama nga si Ysa dapat magpagupit ka na ng buhok dahil nastress ka lang. Nanuod na lang ako ng laban. Wala rin naman akong dapat gawin.

Andrei

Sobrang sakit talaga ng paa ko lalo na kapag inaapak ito. Hindi ako makapaglaro ng maayos dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Ano? Mahina ka pala" Narinig kong sabi ni Derek habang pilit ko na inaagaw ko sa kanya ang bola. Napikon naman ako sa sinabi niya pero naging kalmado lang ako dahil pinanonood kami ni Myka habang Naglalaro.

"Sa tingin ko ikaw ang mahina" Sabi ko sa kanya.

"Huh? Talaga lang bakit hindi mo maagaw sa akin ang bola?"

"Mahina ka bakit mo pinalagyan ng thumbtacks ang loob ng sapatos ko? Dahil mahina ka hindi ka rin mahina duwag kapa" sabi ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at napikon.

"Wala akong alam sa sinasabi mo 'wag mong baliktarin ang usapan"

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin alam mo naman ang totoo na mahina at duwag ka dahil hindi ka marunong lumaban ng patas" sabi ko sa kanya. Nainis siya sa sinabi ko at nagulat ako nang bigla niya ako ng batuhin ng bola sa mukha.

*Ptttttt* Natigil kami ng biglang pumito ang Referee.

"Foul no.5" Sabi ng referee at tinuro ang direksyon ni Derek.

Kinuha ng referee ang bola at binigay sa akin.

"Possession" Sabi niya. Tumingin ako kay Derek naiinis na siya. Wala akong pakialam kahit mainis pa siya sa akin dahil hindi ako takot sa kanya.

"Pinatunayan mo na na hindi ka patas maglaro" Sabi ko sa kanya at drinibble ang bola. Tumingin muna ako sa direksyon ni Myka bilang papmpagana. At agad na shinoot ang bola mula sa malayo at sakto namang pumasok na sa ring.

"3 points" Sabi nila. Tumingin ulit ako kay Derek at binigyan ko siya ng mapang asar na ngiti.

"Partida na ang laban mukhang matatalo pa kita" Sabi ko sa kanya. Kinuha niya na ang bola at drinibble na ito at ako naman ay dumidepensa na sa kanya. Ganado na ako dahil kay Myka at kailangan ko itong galingan para sa kanya.

Myka

"Grabe naman ang ginawa ni Derek kay Andrei buti na lang hindi yata mainit ang ulo ni Andrei kung napikon siguro si Andrei naku hindi na sila maglalaban sa ring kundi literal na silang maglalaban" sabi ni Ysa habang nakatingin sa kanila. Sana ayos lang si Andrei, mukha kasing napalakas ang pagbato ng bola sa mukha niya. Ito namang si Derek gusto niya talagang bugbugin si Andrei sa loob ng court. Galingan mo Andrei at sana dipensahan mo ang sarili mo sa gagawin pa ni Derek sa'yo mukha kasing naiinis na siya.

Si Andrei naman ngayon ang may hawak ng bola at humahabol na siya sa score pero agad ding naagaw ni Derek ang bola at sinunod sunod na ang pag shoot niya dahil hindi makadipensa si Andrei sa kanya. Hirap na hirap talaga si Andrei sa kinikilos niya.

Ishoshoot na sana ni Derek ang bola pero nasupalpal na agad ni Andrei sa kanya. Yes. Gusto ko sanang icheer siya pero hindi pwede. Naagaw na ni Andrei ang bola pero agad din itong naagaw ni Derek. Malapit nang matapos ang laban at si Derek na ang halatang mananalo pero sana naman lumaban si Andrei.

"Go Andrei!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na icheer siya. Napatingin sa amin sila Andrei at Derek napangiti sa akin si Andrei samantalang si Derek ay biglang nalungkot at napatingin siya kay Andrei at tiningnan niya ito ng masama. Naagaw ni Andrei ang bola pero nagulat kaming lahat ng bigla niyang inapakan ang kaliwang paa ni Andrei.

Hindi yon finoul ng referee dahil siguro hindi 'yon napansin pero napaupo naman si Andrei sa sahig at napahawak sa kaliwang paa niya.

*Tteeeeeng* Tapos na ang laban at si Derek ang panalo. Tumayo ako at tumakbo papunta kay Andrei at napansin ko na sumunod naman sila Ysa at Rae sa amin.

"Andrei ok ka lang?" Pag aalala ko sa kanya.

"Ok lang" Napansin ko si Gio na pumunta sa may kaliwang paa niya at tinanggal ang sapatos nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Hala anong nangyari diyan?" Gulat na gulat naming tanong ni Ysa habang nakatingin sa medyas niya na kulay pula na sa mantsa ng dugo.

"Lumala ang sugat mo at mukha yatang nagkaroon ito ng infection tsk. Tsk. Dapat hindi ka naglaro matatalo ka rin naman" sabi ni Gio sa kanya at binuksan ang bag nito.

"Konting sakit lang 'yan kumpara sa sakit na nararamdaman ko ako nga ang panalo sa laban pero kahit kailan hindi ako mananalo sa puso mo" Napatingin ako kay Derek nakatingin pala siya sa amin, akala ko kasi umalis na siya nandito lang pala. Malungkot ang ekspresyon ng mukha niya at mukhang iiyak na naman siya dahil parang nagtutubig ang mga mata niya.

"Derek umalis na tayo" Sabi ni Miguel sa kanya. Naglakad na sila paalis dito at naiwan nalang kami sa loob ng gym.

"Sa clinic na lang natin siya dalhin alalayan natin siya" Sabi ni Gio at inalalayan na tumayo si Andrei. Umalalay naman kami sa likod ni Andrei baka kung sakaling matumba sila.

Nagiguilty ako kay Derek. Pero wala akong magagawa. Bakit kasi ako ang minahal niya marami namang iba diyan na mas maganda sa akin na nagkakandarapa sa kanya. Sana Derek makahanap ka ng babaeng magmamahal sa'yo at hindi ka sasaktan.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon