Chapter 5: Andrei the savior

9.5K 485 67
                                    

Myka

"Baliw nga sa'yo " sagot ko naman sa kanya at kinindatan siya.

"Kausapin mo ang sarili mo" sabi niya sa akin at tumingin sa harap. Aba! good boy din pala ang gangster na 'to marunong makinig sa teacher.

"Ang boring " Narinig kong bulong niya sa sarili niya.

"Tumingin ka sa akin " sabi ko sa kanya at nagpacute.

"Bakit naman ako titingin sa'yo?" Siya

"Para hindi ka ma-bored dahil pag tumitingin ka sa akin nagiging masaya ka" nakangiti kong sabi sa kanya at nagpacute pa.

"Mukha ka kasing clown" sabi niya sabay irap sa akin, aba bakla talaga ang gangster na ito.

"Ay grabe siya napapasaya ka naman hihihi" Napansin kong tumingin siya sa akin at ngumiti pero umiwas agad siya ng tingin at sumimangot.

"Ayiie tinatago mo pa ang ngiti mo pero ok lang nakita ko naman hahaha"

Nagulat siya at biglang tinakpan ang bibig niya ang cute niya, tumingin lang siya ng masama sa akin.

"Sige para hindi ka ma-bored maglaro na lang tayo " sabi ko sa kanya pinagtaasan niya lang ako ng kilay at parang hindi siya interesado.

"Ano 'yon?"

Wow gusto rin pala niya.

"Ahm hulaan mo kung sino ang kumanta ng kakantahin ko pag hindi mo nahulaan ikikiss mo ako" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi at nginitian ko lang siya.

"Ano ka sinuswerte?"

"Sinwerte na ako nang makilala na kita " sabi ko naman sabay kindat sa kanya.

"Ano? Game?" tanong ko sa kanya.

"Paano pag nahulaan ko?" Tanong niya at kinunotan ako ng noo.

"Ikaw na bahala"

"Titigilan mo na ako "

"Hindi pwede 'yon" ang gara naman, lugi 'yon.

"Basta pag nanalo ako titigilan mo na ako"

"Sige na nga pero hindi ako titigil na mahalin ka charot pero pagnatalo ka ikikiss mo na ako magiging slave pa kita in 1 week" Natahimik naman siya sa sinabi ko at tiningnan ako.

"Kumanta ka na " mukhang pumayag na siya. Hinanda ko ang sarili bilang paghahanda sa kakantain ko.

"Siguro umiibig kahit di mo pinapansin

Magtitiis nalang ako magbabakasakaling ika'y mapatingin

Kahit sa panaginip ikaw lang ang aking hinihiling

Sa bawat ngiti mo sa panaginip ko'y parang

Ayoko nang magising "

Nagulat siya sa boses ko haha magaling kasi akong kumanta kahit medyo boses palaka ang boses ko basta para sa sarili ko magaling ako kumanta.

"Ano sino kumanta no'n?"

Nag isip naman siya hindi niya alam kung sinong kumanta hahaha hindi niya mahuhulaan 'yon.

"Si Yeng Constantino kaya tigilan mo na ako" sagot niya sa akin at ngumisi.

"Hindi " Nagulat siya nang sabihin ko na mali ang sagot niya.

"Huh?"

"Ako kaya ang kumanta kaya ikikiss mo ako magiging slave pa kita hahaha" Ano ka ngayon Andrei, naisahan kita.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon