Chapter 36: At the Principal's office Again

5.6K 300 19
                                    

Andrei

Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos kami ng mga guards. Malungkot siya mukhang ayaw niya talaga na napapaaway ako. Hindi pala ayaw niya na napapaaway si Derek.

"Myka" Napatingin ako kay Derek.

"Halika dito ikaw ang humawak sa akin" Sabi niya. Tumingin siya sa akin pero binaling niya agad ang atensyon niya kay Derek at nilapitan niya ito. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

"Umayos ka" Sabi sa kanya ng guard at binitawan na siya nito.

"Oo na aayos na ako nandito na si Cherry Cutie Pie" Sabi niya sa guard. At ngumiti siya kay Myka, pagkatapos ay tiningnan niya ako at binigyan ako ng mapang asar na ngiti.

Cherry cutie pie mo mukha mo! Ang baduy mo! Hinawakan na ni Myka ang braso niya.

"Aray aray Myka ang sakit ng pasa ko oh kiss mo para hindi na sumakit" Sabi sa kanya ni Derek.

Kiss kiss ko sa pader ang mukha mo para gumaling ang sugat mo G*go.

"Baliw " Sagot naman niya. Tumingin siya sa akin pero umiwas ako ng tingin sa kanya.

Ang sakit nila sa Mata. Hindi dapat nila ginagawa ito sa school lalo na sa pampublikong lugar. Dahil nag aaral sila.

Sila nga pala kaya normal lang para sa kanila ang ganito pero kahit na hindi dapat sa harap ko. Nakakainis kasi ang mga ginagawa nila, nakakainis.

Bakit ka ba naiinis Andrei? Nagseselos ka ba?
F*ckYou!, hindi ako magseselos sa kanila, magsama silang dalawa. Bagay sila, parehas silang baliw kaya dapat lang silang magsama.

Nauna silang maglakad papasok sa Gate. Nakahawak si Derek sa kamay ni Myka habang naglalakad. Akala ko ba sa braso nakahawak? Bakit siya sa kamay ni Myka? Bakit mo ba Andrei pinapansin ang ginagawa nila? Wag mo na silang pakialaman. Wag mo na lang sila tingnan para hindi kana mainis. Para hindi kana masaktan.

Myka

Nandito nanaman kami sa principal's office. Mukhang naging tambayan na namin to dahil sa mga kalokohan na ginagawa nila. Simula ng makilala ko sila naging tambayan ko na rin ang  principal's office. Tsk! Kasama ko ngayon sila Andrei at Derek dito sa loob.

Naalala ko ang sinabi no Luke magkakaroon ng Gang War. Sana hindi na matuloy 'yon dahil mapapahamak lang sila.

"Oh anong nagpala niyo sa pakikipag suntukan bukod sa black eye at pasa niyo sa mukha?"

Hindi lang sila nagsalita at mukhang hindi naman sila nakikinig sa sinasabi ng principal.

"Oh ano nang gagawin mo sa amin?"

"Tatanungin at ginagawa ko na 'yon ngayon. Anong bang dahilan ng lahat ikaw Derek anong dahilan?" Tanong sa kanya ng principal.

"Hindi ko alam sinuntok niya na lang ako bigla" sabi ni Derek na para talagang inosente sa kanyang sinasabi.

"Alam mo ang dahilan kung bakit kita sinuntok" Sabat naman ni Andrei sa gilid ko.

Nakaupo ako sa gitna nilang dalawa. Dahil baka pag nagdikit sila magsuntukan nanaman. Pero pag nagkainitan baka ako naman ang mapuruhan. Dapat kasi itong poging principal nalang ang humarang sa kanila.

"Hindi ko nga alam bakit ba ang kulit mo?!" Napatayo si Derek at balak na sugurin siya pero pinigilan ko siya at pinaupo na. Nakakatakot silang dalawa.

"Dahil ba kay Myka kaya mo ako sinuntok?" Nagulat ako sa tanong ni Derek sa kanya napatingin naman ako kay Andrei, nagulat din siya.

Ako ba? Bakit ako? Pero ako ba talaga? Sana ako.

Hinihintay ko ngayon ang isasagot niya.

"Wag mo siyang idamay magsama kayong dalawa wala akong pakialam sa inyo. Si Rae ang dahilan at wag kang maang maangan na hindi mo alam" sabi sa kanya ni Andrei.

Ang sakit niya namang magsalita. Ok lang na wala siyang pakialam sa akin pero wag niya naman sanang ipamukha dahil masakit kaya. Si Rae ang dahilan?

Diba galit siya kay Rae pero bakit igaganti niya si Rae oo nga pala niligtas siya nito. Myka naman kasi assuming ka masyado ayan tuloy nasaktan ka ulit. Ito kasing feelings ko kay Andrei masyadong makulit ayaw paring umalis.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon